Chapter 34

8.6K 183 5
                                    


ARYANIAH'S POV

Habang naaaliw ako sa pakikipag-laro sa anak ni Seren. Naisip ko kung hindi siguro ako dumating sa buhay ni Ryzo. Malabang sila pa rin ni Seren ngayon at wala ang napaka-cute na batang ito sa harap ko.

"Aliw na aliw ka yata diyan kay Ck gusto mo ba gumawa na tayo ng ganiyan." nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya saka siya hinampas.

"Baliw ka ba? Hindi nga boto sa'kin ang Daddy mo tapos ngayon nag-iisip ka pa gumawa ng isa pang kasalanan. Magtigil ka nga."

"Aba Nerdy kailan naging kasalanan ang magka-anak. Palibhasa hindi mo kasi ako mahal. Kaya ayaw mo magka-baby na kamukha ko."

Kahit saan talaga ilagay ang isang 'to wala sa tyming magbiro.

"Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko. Pero tingin mo ba ganoon kadali. Lalo na ngayon galit sa'tin ang Daddy mo. At isa pa hindi naman ikaw manganganak noh? Noong nakita ko nga si Seren na nahihirapan sa panganganak dito kay Ck pakiramdam ko para din akong nasasaktan. Kaya ang mga ganiyang bagay hindi dapat minamadali. Kasal muna no? Bago baby ano ka sinuswerte hindi ako magpapabuntis sayo hanggat hindi mo ako pinapakasalan." natahimik siya sa sinabi ko at seryosong tumingin sa mga mata ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya. Huli na para tumutol ako dahil sinakop na niya ang labi ko ng mga labi niya. Napapikit ako at gumanti ng halik sa kaniya.

Sa kabila ng mga nangyayare mas lalo kong napapatunayan kung gaano niya ako kamahal.

CASAMIYA's POV

Sapat na ang isang buwan para sa binigay kong palugit kay Kaizer para makita at makausap si Aryaniah. Lalong tumatagal na wala akong ginagawa ay mas lalo lang din lumalala ang setwasyon namin. Pare-pereho lang kaming mahihirapan sa huli. Baka hindi na namin kayang gawan ng paraan kapag pinatagal ko pa.

Kaya ito kami ngayon ni Kaizer papuntang Batangas. Nandoon raw sila Ryzo sa resthouse ng isa nilang kaibigan kasama ang kapatid niyang si Quevin at anak raw nito na bagong silang lang.

Aaminin kong dumoble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Masyado ng matagal ng huli kaming magkita ng pinsan ko. At hindi kailanman nasagi sa isip ko magkikita kami ulit sa ganitong setwasyon pa. Nakikipag-agawan sa lalaking mahal niya kahit ang totoo ay wala naman akong inagaw sa kaniya at wala akong balak agawin ang meron siya. Si Mommy lang ang may gusto nito.

Ilang oras din ang ginugol namin sa byahe bago nakarating ng Batangas. Sinabi ko kay Kaizer na huwag sabihin kay Aryaniah na kasama niya akong pupunta ng Batangas. Ang tanging alam lang ni Aryaniah ay bibisitahin siya ni Kaizer.  Pinili kong huwag ipaalam na kasama ako baka kasi ano ang isipin nila. Saka nalang ako magpapaliwanag kapag nakaharap ko na sila.

Huminto ang sinasakyan namin sa isang napaka-gandang bahay bakasyonan. Pakiramdam ko ay nasa tuktok ako ng buntok. Ang sariwa ng hangin at nakapa-ganda ng lugar. Relaxing, hindi na ako nagtataka kung bakit mas pinili nila manatili dito. Malayo sa maraming tao, malayo sa lahat ng gulo.

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko agad ang isang babae. Parang nakita ko na siya hindi ko lang alam saan at kailan.

"Anong ginagawa niyo dito? Kaizer bakit kasama mo ang babaeng iyan." tanong ng babae. Wala naman akong ginagawa pero galit na galit na agad siya.

"Seren, si Niah at Ryzo ang sadya namin. Alam ni Niah na darating ako saka na kami magpapaliwanag. Papasukin mo na kami mahalaga ang sadya namin." mahinahong pakiusap ni Kai.

Naalala ko na siya yata iyong asawa ng kapatid ni Ryzo. Hindi ko agad siya nakilala. Nanganak na pala siya. Iba kasi itsura niya noong buntis pa lang siya.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now