Chapter 10

3.9K 130 0
                                    

Diancie's POV:

Lihim kong nilagyan ng barrier ang buong garden. It's an invisible barrier kaya hindi ito halata but once an attack landed to it, magkakaroon ng rainbow-like color sa parte na tinamaan ng atake na kaagad ding nawawala kasabay nang paglaho ng pinakawalang atake na tumama rito.

Mataman lang akong nakamasid sa dalawang pares na naglalaban sa harapan ko. Looking for a hole kung saan sila nagkulang o wala sila dahilan kung bakit hindi nila makontrol ang mga kapangyarihan nila.

Napapailing na lang ako sa tuwing may atake ang isa sa kanila na mawawala sa kontrol at tatama sa barrier na gawa ko. I know na nagtataka sila kapag bigla na lang naglalaho ang mga atake nilang hindi kontrolado ngunit tahimik pa rin sila at itinutuloy ang laban.

I can see that they are already exhausted but still continue on throwing attacks sa ka-sparring nila pero palagi silang nawawalan ng kontrol dito. They are determined. They're doing their best. Showing to me kung hanggang saan ang kaya nila.

At nang maubos ang lakas nila at tuluyan nang bumigay ang mga katawan nila, dahil na rin siguro sa mga sugat na pilit nilang iniinda, sunod-sunod na bumagsak ang mga nanghihina nilang mga katawan.

When I see them trying to stand despite on their situation, nagsalita na ako. "That's enough. Don't move a muscle." pahayag ko saka sila isa-isang nilapitan.

Una kong nilapitan ang babae at inilapat ang isang palad ko sa dibdib kung saan naroroon ang puso nito, ramdam ko ang mabilis na pagtibok nito tanda ng labis na pagkapagod. Maya-maya pa ay nagsimula nang magpalabas ng liwanag ang kamay ko. "Accept it. It will make you feel better." mahina kong anas nang mapansing nilalabanan niya ito. She doesn't trust me completely.

Pumikit siya at hinayaan na rin niyang lukubin ang buo niyang katawan ng liwanag na nagmumula sa kamay ko.

Kasabay ng pagkahupa ng liwanag ay ang paggaling ng mga sugat ng babae, bumalik na rin ang nawalang lakas nito. Mabilis siyang bumangon at nahihiwagahang tumingin sa akin. "You can heal?"

Tumayo na rin ako. Hindi ko pinansin ang tanong niya at nilapitan na lang ang tatlo pang lalaki at ginawa sa mga ito ang ginawa ko sa babae.

Bakas sa mga mukha nila ang pagkamangha ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Nang makitang ayos na sila ay muli ko silang hinarap saka nagsalita. "You are all afraid." I said shortly.

They didn't say any word pero halata sa mga mukha nila na naguguluhan sila sa tinuran ko. "Afraid to show to them kung ano talaga ang kaya ninyo. Takot kayong mahusgahan. Takot na baka hindi niyo maibigay sa mga pamilya ninyo ang expectation nila sa inyo. Takot kayo na baka nang dahil sa inyo ay madungisan ang pangalang inaalagaan at iniingatan ng mga kaninununuan ninyo. After all, lahat kayo ay kabilang sa elite familia. At dahil sa takot na iyon, pati ang kontrol ninyo sa mga kakayahan ninyo ay nawawala." patuloy ko.

"H-ho--"

"Paano ko nalaman? Isn't it obvious that I have my own reason kung bakit ko kayo hinahayaang magpatayan sa harapan ko? And that is to invade your inner thoughts, dahil habang naglalaban kayo at nagpapalabas ng kanya-kanyang kakayahan, hindi niyo namalayan ang paglabas ng totoo niyong nararamdaman dahilan para malaman ko ito. Kung paano ko naramdaman?" I shrugged. "... ay hindi na mahalaga." putol ko sa sasabihin ng babae.

"Now. Kung gusto niyo talagang tuluyang makontrol ang mga nōryoku ninyo, then better conquer that fears and forget it. If you can do that, trust me, hindi niyo lang makokontrol ang mga nōryoku ninyo, maaari niyo pang ma-summon ang mga weapon ninyo." dagdag ko pa saka tinalikuran na sila. Tinanggal ko na rin ang barrier na ginawa ko saka tuluyang umalis ng garden. I'm hungry.

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now