Chapter 35

9.1K 186 8
                                    


3 YEARS LATER

SERENITY'S POV

"CK, anak huwag ka sabi tumakbo. Madadapa ka!"  sigaw ko sa anak ko habang hinahabol niya nag bola niya.

Hirap na hirap akong tumayo para lapitan ang anak ko. Sobrang laki na ng tiyan ko. Seven months na akong buntis sa pangalawang anak namin ni Quevin.

"Hey buddy, how's your day?" nakita ko si Ryzo na kababa lang sa kotse niya.

"Tito Aliennn.." sigaw ni Ck sa kaniya sabay yakap.

Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa. Close na close talaga sila. Oo nga pala. Nakabalik na kami sa mansiyon mula ng umalis at lumipat papuntang Italy si Niah. Hindi pa rin maayos ang relasyon ni Daddy at Ryzo. Kaya pinili niyang huwag na dito tumira. Bumibista lang siya tuwing sabado o linggo para makipaglaro sa pamangkin niya. Marami na ang nagbago ang mahala nanatili pa rin buo ang pamilya namin. Si Dexie naman nasa abroad nag-aaral, umuuwi lang siya tuwing bakasyon o may okasyon na mahalaga sa pamilya.

Ang asawa ko naman ang namamahala ng company. Wala rin kasi si Daddy rito lagi minsan nasa abroad para sa ibang negosyo. Si Ryzo naman ang namamahala sa Coffee shop at sa Resto. Magtatapos na siya ngayong taon kaya balak daw niya magtayo ng sariling negosyo. 

"May pasalubong na naman si Tito.. Mommy look, binilhan ako ni tito ng malaking toy car."

Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang anak ko. Hindi ko siya sinanay sa luho. Pero itong si Ryzo sobra kung magbigay sa pamangkin niya. Hinahayaan ko nalang dahil alam kong masaya siya sa ginagawa niya. Alam ko din na pilit niya lang tinatago ang lungkot. Tatlong taon na ang lumipas pero walang Niah na bumalik. Umaasa kami lalo na si Ryzo na babalikan siya ni Niah. Iyon nga lang ay hindi namin alam kailan.

Lumapit ako sa dalawa.

"Dalawang linggo ka rin hindi dumalaw dito ah. Kumusta ka?" tanong ko.

"Galing akong Japan, may tiningnan akong materials para sa ipapatayo kong coffee shop."

"Tuloy na talaga iyon. Masaya ako para sayo."

"Salamat. Ayoko kasi isumbat sa'kin ni Daddy ang mga tinulong at binigay niya. Gusto kong patunayan sa kaniya na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."

Nakakabilib, na kahit sa kabila ng galit ng Daddy sa kaniya. Kahit kailan ay hindi ko nakitang kinamuhian niya si Daddy. Naiintindihan ko naman si Daddy. Pero mali rin na pigilan niyang sumaya ang anak niya sa babaeng gusto nito.

REIGN'S POV

Tatlong taon, mahabang panahon pero tingin ko ay panahon na para sabihin ko ang lahat sa kaniya.

Abala siya sa binabasang libro nang lapitan ko siya.

"Busy ka ba? Pwede ba kitang makausap?"

"Tungkol saan?"

Umupo ako sa tabi niya..

"Naalala mo pa ba? Noong umalis ka sa palasyo at pumunta sa pinas. Iyon ang araw na pinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyare gagawin ko lahat maprotektahan lang kita pero isang bagay ang hindi ko nagawa ang hindi ka masaktan."

Kunot-noo siyang tumitig sa'kin. Mga tingin niyang naguguluhan sa sinabi ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Ako, Ako iyong balak ipakasal sayo ng Hari. Tumanggi ako pero sinabi ng mga magulang ko na itatakwil nila ako sa pamilya pati sa bansang 'to kapag hindi ako sumunod sa gusto nila. Sinang-ayunan ko lahat para isipin nilang pumapayag na ako. Tinago ko ang lahat hanggang sa makaisip ako ng dahilan para magawan ng paraan ang gusto nila."

Runaway PrincessWhere stories live. Discover now