Chapter 42

2.8K 86 1
                                    


Diancie's POV:

I woke up with an aching head. Mula sa pagkakahiga'y dahan-dahan akong bumangon at pinalibot ang mabibigat kong mga mata sa paligid ng kinaroroonan ko. Unang bumungad sa mga mata ko ang mga nagkikislapang mga dyamante sa paligid at dahil sa araw na dumadantay sa kabuuan ng mga ito, nakakagawa ang mga ito ng iba't ibang kulay na rumi-repleka sa paligid dahilan para mas lalo pang gumanda sa paningin ko ang kinaroroonan ko.

Kahit na nanghihina ako sa hindi malamang kadahilan, pinilit ko pa ring ginalaw ang katawan ko at bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung ano ang nangyari sa akin, ang huling natandaan ko lang ay ang kakaibang dulot sa akin ng espadang iyon na nakatarak sa Clarian tree.

I heaved a sighed by the thoughts of it. Wala talaga akong kaidi-ideya kung anong nangyari sa akin. And I wanted to know so bad. Muli na lamang akong napabuntong hininga bago ko hinanap si Falia

Sa labas ng bahay ko nakita si Falia, may kaharap ito na katulad niyang isang Flarian at mukhang seryuso ang pinag-uusapan kaya naman ay naisipan ko na lang na bumalik na lang muna sa loob ng bahay para hindi ko sila maisturbo ngunit huli na dahil bago pa man ako makahakbang papasok ay napansin na ako ng kausap ni Falia.

"Siya ba ang tinutukoy mo?" rinig kong turan nito na siyang muli kong ikinalingon sa kinaroroonan nila.

"Opo, mahal na reyna. Sa kanya nagbigay ng reaksyon ang espada." maagap na sgot ni Falia.

Nang marinig ko ang salitang espada, kaagad akong nagkaroon ng ideya kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila.

Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa ng Flarian na tinawag ni Falia na reyna. Sa pagkakatingin niya sa akin ay hindi ko mapigilan ang hindi mailang. Mukhang pinag-aaralan niya ng mabuti ang kabuuan ko.

"Kakaiba ka," komento nito makalipas ang ilang minutong pagsuyod ng tingin sa akin. "Kaya hindi na nakakapagtaka kung ba't ikaw ang napili," dagdag pa nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" hindi ko mapigilang itanong dito.

"Nararamdaman ko sa iyo ang pinaghalong aura ng isang Santalunian at isang Swordailes," pagpapatuloy pa nito na siyang ikinatigas ng katawan ko! "Maaari bang mahawakan ang iyong kanang kamay, mahal na prinsesa?" kapagkuwan ay hingi nito ng pahintulot ngunit bago pa ako makasagot at sumang-ayon, hinawakan na nito ang kanan kong kamay.

Pagkahawak na pagkahawak niya sa kamay ko ay kakaibang inerhiya ang biglang bumalot sa kabuuan ko na siyang ikinasinghap ko sa pagkagulat.

"Ikaw na nga. Ikaw ang prinsesang tinutukoy sa propesiya."

Sa narinig ay wala sa sariling bigla kong binawi ang kamay kong hawak nito. "Hindi ko po kayo maintindihan." kunot ang noong pahayag ko.

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito, "Hindi mo naman kailangang intindihin, mahal na prinsesa. Sapagkat darating ang tamang panahon na kusa mo ring mauunawaan ang mga sinasabi ko." pahayag nito habang matamis pa ring nakangiti ngunit kaagad din iyong nawala at napalitan ng seryusong ekspresyon ang mukha. "Naisin ko mang magtagal ka pa rito sa mundo namin ay hindi maaari, ngayon hawak mo na ang espada, isa lang din ang ibig sabihin niyon... mag-uumpisa na ang nakasaad sa propesiya. Magsisimula na ang alitan ng dalwang kontinenti sa ngalan ng kapangyarihan. Kaya, mahal na prinsesa, ikinalulungkot kung sabihin, kailangan mo nang bumalik sa iyong mundo. Marami ang mangangailangan sa iyo roon." pagkatapos sabihin niyon ng reyna ay napakurap-kurap na lang ako lalo na nang bigla itong maglaho sa harapan namin ni Falia.

"What just happened?" hindi ko mapigilang bulong sa sarili na hindi nakaligtas sa paningin ni Falia.

"A word from the queen that you must take seriously."

Kunot-noong napalingon ako kay Falia, "Ano bang ibig sabihin niyon?" naguguluhan kong tanong ngunit isang kibit balikat lamang ang nakuha kong sagot mula rito bago ako tinalikuran.

"Maghanda ka na, Diancie. Ngayong araw ka babalik sa Santalune." imporma nito bago tuluyang pumasok sa kabahayan.

Nang mawala sa paningin ko si Falia, isang malalim na hininga ang pinakawalan ng mga baga ko. Naguguluhan ako! Maraming katanungan ang nabubuo sa isipan ko pero mukhang wala akong kasagutan na makukuha sa lugar na ito. Siguro nga'y mas mabuting bumalik na lang ako sa Santalune or much better sa Swordailes but...

"Diancie!"

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang bigla akong tinawag ni Falia mula sa loob.

"Diancie! Come on, it's time to go!"

What? Agad-agad?!

MISTY's POV:

Hindi ko mapigilang mapanguso dahil sa pagkabagot na nararamdaman ko. Nandito ako ngayon sa classroom at lahat ng mga kasama ko ay parang may mga sariling mundo dahil sa mga kanya-kanyang pinagkakaabalahan.

Napabuntong hininga na lamang ako bago hinagilap ng paningin ko si Vionna, and as usual, parang lutang na naman sa layo ng tingin habang pinaglalaruan sa isang kamay nito ang noryukō niya.

I sighed again. Simula nang mawala si Diancie at dumating si Alfhea ay biglang nagbago ang lahat. Si Toshiko na noon ay hindi nauubusan ng enerhiya ay parang biglang naging lantang gulay na ngayon, same goes with Cilan na parang nawalan na rin ng ganang magluto gawa nang laging pagpapasabog ni Alfhea sa teritoryo nito.

And I, myself is kinda confuse on what's going on. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na halos matumbok kung paano nga ba nag-umpisa ang lahat at bakit nagkaganito na lang bigla.

Mula sa pagkakalumbaba sa desk ko ay bigla akong napatuwid ng upo nang makarinig ako ng malakas na pagsabog sa labas ng room.

I roam my eyes around at masasabi kong hindi lang ako ang nagulat sa narinig. All of them, my co-fhinhiex has these questioning look on their eyes.

I stand and was about to speak when another explosion echoed in the whole academy!

"What's going on?" someone blurted out. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na lingunin ang nagsalita at mabilis na lamang na lumabas ng room.

Ramdam ko ang pagsunod ng iba sa akin at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang dahilan ng mga pagsabog na iyon.

********

F. Slyveon

The Curse Of The Sword (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon