Chapter 38

9.9K 174 7
                                    


RYZO'S POV

Sobrang saya ko. Kulang pa nga yata ang salitang saya. Kasama ko na ulit ang babaeng mahal na mahal ko. Kanina habang papunta ako sa restaurant na sinabi ni Xhinia. Iyong kaba at takot naghalo-halu sa dibdib ko.

Tatlong taon, gan'on katagal ko siyang hinintay. Gan'on katagal akong nagtiis, nangulila sa kaniya. Pero hindi ako kailanman napagod. Hindi ako kailanman nawalan ng pag-asa na babalik siya. Nararamdaman ko pa din sa puso ko ang pagmamahal. Iyon nalang ang pinanghawakan ko.

Papunta kami sa bahay nila ngayon. Hindi na ako makapaghintay pa na makita ang mga anak ko. Buong akala ko wala hindi na ako makakaramdam ulit ng saya. Mula ng umalis si Nerdy puro lungkot nalang nararamdaman ko lalo na tuwing mag-isa nalang ako. Kaya pinilit ko nalang din ang sarili kong maging abala sa trabaho at minsan tinutuon ko din ang ibang oras ko kay Ck.

Ngayon marami na akong dahilan para hindi na maging malungkot. Binigyan ulit ako na maging masaya. This time kasama na sila. Ang pamilya ko.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang apartment nila Nerdy.

Pagbukas ni Xhinia ay medyo nagulat pa siya.

"Pasok kayo. Ang bilis niyo naman yata akala ko mamaya ka pa uuwi manang."

"Gusto niya makita ang mga bata."

"Tawagin ko lang nasa taas sila naglalaro."

Naiwan kami ni Nerdy sa sala.

"Kukuha lang ako ng maiinom." paalam niya.

Tiningnan ko ang photo frame sa gilid ng sofa.  Ang saya ng letrato nila. Silang tatlo, sa susunod kaming apat na ang malalagay dito.

Saktong paglabas ni Nerdy sa kusina ay siyang pagbaba ni Xhinia kasama ang dalawang bata.

"Mommy.." agad niyakap ni Aiyah si Nerdy

"Good girl ka ba dito habang wala si Mommy?"

"Opo, si Rieze po umiyak kanina hinanap ka po." ang cute niyang tingnan para siyang si Nerdy.

"Rieze, come to Mommy." lumapit naman si Rieze kay Nerdy.

"Diba? I told you huwag maging iyakin kapag wala si Mommy. Diba? Good boy ka. Strong ka right." niyakap naman niya si Rieze.

"Aiyah come here.." pinaharap niya ang dalawang bata.

"Baby, Diba? sabi ko pupunta tayo dito para makilala niyo si Daddy?.. nandito na si Daddy niyo."

"Sabi ko nga po kay Ninang siya si Daddy nong nasa Enchated tayo diba Ninang?" baling ni Aiyah kay Xhinia.

"Pwede ko ba kayong mayakap?" tanong ko dalawa.

"Go baby. Give your daddy a hug."

Lumuhod ako saka lumapit ang dalawang bata. Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko nalang sila.

Lumaki silang hindi ako kasama. Salamat kay Nerdy hindi niya pinagkait sa'kin na makilala ko mga anak ko. Ang sarap pala sa pakiramdam iyong malaman mong may anak ka. Walang mas sasaya sa pakiramdam iyong mahawakan at mayakap mo na sila.

Pakiramdam ko nananaginip lang ako. Pero kung panaginip man ito mas gugustuhin kong 'di na magising.

Matapos akong makilala ng mga bata. Nagbonding muna kami. Kaya pala nakilala agad ako ni Aiyah kasi pinakilala at kinukwento ako ni Nerdy sa mga anak namin kahit pa man hindi pa nila ako nakikita sa personal.

XHINIA'S POV

Ang sayang tingnan iyong buo na sila. Ang swerte ni Manang kay Ryzo pero mas swerte si Ryzo kay manang dahil binigyan siya nito ng Aiyah at Rieze.

Runaway PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang