Chapter 13

10.2K 212 7
                                    

ARYANIAH'S POV

Isang linggo na ang nakalipas mula ng makabalik ako sa pag-aaral. Para akong nangangapa tulad noong una kong pasok dito. Dahil hinahabol ko ang mga lesson na napag-aralan na nila. Malapit na ang exam kaya medyo busy ako pinili kong huwag muna bumalik sa trabaho. Hindi rin ako bumisita sa coffee shop baka nand'on si Alien. Sa dami ng naririnig kong sabi-sabi mula ng bumalik ako nag-aalinlangan ako kung paano ko haharapin si Alien kung makita niya ako. Pero isang linggo ko din siyang hindi nakikita malapit lang ang department namin pero ni anino niya 'di ko man lang nakita.

Saan naman kaya ang  isang iyon.

Napahawak ako sa bracelet na binigay niya. Hindi ko kailan man hinubad ito. Ito lang ang nagpapaalala sa'kin sa kaniya. Hindi kami magkaibigan hindi rin magkaaway hindi ko rin alam ano kami.

Habang naglalakad ako papunta sa room naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Agad ko naman kinuha.

Unknown number ang lumabas hindi galing dito sa Pinas ang number.

"Hello!.."

"Niah, You have to go back here in Italy as soon as possible.." Si Reign ang nasa kabilang linya

"What? Kababalik ko lang dito..May exam pa ako this week."

"Si Ama inatake na naman and this time sinabi na ng doctor niya ang totoo niyang kalagayan."

"What do you mean hindi ba sabi ng doctor niya ay magaling na siya. Anong klaseng doctor ba ang gumamot sa kaniya."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong galit. Alam ko na noon pa na matanda na si Ama at mahina na lumala lang ang sakit niya n'ong umalis ako at sinuway ang gusto niya. Kaya pagdodoctor ang kinuha ko dahil gusto ko ako ang mag-alaga at gumamot sa kaniya. Pero bakit kailangang ganito? Hindi pa ako handa sa mangyayari.

Nang araw na iyon wala sa sarili akong naglakad palabas ng campus. Hindi ko alam saan ako pupunta gusto kung umuwi para kay Ama. Nagtatalo ang isip ko. Pero sa huli pamilya pa din ang pinili ko.

"Sorry Miss.." Nalaglag ang mga dala kong libro nang may biglang bumangga sa'kin.

Hindi ko nagawang tingnan kung sino ang bumangga sa'kin saka dahan-dahan pinulot ang mga libro ko.

Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng..

"Nerdy..."

Natigilan ako sa boses na iyon. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam na alam ko kung sino siya. Dahan-dahan akong lumingon sa  kaniya.

"Yes?" Wala sa sarili kong patanong

Sa halip na magsalita ay bigla nalang niya akong niyakap.

Hindi ko alam paano magrereact sa higpit ng pagkakayakap niya sa'kin

"A-alien hindi ako makahinga." Agad naman siyang bumitaw.

Hindi pa din siya nagsalita at basta-basta nalang niya akong hinila palabas  ng campus saka pinasakay sa kotse  niya.

"Hoy! Alien saan mo ako dadalhin may importante akong gagawin kaya please iuwi mo na ako."

Hindi pa din siya umimik. Loko 'to hinila-hila ako tapos ayaw akong kausapin. Pambihira!

"Yohooo! Alien baka nakakalimutan mo may kasama ka. Ano bingi-bingihan lang gan'on?"

Muntikan naman akong masubsob ng bigla niyang eprino ang sasakyan.

"Ano ba? Papatayin mo ba ako. Ano bang problema mo? Kanina pa kita kinakausap ayaw mo magsalita. Hinila-hila mo ako tapos ano? Ayaw mo sabihin saan mo ako dadalhin. Hanep din ang trip mo e no?"

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon