Chapter 24

8.5K 166 4
                                    


Ryzo's POV

Kunot-noo akong naglakad papunta sa office ni Dad. Ano na naman kaya kailangan niya sa'kin. Tuwing pinapatawag niya ako puro nalang nakakabadtrip ang naririnig ko galing sa kaniya.

"Dad?"

"Maupo ka."

"Kung ano man ang sasabihin niyo Dad, sabihin niyo na.."

Umayos siya ng upo saka tinanggal ang suot na eyeglass.

"Nais kong bigyan ka ng isang birthday Celebration sa makalawa na ang birthday mo."

Akala ko naman ay kung ano na ang sasabihin niya.

"Hindi ko kailangan iyon Dad. Nakapag-celebrate na din ako ng birthday kasama ang mga kaibigan ko last week pa at saka sapat na sa'kin ang konting salo-salu iyong tayo lang magpamilya."

Buong buhay lahat ng gusto namin binibigay nila Dad sa'min. Ultimo birthday ay gusto nila enggrande talaga. Si Dad lang naman ang maraming bisita kapag may gan'ong okasyon sa amin. Puro mga investors at mga business partners halos mga bisita namin. Bilang lang ang mga bisita ko mga kaibigan lang.

"Gusto kong imbitahan mo ang mga kaklase at mga kaibigan mo sa birthday mo.

"Bakit ko naman isasali ang mga classmate ko? Alam niyong pili lang ang imbitado kada birthday ko."

"Dahil sinabi ko Ryzo Vex. Huwag ka ng magreklamo pa. Makakaalis kana."

Padabong akong lumabas ng opisina niya. Ano na naman balak niya. Alam naman niyang ayaw na ayaw kong mag-invite ng mga kaklase dahil bukod sa sobrang ingay nila baka mapahiya lang sila dahil madaming bisita si Dad na mayayaman. Hindi naman sa minamaliit ko sila. Ayoko lang na mapahiya sila. Kailangan ko silang masabihan.

-

"May problema ka ba? Kanina ka pa tahimik." Tanong ni Nerdy.

Ayokong masira ang dinner namin baka ano isipin niya. Ngumiti ako sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya.

"Wala, napaisip lang ako kung anong nagawa kong mabuti para bigyan ng diyos ng isang tulad mo. Akala ko kasi noon hindi na ulit ako sasaya at akala ko hindi na ako magmamahal pa."

"Kumain ka nalang Alien gutom lang iyan kung ano-anu na naman pinagsasabi mo." Aniya at tinuloy ang pagkain.

Mula ng naging kami siya na ngayon ang nangbubully sa'kin. Pasalamat siya may gwapo siyang boyfriend kung hindi baka wala akong Nerdy ngayon. Nakakabakla man pero talagang masaya ako iyong sayang halos maihi ako sa kilig.

"Nga pala birthday ko na bukas baka makalimutan mo Nerdy. Ikaw ang special guess ko hindi ka pwedeng mawala sa birthday ko."

"Alam ko. Sampung beses mo ng sinabi iyan kahapon pa. Pero baka malate ako ng konti kasi may ipapasa pa akong report at saka nga pala dadaan pa ako sa coffee shop. Baka sasabay nalang ako kay Xhinia kasi susunduin siya ni Eugine." Aniya habang ningunguya ang kinakain.

Para talaga siyang bata kumain."Nerdy.." napatingin naman siya sa'kin ng bigla kong hinawakan ang baba niya.

"Ang dumi ng mukha mo. Para ka talagang bata kumain. Ako na nga susubuan nalang kita." Saka ko pinunasan ang mukha niya at kinuha ang tinidor na hawak niya.

Iyong mga hindi ko nagawa kay Seren noon sa kaniya ko ginagawa. Iyong mga simpleng bagay na pwedeng magpasaya sa kaniya. Alam kong hindi siya mahilig sa mamahaling restaurant kasi gusto niya simply lang  kahit nga daw sa karenderya lang kumain ay ayos na sa kaniya. Syempre ayoko naman ng gan'on. Kaya kahit ayaw niya ay sa restaurant ko siya dinala sabi ko sa kaniya  dito nalang sa hotel namin. Sa bandang likod ng hotel may mini tree house kasi doon. Pinagawa iyon ni Daddy noong mga bata pa kami.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now