Chapter 62

1.8K 68 0
                                    

Chapter 62

NAALIMPUNGATAN si Diancie nang makaramdam ng kakaiba sa katawan. Kahit mabigat ang mga talukap ay pinilit niya ang sariling idilat ang mga mata. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang sariling nakikipagpalitang ng mga atake sa mga Higher ups. Iniling-iling niya ang mukha at bahagya pa iyong tinapik-tapik sa isiping namamalik-mata lamang siya.

Ngunit ganoon na lang ang pangambang bumalot sa sistema niya nang makitang walang pinagbago sa mga nakikita niya. Napalunok siya ng ilang beses bago sinubukang lapitan ang sarili ngunit hindi niya maigalaw ang katawan niya. Nanatili lamang siyang nakapako sa pagkakasalampak sa damuhan.

"What's going on?" she thought. "She must be someone disguise as me." pagkumbinsi niya sa sarili ngunit kaagad din iyong nawala nang makita niya ang Diancie'ng nakikipaglaban na hawak ang espada niya. The sword of justice.

"What happened to you, Diancie?"

Napabaling si Diancie sa nagsalita. "Alain..." tawag niya sa binata na walang emosyon ang mukhang nakatingin sa Diancie ma nakikita nito habang nakatutok ang sariling espada rito.

Umiling-iling si Diancie dahil sa nakikita. Alam niyang may dapat siyang gawin ngunit ano at paano kung hindi niya magawang igalaw ang kanyang katawan?

"If it's nothing but the proud of Shalour Academy..." nagsalita ang kamukha niya na may ngisi sa mga labi. "How are you gonna stop me, anyway?" dagdag pa nito.

Kita ni Diancie kung paano humigpit ang pagkakahawak ni Alain ng kanyang espada. 'Please... please...' ani Diancie sa isipan kahit hindi niya alam kung para saan ang pakiusap niyang iyon.

"Sasaktan mo ba talaga ako?" Her doppelganger asked in a smooth voice. "Don't you care for me anymore?"

Nang ibaling ni Diancie ang mga mata kay Alain, natigilan siya, kita niya kung paano dumaan ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. 'No, please...' Ngayon, alam na niya kung para saan ang pakiusap niyang iyon. 'Wag kang maniwala sa kanya, please..'

Kahit nahihirapan ay pinilit ni Diancie na igalaw ang katawan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero isa lang ang nasisiguro niya. She must do something to stop that bitch who'd stole her face! Thinking about it really boiled her blood in so much anger! She hates the thought of someone's pretending as her!

Saglit siyang natigilan dahil sa naisip kapagkuwan ay pinasadahang mabuti ng tingin mula ulo hanggang paa ang kamukha niya. 'Hindi kaya ito rin ang gumaya sa akin noon?'

She wonder.

But still, how dare her! She must really have to do something but what? Fuck this!

DIANCIE can't think of anything to meddle the fights she's witnessing. Gusto niyang pumagitna sa mga ito. Gusto niyang siya mismo ang humarap sa nilalang na may lakas ng loob na gayahin ang mukha niya pero hindi niya magawa dahil hindi niya maigalaw ang sariling katawan!

She felt fucking useless at the fucking moment! Ngayon pa talaga na kailangan ng Swordaile ang tulong niya. Anong klaseng prinsesa siya ng mga ito? Ano na lang ang iisipin ng mga ito kung siya mismo ang gumagawa ng ikakapahamak ng mga ito? Or... Are they actually believes that the Diancie in front of them is really her?

And the Higher ups... Bumaling siya sa mga ito. 'They must be very disappointing...'

Nahinto sa pag-iisip ng kung anu-ano si Diancie nang may biglang bumagsak sa harapan niya. 'Papa!', she screamed in her mind nang makilala ito.

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now