Chapter 29

7.8K 146 3
                                    


ARYANIAH's POV

1 month ago

KASABAY ng pagsikat ng araw ang pagmulat ko sa mga mata ko. Ang sarap sa pakiramdam iyong gigising ka na katabi mo ang taong mahal mo. Gigising ka na may ngiti sa labi.

Marahan akong humarap sa kaniya saka siya niyakap. Siniksik ko ang aking mukha sa kaniya. Ngayon lang ako nakaramdam na kompleto ako. Na kahit anong iwas ko sa taong 'to sa kaniya pa rin ako babalik. Hindi ko maikakailang siya at siya lang ang hinahanap ng puso ko.

"Good Morning Nerdy" isang matamis na ngiti mula sa kaniya para sa umagang ito.

"Nagising ba kita?"

"Hindi naman." Hinalikan niya ako sa noo saka niyakap ako ng mahigpit.

Nanatili kami sa batangas isang buwan na ang nakalipas. Sa loob ng isang buwan pinaramdam niya sa'kin na sobra niya akong mahal na walang ibang pwedeng humadlang sa pagmamahalan namin. I feel so secure, I'm so blessed to have a man who willing to sacrifice everything he has just to be with me. He already prove how much he love me. And that's what makes me love him even more.

"Pahinga ka muna, ipagluluto kita ng breakfast."

Ganiyan siya lagi halos naging routine na namin araw-araw iyan. Siya nagluluto ng breakfast. Daig ko pa baldado gusto niya siya lang ang gumagawa ng mga gawaing bahay.

"Kailan nga pala tayo babalik ng manila? Paano pag-aaral natin?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Next week babalik na tayo. Hintayin lang natin si Eugine kung ano ang balita." Aniya

"Balita saan?"

"Hindi ba engaged ako kay Casamiya. Paniguradong nagtataka na si Dad kung nasaan ako at malamang pati ang pamilya ni Casamiya nagtataka na rin." paliwanag niya.

Naisip ko na rin iyon, paano kapag bumalik kami sa manila. Hindi kami sigurado na wala ng gulo. Ayokong malaman niya na pinsan ko ang fianće niya. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman niya lahat. Gusto ko muna makausap si Ama. Hangga't hindi siya papayag na ayoko magpakasal sa iba. Itatago ko pa rin sa kanila ang tungkol sa pagkatao ko.

Ito lang ang paraan ko sa ngayon.

"Bakit ka pumayag sa engagement na iyon?" tanong ko dahilan para mahinto siya sa pagsubo.

"Hindi ko gusto iyon nakipagsagutan pa ako kay Dad dahil sa ginawa niya. Hindi niya pinaalam sa akin ang tungkol doon. Noong sinabi niya na engagement pala ang mangyayare at alam kong nandoon ka. Nagalit ako sa kaniya. Pero bigla ka naman umalis noong kinausap ko si Dad. Kaya sinundan kita sa inyo kasi alam kong galit ka. Gusto kong magpaliwanag sayo pero hindi mo naman ako binigyan ng pagkakataon." malungkot niyang sabi.

Tumayo naman ako saka niya niyakap sa likod.

"Sorry, hayaan mo hindi na mauulit iyon. Hihintayin ko ang paliwanag mo sa susunod. Basta wag mo akong ipagpapalit iba."

"Bakit ko naman gagawin iyon e sobrang mahal nga kita."

Hinampas ko naman siya.

"Kumain kana nga lang puro ka bola."

"Kita mo Nerdy na'to. Pakiss nga?"

"Tse! Nakailan kana puro ka kiss."

"Ba't nagdadamot kana."

"Hindi ako nagdadamot. Namimihasa ka lang talaga. Nagiging adik kana sa kiss. Tigilan mo'ko alien."

"Ayaw mo lang akong halikan e, porke natikman mo na ako."

Runaway Princessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن