Chapter 21

9.2K 169 10
                                    

Aryaniah's POV

Alas syete  na ng umaga ako nagising ang haba ng tulog ko pero pakiramdam ko kulang pa din. Bago ako bumangon tiningnan ko muna ang phone ko baka may email si Reign sa'kin.

Nang makumperma kong wala saka ako bumangon para maligo. Tatlong araw na kami rito. Wala pa din pinagbago wala naman din akong inaasahan na mangyayari. Tatlong araw na kaming hindi nagpapansinan dito sa isla. Sinusulyapan ko lang siya pero alam kong hindi niya ako titingnan. Nasaktan ko siya, ano pa ba ang aasahan kong gagawin ng taong sinaktan ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.

Ang tanga ko ba?

Kasi hanggang ngayon nakokonsensya pa din ako sa kaniya. Hindi ko pa din masabi ang totoong dahilan ko. Sa tuwing iniisip ko na sasabihin ko na sa kaniya ang dahilan ko umuurong lagi ang dila ko. Natatakot din kasi baka masaktan ko lang siya lalo, na baka mawala na siya ng tuluyan sa'kin. Kaya pinili ko nalang din na lumayo sa kaniya kahit ako nalang ang masaktan huwag lang siya. Pero hindi gan'on ang inaasahan ko. Pareho kaming nasaktan sa ginawa ko.

"Gising kana pala Manang, halika kain na tayo." Bungad ni Xhi sa'kin.

"Nasaan sila?"

"May pinuntahan lang, tayo lang naiwan dito. Sila Camylle naman nasa bayan namili ng mga kakailanganin natin dito." Sagot niya.

Hindi na ulit ako mag-usisa pa. Matapos namin kumain bumalik ako sa kwarto. Wala naman akong gagawin si Xhi naman magbabake daw siya ng cookies. Mahilig talaga siya sa sweets. Naspoiled din kasi ni Eugine lagi siyang binibilhan ng cake kaya ayan ang kinalabasan nainlove lalo sa jowa niya. Halos di mapaghiwalay ang dalawa. Kulang na nga lang magpalit sila ng mukha sa araw-araw ba naman nasa bahay si Eugine halos d'on na tumira. Kaloka sila na ang may relationship goals.

Habang nakaupo ako sa terrace biglang tumunog ang phone ko.

Si Kaizer ang tumawag, ano na naman kaya kailangan ng isang 'to.

"Yes mahal kong pinsan ano ang maipaglilingkod ko sayo?"

"Shut up Niah, ang lalim ng tagalog mo. Porke mas marunong ka sa'kin niyan gaganyanin mo na ako."

Baliw talaga 'to. Bagay silang pag-umpugin ni Reign ang alien nila pareho.

"Bakit ka nga napatawag?"

"May sumpa ka yatang dala pinsan. Nararamdaman ko na ang kamalasan ko."

Ano na naman pinagsasabi ng baliw na'to. May paiyak-iyak pa sa kabilang linya.

"Eh? Tumigil ka nga para kang bakla. Ano ba ang nangyari?"

"I'm getting married next month."

"Ano!?" Muntikan ko ng mabitawan ang phone ko dahil sa sinabi niya.

"At ito pa ang mas malala, Hindi ko pa namemeet ang babaeng papakasalan ko. Makikilala ko lang siya sa mismong araw ng kasal namin. 'Diba?   Para tayong sinumpa bakit ba kasi nauso ang ganiyan sa lahi natin."

Hindi ko man kaharap si Kaizer pero alam kong hindi na maipinta ang mukha niya.

Para sa isang Kaizer Vaughn Hendelthon ang nag-iisang prinsipe ng pamilyang Hendelthon hindi ko maiimagine ang itsura niya kapag kinasal na. Bata pa lang kami ayaw na ayaw niyang makasal sa taong hindi niya mahal iyon talaga ang panata namin magpinsan. At saka hanggang ngayon si Farrah pa din ang mahal niya. Hinihintay pa din niyang bumalik si Farrah na nag-aaral sa America para tuparin ang pangarap nitong maging isang sikat na fashion Designer. Nangako kasi si Farrah sa kaniya na babalikan siya nito kapag naka-graduate na.

"So anong plano mo?"

"Wala, wala din naman akong magagawa gaya mo. Ayoko naman itakwil ni Ama."

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now