Chapter 30

3.1K 105 0
                                    

Diancie's POV:

Pagdilat ko ng mga mata ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong nasa harapan na ng isang malaki at lumang gate. Nang basahin ko ang hindi kalakihang karatula na nakasabit sa mismong gate ay kumunot ang noo ko.

"Forbidden forest..." basa ko rito. I wonder sa loob ba nito ako nanggaling? Ito ba ang forbidden forest na tinutukoy ng Dweeble na iyon? I sighed saka pinasadahan ng tingin ang bawat sulok ng gate.

Dito rin ako narakamdam ng mga kakaibang presensya noon. I wonder what are those...

"There you are..."

Mula sa gate ay biglang lumipad ang mga mata ko sa pinanggalingan ng boses. Nang makilala ay hindi ako umimik at muling ibinalik sa gate ang paningin ko.

"Planning to get in? Or... Curious on what's inside?" he asked kasabay nang pagtabi niya sa akin ng tayo at pinasadahan din ng tingin ang naturang gate.

Nilingon ko siya. "If so, would you let me?"

"No." mabilis niyang sagot sa akin. "I wont. It's too dangerous inside." he said seriously.

I just shrugged at nag-umpisa nang humakbang pabalik sa Academy.

"Don't you ever think about it, Diancie..." turan niya habang nakasunod sa akin.

Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Why wont I?"

"Diancie!"

Natawa ako nang biglang nagbago ang itsura niya, hindi na ito maipinta sa sobrang pagkalukot. "My, my, Riolo... I never thought na hindi ka na pala nabibiro ngayon."

"Hindi iyan magandang biro, Diancie..." seryuso pa rin niyang turan.

Napailing-iling na lang ako. "Whatever." I said sabay talikod na muli rito and resume my steps. "If only you knew, Riolo... I've been there already..." I muttered mentally.

"Straight to your dorm, Diancie. It's getting dark." bilin o tamang sabihin ay utos niya.

I rolled my eyes heavenward. "Hai, Sensei Riolo." puno ng sarkasmong sagot ko sa kanya at nang paglingon ko rito ay makitang lukot na naman ang mukha nito, kaagad akong nagteleport patungo sa dorm bago pa ito makapagsalita.

Pagdating ko sa harapan ng dorm ay walang katok-katok na binuksan ko ito saka pumasok. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang dalawang pamilyar na taong hindi ko lang maalala kung saan ko ba nakita. 

"Diancie..." the girl murmured my name.

So she knew me... Or, perhaps they really knew me.

"Hey! What are you waiti-- Diancie!"

Sabay kaming tatlo na napalingon sa nagsalita. Si Vionna na bakas sa mukha ang pagkagulat.

"You're here..." anas niya.

"Am I not suppose to be in here?"

"No! It's not what I've meant." kaagad niyang turan.

I just shrugged. "Okay." anas ko sabay tinungo ang hagdan paakyat.

"The foods are ready. Don't you wanna eat?" Vionna asked na bahagyang nagpatigil sa akin.

"I'm full." I answered shortly at ipinagpatuloy ang hakbang paakyat.

Pagkapasok ko sa silid ay kaagad na kinuha ang atensyon ko nang isang maleta at ilang maliliit na bag.

"Mukhang magkakaroon ako ng roommate ah." I talked to myself kasabay nang pagbagsak ko ng sariling katawan sa kama.

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now