Chapter 27

8K 154 6
                                    


Aryaniah's POV

Nang bisitahin ulit ako ni Kaizer sa condo ni Reign. Sinabi niya sa'kin ang napag-usapan nila ni Miya. Hindi rin daw ito makapaniwala na may girlfriend na pala si Ryzo bago nangyari ang engagement ay akala ni Miya single si Ryzo. Hindi rin sinabi ni Kaizer na ako ang girlfriend ni Ryzo na fianće ni Miya. Ayoko din ipaalam kay Miya na nasa bansa ako. Mas gugustuhin kong umiwas nalang.

Natatakot din akong baka makarating kay Ama ang nangyari mas lalo lang lalala ang setwasyon.

Pero inaalam pa din ni Kaizer ang lahat. Hanggang ngayon ay wala pa siyang nalalaman kung bakit ipapakasal sa Miya kay Ryzo. Walang dugong maharlika sina Ryzo. Hindi rin sinabi lahat ni Miya kay Kaizer lahat. Iniisip ko tuloy may binabalak si Miya. Pero ayokong mag-isip ng masama tungkol sa kaniya.

Ilang araw na din akong kinukulit ni Xhinia. Hindi ko kasi sinasagot at nirereplyan mga text at tawag niya sa'kin alam kong nag-aalala siya pero sa ngayon ayoko muna siyang madamay sa setwasyon lalo na't wala naman siyang alam.

Tatlong araw ang lumipas umuwi si Reign kasama si Kaizer. May importante raw silang sasabihin sa'kin. Kinakabahan ako dahil alam kong tungkol iyon sa pagpapakasal ni Miya kay Ryzo. Hanggang ngayon masakit pa din para sa'kin. Hangga't maaari ay kailangan kong tatagan ang sarili ko. Hindi ko pwedeng hayaan na lalong malugmok sa sakit. Kailan pa ako ni Ama.

"Bakit bigla kayong umuwi akala ko ba ay may aasikasuhin pa kayo?"

"Kailangan mong umuwi.." kalmado ngunit kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni Reign.

"Sabi mo ay hindi pa ako pwedeng umuwi, pwede ba sabihin niyo nalang sa'kin kung bakit?"

Nagpakawala naman si Kaizer ng isang malalim na buntong hininga saka nag-angat ng tingin sa'kin.

"Gusto ni Ama na kausapin ka. Wala ako sa posisyon para magsabi sayo ng dahilan. Ang mahalaga ay maisama ka namin pauwi ng Italy. Mamayang hapon ang flight natin. Pinasikaso ko na kay Reign ang tungkol sa pag-aaral mo pwede mo pa din ipagpatuloy iyon sa ibang bansa." Ani ni Kaizer na siyang nagpagulo lalo sa isipan ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Saka mo malalaman pagdating natin sa Italy. Maghanda kana aalis tayo ng maaga iwas traffic."

Seryoso ba sila? Paano ang pag-aaral ko. Alam ko naman na kahit hindi ako pumasok kayang gawan ni Reign ang tungkol doon pero ang sabihin sa akin na pwede kong ituloy ang pag-aaral ko sa ibang bansa. Ano iyon? Hindi na ako pwedeng bumalik dito ilalayo ba nila ako kay Ryzo? No hindi pwede!

"Kaizer, ayokong umalis dito. Hindi ko pa nakakausap si Ryzo."

"Arya, Prinsesa ka. Hindi kasali sa batas natin ang gusto mo. Nakapag-aral ka ng ilang taon sa bansang ito dahil tumakas ka kay Ama. Hindi ito ang oras para sa mga bagay na iyan. Isipin mo ang kapakanan ng pamilya."

"Ipipilit pa rin ba ni Ama na ipakasal ako sa iba? Ano ba Kaizer! Akala ko ba kakampi kita huwag mo naman gawin ito nakikiusap ako!" Halos pumiyok na ang boses ko sa pakiusap kong iyon.

"Please Niah, makinig ka nalang malalaman mo din naman lahat pagdating natin sa Italy. Please stop asking me, wala kang mapapala at makukuhang matinong sagot galing sa'kin."

Panay ang hikbi ko pagpasok ko sa kwarto ko. Ayoko umalis dito nang hindi nakakausap si Ryzo. Mamayang hapon pa ang flight namin. Kailangan kong makatakas sa dalawang kasama ko. Si Xhinia lang ang pag-asa ko ayoko siyang madamay pero wala ng ibang pwedeng tumulong sa'kin.

Alas dyes ng umaga umalis na kami. Napag-usapan namin ni Xhinia na sa airport na kami magkikita para hindi mahalata ng dalawa kong kasama na may binabalak ako.

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now