Chapter 33

8.3K 139 3
                                    


CASAMIYA's POV

Dali-dali akong umuwi saka dumiretso sa kwarto. Hinanap ko ang picture namin ng pinsan ko. Nakalagay iyon sa memory box ko, nasa iisang album lang lahat ng picture namin noon. Noong panahon na magkasama pa kami habang lumalaki.

Nang makita ko ang hinahanap ko. Kusang tumulo ang luha ko. Siya nga, hindi nagbago ang mukha niya noon hanggang ngayon hindi ko lang agad siya nakilala sa picture na pinakita ni Marshie kanina, Bakit naging nerd siya? Bakit ang baduy na niya manamit. Bakit kailangan niya maging gan'on. Puro ako bakit na tanong ko sa isip ko.

Dinial ko ang number ni Kaizer. Alam kong may alam siya. Matutulungan niya akong masagot mga tanong ko.

Ilang oras ang lumipas, tumunog ang door bell. Tingin ko ay si Kaizer na iyon. Agad ko naman tinungo ang pinto. Hindi nga ako nagkamali na si Kaizer iyon.

"Akala ko nasa Italy ka? Kakatawag ko lang nandito ka agad?"

Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Dear Miya, kagabi lang ako dumating dito. Kailangan kong makipag-meet sa fianće kong amazona."

"HAHAHA, akala ko ba ayaw mo magpakasal sa kaniya. Ba't parang nagbago na yata desisyon mo?"

"Kinausap ako ni Ina, gusto niya akong itakwil at palayasin sa palasyo kapag hindi ko sinunod ang gusto niya."

"Wala ka ng magagawa my dear cousin. Iisa lang tayo ng kapalaran."

"Bakit ka nga pala napatawag sa'kin?"

Tumalikod ako sa kaniya, naglakad papunta sa mini bar ng condo ko. At kumuha ng alak.

"Kailan mo pa alam na nandito si Aryaniah sa bansang ito? Alam mo ba na siya ang nobya ng lalaking balak ipakasal sa akin ni Ina?" tanong ko sabay abot sa kaniya ng inumin.

Umupo siya sa tabi ko. Dahan-dahan tumingin sa'kin ng seryoso.

"Paano mo nalaman iyan?"

"Ako unang nagtatanong dito. Can you just please answer me first."

He sigh." Okay fine, four years ago, mula ng malaman niyang ipapakasal siya ng Amang Hari sa taong hindi niya kilala. Nagpasya siyang umalis ng italy. At dito sa bansang ito siya napadpad. Isang taon din bago ko nalaman na nandito siya. Ayaw niya ipaalam na nandito siya. Ayaw din niya malaman ng iba na isa siyang prinsesa. Alam kong labag sa batas natin ang ginawa niya. Sinamantala niya ang pagkakataon. Pero nang malaman niyang nagkasakit ang Ama niya. Bumalik siya sa Italy. Kinausap ang Inang Reyna at pinaalam na nandito siya sa bansang ito. Dito siya namuhay bilang isang ordinaryong tao hindi bilang prinsesa. Nagworking student siya sa coffee shop nila Ryzo. Nag-aaral sa umaga nagta-trabaho siya sa gabi para makapag-aral. Kasama niya sa bahay ang isang kaibigan na nakilala niya mula ng dumating siya dito. Humiling siya sa'kin na huwag ipaalam na nandito siya. Wala din naman nakakakilala sa kaniya dahil iniba niya ang itsura niya bilang isang nerd student."

Hindi ko alam paano magre-react sa mga sinabi ni Kaizer sa'kin. Paanong nagawa ni Aryaniah na takasan ang responsibilidad niya. Paano niya nagawang suwayin ang batas ng pamilya.

Pero sa kabilang banda hindi ko siya masisisi kasi kahit ako ayoko makasal sa taong hindi ko kilala at hindi ko mahal.

"Alam mo ba kung nasaan si Aryaniah ngayon? Kailangan ko siya makausap. Nakikiusap ako sa'yo. Ayoko isipin niya na inaagaw ko sa kaniya ang nobyo niya. Hindi ako sang-ayon sa gusto ni Ina." niyakap niya ako.

"Tutulungan kita makausap siya. Pero hindi muna sa ngayon. Hindi alam ni Ryzo na prinsesa siya ayaw niya muna ipaalam. Baka magtaka si Ryzo kung bakit magkakilala kayo. Kakausapin ko muna si Arya. Itatanong ko sa kaniya kung ano ang plano niya."

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now