Chapter 31

8.2K 132 6
                                    

RYZO's POV

Gaya ng pinangako ko kay Nerdy babalik kami ng manila at haharapin namin si Daddy. Hawak ko ang kamay niya habang nasa byahe kami pabalik ng manila. Alam kong kinakabahan siya. Natatakot ako aaminin ko, pero tuwing nakikita ko siya mas nagkaroon ako ng lakas ng loob. Siya lang ang kayang magparamdam sa'kin ng gan'on na kaya kong harapin lahat basta nandyan lang siya, na kasama ko siya. Nahahawakan at nakikita. Dahil hindi ko na hahayaan pa na mawala saiya sa'kin.

"Everything will be okay? Do you trust me right?" tumango lang siya saka binaling muli ang tingin sa bintana.

Bago kami umalis ay tinawagan ko na ang kapatid kong si Dexie.  Sinabi kong uuwi kami at kakausapin ko si Dad.

Ilang oras din ang byahe. Nilingon kong muli ang babaeng mahal ko. Nakatulog pala siya. Payapa ang mukha niya kapag natutulog isa iyan sa hindi ko maiwasang hindi titigan ang maamo niyang mukha.

Nang makarating kami sa bahay ay ginising ko na siya.

"Nerdy.."

"Uhmm."

"Nandito na tayo." inayos niya ang sarili sa pagkakaupo. Sinuklay naman niya ang buhok gamit ang kamay.

"Alien, kinakabahan ako."

Muli kong hinawakan ang kamay niya. "Don't worry nandito ako. Hangga't hawak natin ang isa't-isa hindi nila tayo pwedeng paghiwalayin. Iyan ang tandaan mo. Mahal na mahal kita."

"I love you too." sagot niya.

Sabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Pagbukas ng pinto ay sinalubong agad kami ng kapatid kong si Dexie.

"Kuya, Ate nerdy. Na-miss ko kayo."sinalubong niya kami ng yakap.

"Si Dad?"

"Nasa office niya kanina niya pa kayo hinihintay.

"Sige mag-antay ka lang dito kakausapin namin si Dad."

"Kuya--"

"Okay lang Dexie. Magiging okay din lahat. Sige na puntahan muna namin si Daddy."

"Fighting Kuya. Ate." umakto siyang nagche'cheer sa amin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa office ni Dad. Seryoso siyang nagbabasa ng mga papers. Saka ako tumikhim para mapansin niya kami.

"Dad.."

"Mabuti naman at naisipan mo ng umuwi matapos mong takasan ang engagement party mo." may bahid ng inis at galit sa boses niya.

Expected ko na ito ang ibubungad niya sa'min.

"We're to explain. Kahit pagalitan niyo pa kami at kahit kamuhian mo man ako ngayon Dad, hindi niyo ako mapipilit sa gusto niyo."

"Wala akong sinabing sundin mo ang gusto ko Ryzo Vex. Dahil hindi iyon utos para sundin mo. Kailangan mo iyong gawin dahil iyon ang pinangako ko sa kaibigan ko. Kung hindi lang nagpakasal ang kapatid mong si Quevin ay baka siya ang naipakasal ko kay Casamiya." paliwanag niya pa pero para sa akin ay hindi patas ang gusto niya.

"Paano naman ang kaligayahan ko Dad, hindi ko kailanman magugustuhan ang babaeng gusto niyo sa'kin dahil iba ang gusto ko. Hindi kahit sino lang na gusto niyo."

"Ryzo!"

"Itakwil niyo nalang ako bilang anak niyo pero hinding-hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal."

"Ano bang pinakain sayo ng babaeng 'to. Isa lang naman itong serbidora sa coffee shop natin."

Doon ako nainis.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now