Chapter 39

11.4K 177 9
                                    


RYZO's POV

Matapos ang graduation ko, dalawang linggo ang nakalipas ay lumipad kami papuntang Italy. Gaya ng hiling ni Nerdy.

Gusto ko rin personal na hingin ang kamay ni Nerdy sa ama niya.

Hindi ko hahayaan na may humadlang pa sa amin. Gagawin ko lahat para sa kanila. Makasama ko lang sila. Mahaba ang byahe nakatulog na ang mga bata. Nasa gilid ko naman si Nerdy habang nakasandal sa balikat ko.

Ang swerte ko mula ng dumating siya sa buhay ko. Binangon nila at mula sa sakit nang nakaraan ko. Binuo niya ako ulit. Binuksan niya ulit ang puso ko para magmahal. Totoo nga siguro sabi ng iba, kung sino pa ang ayaw mo ay siya din ang mamahalin mo.

Inaasar ko lang noon hindi ko namamalayan minamahal ko na pala. Kung babalikan ko ang nangyari noon. Tingin ko tinadhana talaga na siya ang nakita ko sa library noon. Kaisa-isang babae na hindi naman kagandahan. Paduy manamit, malayong-malayo sa babaeng gusto ko pero siya ang nahagip ng paningin ko. Balak ko lang naman talaga pagtripan siya noon. Hindi ko naman akalain na marunong din pala lumaban. Akala ko isa siya sa mga mahinhin na nerd na pakalat-kalat sa campus.

Expect the unexpected ika nga.

Hanggang sa lumapag ang eroplanong sinasakyan namin.

Sinundo kami ng mga tauhan nila Nerdy. First time ko pumunta sa lugar na'to. Sa lugar kung saan sinilang ang babaeng ihaharap ko sa altar.

Hindi ko akalain ganito pala talaga sila kayaman. Binalaan naman agad ako ni Nerdy na may batas silang sinusunod kaya hangga't maaari ay mag-ingat sa sasabihin. Dahil hindi ko naman maintindihan salita nila kaya wala rin ako masasabi. Mabuti pa nga mga anak ko ang galing magsalita pero tulad ko iba ang kinikilos nila.

Nang makapasok na kami sa loob ng palasyo nila. Lahat ng madadaanan namin ay yumukupo talaga sa'min. Sabi ni Nerdy sa'kin bago kami pumunta dito ay wag na akong magtaka dahil normal lang ito sa kanila. Deretso lang daw ang lakad sumunod lang ako sa kaniya.

Ang mga bata naman ay binilin niya sa isa sa mga katulong nila na ihatid sa kwarto. Masyadong napagod ang kambal sa byahe.

Sumunod lang ako kay Nerdy hindi ko alam saan na kami ang daming pasikot-sikot dito. Kung ganito ang bahay namin gagamit siguro ako ng mapa para hindi ako maligaw. 'Di ko na nga mabilang kung nakailang liko na kami. Kung nakailang hakbang na ako. Nakakalula sa laki.

Paano kaya na kaya ni Nerdy na tumira dito. Ang laki tapos ilan lang sila na nakatira dito.

Hanggang sa huminto kami sa isang silid. Binuksan iyon ng bantay sa labas. Pumasok kami sa loob.

Pumasok ulit kami sa isa pang pinto. Huminto si Nerdy. "Ama.." gamit ang sariling lenggwahe may tinawag yata siya hindi ko maintindihan.

"Nandito na po siya.."

Humarap sa amin ang isang matandang lalaki. Suot nito ang kasuotan bilang hari. Tingin ko ito ang ama ni Nerdy. Nagbigay galang siya sa ama niya nang makaharap ito. Gumaya na rin ako sa ginagawa niya bilang respeto.

Umupo kami sa sofa, humarap ang hari sa aming dalawa.

Gamit pa rin ang sarili nilang lenggwahe. May sinabi ang hari sa amin.

"Ito ba ang sinabi mong ipapakasal sana sa pinsan mong si Casamiya?" tumango lang si Nerdy.

"Mukhang nagkamali sila.." may kinuha itong isang maliit na kahon. Binigay niya kay Nerdy.

Nang buksan ito ni Nerdy. May dalawang singsing na nakalagay.

Nanahimik lang ako sa usapan nila dahil wala akong maintindihan. Hanggang sa lumabas kami sa silid na iyon.

Runaway PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang