Chapter 28

3.1K 111 5
                                    

Misty's POV:

"Mukhang kulang na naman kayo ng isa." komento ni Sensei Riolo pagkapasok niya ng classroom at mailibot ang mga mata sa aming mga fhinhiex. "And as usual, it's Diancie again." dagdag niya sabay punta sa gitna ng room kung saan nakapalibot kami sa kanya.

Yeah. Wala na naman si Diancie. Katatapos lang ng quarterly levelling up at pinaderitso na kaagad kami rito sa classroom pagkatapos gamutin ni Sensei Daui ang mga sugat naming natamo sa battle kanina.

"Anyway, maya-maya lang ay darating ang mga bago niyong kaklase na nakapasa sa quarterly. And since, wala nang vacant room ang dorm niyo at hindi na ito madadagdagan ng panibagong silid, I think some of you, will going to share a room depende kung ilan ang maidadagdag. I hope, ayos lang iyon sa inyo." pahayag niya sa amin.

"Yeah. It just fine, di ba guys?" si Vionna ang sumagot kay Sensei na ikinatango lang namin.

"Siguro, pwede kaming mag-share ni Vionna." suhestiyon ko.

"Sure." kaagad namang sagot niya na ikinangiti ko.

"So, we already have, one vacant room. How about the boys?"

"Let me handle that, sensei." pag-volunteer ni Vionna. "And boys... walang papalag ah." baling niya sa mga lalaki.

"Whatever." Alder muttered.

"Tss..." Alain hissed at sabay-sabay na "Sure!" ang sagot ng apat.

"Okay. So ito ang magiging pairing. Cilan and Toshiko, Cressol and Klinton and the Cliverin brothers ang magsi-share ng room. So, all in all, we already have four vacant room." pahayag ni Vionna.

"Good idea, Vionna. So, any reaction?" tanong ni Sensei Riolo.

"It's okay with me." kaagad na sagot ni Alder na ikinibit balikat lang ni Alain.

"Sa akin din." segunda ni Cilan.

"Yes, ayos lang." anas naman ni Klinton at tanging tango lang ang itinugon nina Toshiko at Cressol.

"It's settled then, let's just hope na sapat ang apat na silid sa mga bago." turan uli ni Sensei.

"So, ibig sabihin... Walang kasama si Diancie." maya-maya ay wika ni Toshiko.

Akmang sasagutin na sana ito ni Sensei nang bigla siyang maantala nang bumukas ang pinto ng classroom namin at bumungad doon si Sensei Lilith.

"Hello... Sorry for the interruption but the newbies are with me." bungad ni Sensei Lilith sa amin sabay lingon nito sa likuran niya dahilan para papunta rin doon ang mga mata namin.

"It's okay. Please, come in Lilith, also all the newbies." sagot ni Sensei Riolo na kaagad namang sinunod ni Sensei Lilith.

Naunang pumasok at pumunta sa gitna namin si Sensei Lilith at kaagad namang sumunod sa kanya ang mga bagong fhinhiex students, ang mga nakapasa sa quarterly levelling up.

I count them one by one in my mind, and they are nine of them. Four boys and five girls. Isa sa mga lalaki ang nakalaban ni Diancie kanina and the rest ay ang mga nakalaban namin. Well, they deserve to be one of us, lalo na't nagawa rin nila kaming patamaan kanina, except for Diancie, na nasisiguro kong hindi nagawang patamaan ng nakalaban niya kahit daplisan man lang.

"Welcome to fhinhiex level sa inyong lahat. I hope na magkakasundo kayong lahat dito like the old fhinhiex students." pahayag ni Sensei Riolo nang makapwesto na ang lahat sa harapan namin. "You can do your introducing stuff later but for the mean time, I want to clarify something..." dagdag pa ni Sensei Riolo habang kaharap ang mga newbies na tahimik lang.

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now