EPILOGUE

17.8K 259 67
                                    


ARYANIAH'S POV

Lahat ay nagdiriwang, pati ang puso ko ay walang mapaglagyan ng saya. Ito na ang araw na hinihintay ng lahat.

"Ang ganda mo anak.."ani ng aking Ina. Pagpasok niya sa kwarto.

"Salamat Ina. Akala ko ba ay hindi kayo makakadalo sa kasal ko?"

"Ang iyong Ama ang nagsabi sa'kin na pumunta. Huwag kang mag-alala kasama ko ang mga ilang tauhan natin."

Nag-aalala ako dahil hindi naman sanay aking Ina sa bansang ito. Bilang isang Reyna ay kailangan pangalagaan ang kaniyang siguridad.

"Noon ay ikaw pa ang inaalagaan ko ngayon ay isa ka ng ganap na Ina at asawa sa iyong pamilya. Masaya akong napalaki kita ng tama. Masaya ako na kahit nalayo ka sa amin ay natuto kang tumayo sa sarili mong mga paa."

Naiiyak akong niyakap ang aking Ina.

"Salamat din Ina, utang ko lahat sainyo ni Ama."

"Halika na hinihintay kana ng asawa at mga anak mo."

Inalalayan ako ni Ina at ng ibang staff na nag-ayos sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit walang tao pagbaba ko ng hagdan.

"Nasaan sila Ina?" hindi sumagot akong Ina. Ngumiti lamang siya sa'kin.

"Mahal na princesa, kailangan niyo po itong isuot." humingi ng pahintulot ang isa sa mga staff na isuot ko ang blind fold.

"Para saan iyan?"

"Utos po ng asawa niyo. Huwag mo kayong mag-alala sinisigurado po namin na masisiyahan kayo sa araw na ito."

Gusto ko sana mag-reklamo. Pero dahil kasama ko naman ang aking Ina ay nawala na rin aking pangamba.

Dahil nakapiring aking mga mata. Inalalayan nila ako. Hindi ko alam saan nila ako dadalhin.

Sumakay kami sa yate ayon sa staff na umalalay. Nagtanong muli ako kung saan kami pupunta ang sinagot lang sa'kin ay malalaman ko lang pagdating namin.

Medyo kinakabahan ako.

Ilang minuto din ang binyahe namin.

"Nandito na po tayo." saad nila.

Pero nakapiring pa rin ang mga mata ko bawal daw muna tanggalin.

Nang makababa na kami, hinawakan ni Ina ang kamay ko. Inalalayan ulit ako, ang sabi ay maglakad lang kami.

"Teka? Bakit pakiramdam ko gumagalaw ang inaapakan ko. Baka naman mahulog tayo?"

"Don't worry Ma'am hindi ka po mahuhulog. Maglakad lang po kayo ng dahan-dahan."

Sinunod ko nalang sinabi nila. Hanggang huminto kami. Tinanggal nila ang piring sa mata ko. Bigla kong naitakip ang mga kamay ko sa bibig ko. Na-amazed ako sa nakita ko. Nasa gitna kami ng Isla. Naka-apak ako sa isang glass floor na nalikaran namin kanina.

Nasa gitna ako nang iwan ako ng mga umalalay sa amin kanina. Kasama ko si Ina, dahan-dahan ulit kaming naglakad. Naiiyak ako dahil lahat sila, sila na mga malalapit sa puso ko ay dumalo sa araw na'to. Hindi kasi sila nakadalo noong unang wedding ceremony namin sa Italy dahil sobrang pribado at tangging pamilya lang namin ang hinayaan.

Kaya naiiyak akong makita silang lahat ngayon.

Hanggang sa makarating kami sa harap sinalubong ako ng kambal. Humalik muna sila kay Ina at silang dalawa na umalalay sa'kin. Pinaubaya nila ako sa Daddy nila saka humalik saming dalawa at umupo na.

Nagsimula ng e-play ang wedding song. Hindi ko alam sino ang pumili pero ang ganda ng lyrics.

Sabi ng lyrics, Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now