Chapter 25

8.3K 142 4
                                    


Serenity's POV

Lahat kami napalingon ng biglang sumigaw si Xhinia. Tinawag niya ang pangalan ni Niah, nakita naman namin siya na tumakbo palabas ng function hall ng hotel.

"Xhin, anong nangyari?" Tanong ni Camylle na mukhang kalalabas lang galing restroom.

"Guys, mauuna na ako kailangan ko munang sundan si Manang."

"Babe sasamahan na kita." Sabi ni Eugine.

Hindi na namin sila nagawang pigilan. Alam ko nasaktan si Niah sa nasaksihan niya. Bago palang sila ni Ryzo tapos ganito pa ang malalaman niya. Hindi nabanggit sa'min ni Ryzo na naka-arriange marriage na pala siya.

Matapos ang nakakagulat na anunsyo ni Tito nag-uusap muna ang dalawang pamilya sa conferrence room. Naghintay muna kami ng ilang oras bago lumabas ng silid si Ryzo. Halos hindi maipinta ang mukha niya para siyang natalo sa isang laban kahit alam niyang kaya naman niyang ipanalo.

"Ry, anong ibig-sabihin ng nangyari kanina?" Agad na tanong ko.

"Nakita niyo ba si Nerdy?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Umuwi na. Kailangan mong magpaliwanag sa kaniya bro. Anong sabi ni Dad?" Ani Quevin na nasa tabi ko.

"Gusto niya akong ipakasal sa anak ng kaibigan niya. Kahilingan daw iyon ng kaibigan niya bago ito namatay. At wala akong paki sa kasal na iyon. Bahala si Dad sa gusto niya. Kailangan ko munang puntahan si Nerdy."

Hindi na niya hinintay ang mga iba pa naming tanong at nagmadali na siyang umalis.

Paano kaya namin sila matutulongan na naman. Akala ko pa naman happy ever after na sila pinaglalaruan talaga  sila ng tadhana.


Reign's POV

Dali-dali akong pumunta kay Arya ng makatanggap ako ng tawag galing sa kaniya.

Nang makarating ako sa bahay nila. Naabutan ko si Xhinia na nasa sala. Hindi maipinta ang mukha habang umiiyak.

"Xhin? Nasaan si Arya?"

"Nasa taas nag-iimpake ng mga gamit niya. Hindi ko alam bakit gusto na niyang umalis ng bansa. Nagmamadali siyang umuwi. Please Reign pigilan mo si Manang." Naiiyak niyang pakiusap sa'kin.

Nang umakyat ako. Kakatok na sana ako ng bigla naman niyang binuksan ang pinto. Mugto ang mga mata niya agad niya akong niyakap.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Nag-alala ako nang tumawag ka kaya nagmadali akong pumunta dito sabi ni Xhinia aalis ka ng bansa."

"Ang sakit Reign. Akala ko para kami sa isa't-isa iyon pala ikakasal na siya sa iba. Alam mo ba sino ang babaeng ipapakasal sa kaniya.." Humahagulgol niyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Si Casamiya..Siya ang babaeng ipapakasal kay Ryzo. Sobrang sakit na ang lalaking mahal mo ay ipapakasal sa taong kadugo mo pa."

Naguguluhan ako. Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Ipaliwanag mo nga sa'kin paanong nangyaring si Miya ang ipapakasal kay Ryzo. Ibig mong sabihin nandito sa bansa si Miya?"

"Oo, Sa birthday party ni Ryzo inanusyo ng Daddy niya ang engagement nila ni Casamiya. Nand'on din ang Royal Consort."

Naguguluhan talaga ako, Hindi rin alam ni Arya kung bakit nasa bansa ang Royal consort at si Casamiya. Kailangan kong alamin iyon. Tingin ko ay hindi rin alam ng palasyo ito.

"Uuwi muna ako sa Italy. Hangga't nandito ako masasaktan lang ako."

Hindi pwedeng umuwi si Arya ngayon. Maniguradong magkakagulo sa palasyo.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now