Chapter 13

3.9K 135 1
                                    

Vionna's POV:

"Akala ko ba okay na si Diancie? Bakit ganoon, mag-aapat na araw na, hindi pa rin siya nagkakamalay?" Misty asked habang na kay Diancie nakatingin.

Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa dorm, sa mismong silid ni Diancie. Since, ang sabi ni Sensei Riolo ay wala na namang problema kay Diancie at pahinga na lang ang kailangan niya, napagpasyahan naming ilipat na lang siya rito para mas maging komportable na rin siya.

Wala rito ang mga lalaki dahil pinatawag daw sila ni President Jeoldeon. Maybe, they were gonna talk about the wild creatures na tinutukoy noon ni Sensei Riolo na umatake kay Diancie. Gusto rin sana naming pumunta pero hindi rin namin maatim na iwanan ditong mag-isa si Diancie.

Natigilan ako sa pagmumuni-muni ko nang biglang tumayo si Misty. "Lunch time na, anong gusto mong kainin Vionna?"

"Bakit? Magluluto ka?" balik tanong ko sa kanya na ikinanguso niya. "As if naman marunong akong magluto, malamang kukuha ako sa dining hall."

Bahagya akong natawa sa narinig at sa itsura na rin ni Misty. Frustrated cook kasi siya kaya ganyan na lang ang reaksyon kapag pagluluto na ang pag-uusapan. Well, ako rin naman, hindi rin marunong magluto, actually, kaming lahat ay hindi marunong magluto pwera na lang kay Cilan na likas na talaga ang pagiging mala-chef. Kaya kung wala si Cilan dito, asahan nang sa dining hall ang bagsak namin.

"Hey, I'm asking you!" Misty snapped me out.

"Ikaw na ang bahala," sagot ko na lang sa kanya.

She shrugged. "Okay. Sabi mo eh..."

Nang makalabas na ng silid ni Diancie si Misty ay muli akong napatitig kay Diancie. She looks like a sleeping beauty waiting for a kiss from her prince charming. Her long and thick eyelashes, pointed nose, kissable reddish lips and long wavy brownish hairs, plus her pale white skin. I can see a princess behind it. Or maybe, she is really a princess, not just an elite... if so, then where kingdom did she came from? I never see such beauty before at saka, kung isa man talaga siya disin sana'y ipinakilala na siya sa lahat ng Santalunian bilang isang royalty? Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko. Nakaka-curious naman kasi talaga itong si Diancie eh, tapos hindi pa nakakatulong iyong pagiging ilag niya sa amin.

Bigla akong napatayo sa pagkakaupo mula sa couch nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagsabog at nasundan pa iyon ng mga hiyawan. Anong nangyayari?

Mabilis ang mga kilos na lumapit ako sa bintana at sinilip ang nasa labas. Ganoon na lamang ang paninindig ng mga balahibo ko sa nakita! What kind of creatures are those?!



Alain's POV:

Naagaw ang atensyon naming lahat dito sa President heya nang may biglang sunod-sunod na pagsabog kaming narinig mula sa labas. Kaagad kaming sumilip sa bintana at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata namin nang makita namin ang dahilan ng pagkakagulo.

"What kind of creatures is that?" Toshiyo asked to no one habang nakatingin sa labas kung saan naroroon ang isang hindi kilalang nilalang.

Yeah. Anong uring nilalang iyan? It's like an octopus but its too huge to be called like one plus the fact na nakalutang pa ito sa hangin. Ang mga galamay nito ay doble o triple kesa sa normal na octopus at idagdag pa ang hindi kaaya-aya nitong itsura na walang sinuman ang may nais na titigan ito.

"Tentacuno..."

Sabay kaming napalingon kay Sensei Riolo nang marinig naming may binanggit siyang pangalan.

"You're saying, Riolo?" Sensei Jeoldeon asked.

"No time to explain Mr. President. That creature are dangerous." tugon ni Sensei Riolo saka mabilis ang mga hakbang na lumabas siya ng President heya.

Nagkatinginan kaming lahat na narito, actually kami lang namang mga fhinhiex ang nandito maliban na lang sa mga babae dahil may sasabihin daw'ng importante si Sensei Riolo ngunit hindi pa nga niya nasisimulan ay may gumambala na sa kanya.

Kaagad kaming sumunod kay Sensei Riolo at talagang hindi namin inaasahan ang bumungad sa amin. Hindi lang kasi nag-iisa ang mga halimaw na iyon. They are everywhere! Ang mga galamay nila ay parang mga linta na kumakapit sa mga bagay na naaabot ng haba nito.

Malalakas na hiyawan ang pumuno sa buong Academy nang mag-umpisa nang magpalabas ang mga ito ng kulay itim na malapot na likido. Nang sinundan ko ng tingin ang tinamaan nito ay hindi ko mapigilang hindi mapamura sa nakita! Parang kandila na natunaw ang bahaging iyon ng gusali! The fuck!

"Sensei!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw at doon nakita ko si Sensei Giō na natamaan ng isa sa mga galamay ng tentacuno.

"Don't mind me! Save yourselves!" sigaw ni Sensei Giō sa mga estudyante niya. Kahit nag-aalangan ang mga ito ay sinunod pa rin nila ang utos ni Sensei Giō.

Kahit may sugat at nagpatuloy sa paglaban si Sensei Giō sa mga galamay na patuloy pa ring umaatake sa kanya. Ganoon din ang iba pa na may kakayahang lumaban kaya naman ay ipinalabas ko na rin ang nōryoku ko. I made a sword made up of ice saka mabilis ang mga kilos na pinutol ko ang mga galamay na papunta sa akin.

Hindi man totoong espada itong hawak ko pero ang epekto nito sa matatamaan ay parang isang tunay na espada lang din. It sharp alright.

Nang maputol ko ang isang galamay ay kaagad na nabalot ito ng yelo ngunit ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makitang walang hirap na nabasag ang mga yelo ko at sa isang iglap lang ay muling humaba ang galamay na naputol ko. What the fuck!

Nilibot ko ang paningin ko at ganoon din ang nangyayari sa iba. Kapag napuputol ang mga galamay nito ay parang wala lang na muli itong hahaba.

How can we defeat it?

"Alain!"

Bigla akong napalingon sa likuran ko nang may tumawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong natigilan nang makita ko ang isang bagay na papalapit sa kinaroroonan ko. Gustuhin ko man itong ilagan ay sadyang huli na, wala na akong sapat na panahon.

"Alain!" I heard Misty's voice screaming my name hanggang sa isang malakas na pagsabog sa mismong harapan ko ang halos magpabingi sa akin.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng apoy na pumigil sa mala-asidong likido na iyon.

"If you can't dodge it, then counter it." she said sabay harap niya sa isa sa mga tentacuno at sa mismong harapan ko, she summoned her weapon, the bow and arrow.

"There's only one way to kill it, and that is to hit it directly to its heart." pahayag niya kasabay ng pag-asinta niya ng palaso niya patungo sa noo ng tentacuno na ikinakunot ng noo ko. Sabi niy--

"And its heart are located on its forehead." dagdag pa niya kasabay ng paglaho ng tentacuno na natamaan niya.

Paano niya nalaman iyon?


*********

FAIRY SYLVEON

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now