Chapter 23

3.5K 115 0
                                    

Diancie's POV:

Tahimik na nilalapatan ko ng mga halamang damo ang mga natamong sugat ni Alain na nakita ko sa paligid. Pinakain ko rin siya ng oran berry para kahit papaano ay makatulong ito upang bumalik ang enerhiya niya.

"Aww!" bigla niyang daing nang maidiin ko ang pagkakalapat ng mga dahon.

"Pasensya na." mahina kong anas. "Ngunit kailangan mong indain ang sakit." dagdag ko habang pinagpapatuloy ang paglalapat ng mga gamot sa mga sugat niya.

"Pagkatapos nito ay ibabalik na kita sa Academy para roon tuluyang magamot iyang mga natamo mong mga sugat." pahayag ko habang ang mga mata ko ay nakatutok lang sa ginagawa ko.

"Ikaw?"

Napaangat ako ng tingin sa tinanong niya. "Anong ako?" medyo nagtataka kong tanong.

"Babalik ka na rin ba?" he asked na nagpatigil sa akin.

Napaiwas ako ng tingin mula sa kanya. "I don't know." sagot ko at muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Then, hindi rin ako babalik doon kung hindi ka babalik." muli akong napatingin sa kanya sa narinig.

"Are you out of your mind?"

He just shrugged. "Maybe."

Marahas akong napabuntong hininga saka tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi niya. "Let's go." walang emosyon kong pahayag.

"Look. I just wanted to say sorry sa nagawa ko no--"

"Stop. It's in the past. 'Wag mo nang ibalik pa. The damage has been done." putol ko sa kanya sa seryusong boses.

"But--"

"Charizard!" tawag ko rito at hindi na pinansin pa ang kung anumang sasabihin pa sana ni Alain. "Babalik na kami sa Academy." paalam ko rito. "You should go back too. Thanks for everything, anyway." dagdag ko pa sabay himas sa ulo nito. It just growled at started to flapped it wings.

Pagkalipas ng ilang sandali ay lumipad na ito at nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko ay binalingan ko na si Alain. Since, I've gain back my energy, enough to teleport both of us, hindi na namin kailangan pang magpahatid sa charizard pabalik. At saka, kailangan na rin niyong magpahinga kaya dapat lang na bumalik na ito sa Charicific Valley kung saan nila naibabalik ang mga nawala nilang lakas.

Lumapit ako rito at walang pasabing hinawakan ito sa kamay then, I teleported ourselves pabalik sa academy, sa mismong dorm namin. At habang nasa process kami ng teleportation ay sinubukan ko na ring gamutin ang sugat nito kung kakayanin na ba ng enerhiya ko, para na rin hindi kami batuhin ng tanong ng mga Santalunian na makakakita sa sugat o tamang sabihin ay sa paso nito.

Kasabay nang pagmulat ko ng mga mata ay ang pagdating din namin sa dorm. Bumungad sa mga mata ko ang gulat na gulat na mukha ni Cilan, he even cussed dahil sa pagkagulat na siyang dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng iba pa.

Hindi ko na lang pinansin ang naging reaksyon nito at bumaling kay Alain na bakas naman sa mukha ang pagtataka habang palipat-lipat ang mga mata nito sa binti at braso niyang wala nang bakas ng anumang paso, maging peklat. Nang tumingin siya sa akin ay kaagad akong napaiwas ng tingin at humakbang paakyat sa silid ko ngunit hindi pa ako nakakatatlong hakbang nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko. Nasapo ko ang ulo ko ngunit hindi ko na napigilan nang sakupin ng kadiliman ang diwa ko.


Vionna's POV:

Nagulat kami nang bigla na lang sumulpot sa harap namin sina Alain at Diancie. Ngunit mas lalo kaming nagulat nang bigla na lamang natumba si Diancie, mabuti na lang at naging maagap si Alain at nasalo niya ito.

Bubuka pa lang sana ang bibig ko para magtanong kung ano ang nangyari ngunit katulad ng bigla nilang pagsulpot ay bigla rin silang nawala sa harapan namin. Nagkatinginan kami.

"Where are they going?" Misty asked to no one.

We just shrugged. "Malay." sagot dito ni Toshiko.

"Baka sa clinic." komento ni Cilan dahilan para mapatayo ako.

"Where are you going, Vionna?"

"Check them out in the clinic." sagot ko kay Misty.

"Sama ako." kaagad niyang turan at mabilis na lumapit sa akin.

Hindi na ako sumagot sa kanya at lumabas na ng dorm. Habang nasa hallway ay napatigil ako nang mapansing marami ang nakasunod sa akin. Paglingon ko sa likod ay doon ko nakita ang buong fhinhiex na nasa likuran ko. Hindi na lang ako nagkomento pa at hinayaan na lang silang sumunod sa akin.

Pagdating namin sa clinic ay nadatnan namin si Alain na nakaupo sa labas ng healing room at matiyagang naghihintay. Nakayuko siya na parang hapong-hapo. I wonder kung saan sila nanggaling at kung saan niya nakita si Diancie.

Ngunit kahit gustuhin man naming magtanong ay hindi na kami nag-usisa pa. Hinintay na lang namin si Sensei Daui na lumabas ng healing room na tiyak kaming nasa loob.

Ilang sandali pa ang ginugol namin sa paghihintay nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa harap namin. Sabay-sabay kaming napatingin dito kasabay nang paglabas ni Sensei Daui na mabilis namang nilapitan ni Alain.

"How is she, Sensei?" Alain asked.

"She's will just fine. There's nothing to worry about. She's just totally wipe out and an overnight rest is all she need."

Nakahinga kami ng maluwag sa narinig. Akala ko kung napaano na naman si Diancie eh.

"Pwede niyo na siyang masilip." pahayag ni Sensei Daui sa amin. "And as for me, I have to go, may aasikasuhin pa ako sa library." dagdag pa niya sabay paalam.

Tanging tango lamang ang naitugon namin sa kanya samantalang si Alain ay nauna nang pumasok sa loob ng healing room. Nang mawala na si Sensei Daui sa paningin namin ay saka palang kami sumunod kay Alain sa loob upang tingnan si Diancie. Pagkapasok namin ay nakita namin si Diancie sa clinic bed, nakahiga at walang malay.

"Saan nga pala kayo nanggaling, bro?" tanong ni Alder kay Alain na siyang bumasag sa namumuong katahimikan na namamagitan sa amin.

"Sa gubat." maikling tugon ni Alain na hindi nililingon si Alder at na kay Diancie pa rin ang mga mata nakatitig.

"Gubat? Where's exactly located this forest you're talking about?" kunot ang noong tanong ni Alder sa kapatid.

"Sa likod ng Academy." sagot ni Alain sabay lingon kay Alder at humakbang palapit sa isang sofa at doon umupo.

"Anong ginagawa niyo roon? Hindi ba delikado ro'n, gawa ng mga mababangis na nilalang?" sabat ni Toshiko ngunit tiningnan lamang siya ni Alain pero hindi naman sinagot ang tinuran ng nauna.

Mapang-asar na nginisihan ni Cilan si Toshiko na siyang ikinalukot ng mukha ng huli ngunit hindi naman na gumawa pa nang kung anuman at tumahimik na lang habang pinagmamasdan ang walang malay na si Diancie.

Ilang sandali rin kaming nasa ganoon ayos, tahimik ko lang na pinagmamasdan si Diancie, samantalang ang iba ay may sariling mga mundo pero hindi rin naman lumalabas ng silid. Ang labas tuloy ay nagsisiksikan kaming walo sa silid na kinaroroonan ni Diancie, mabuti na lang ay may kalakihan din ang silid.

Nang mangalay ako sa pagkakaupo ay tumayo ako at lumapit ng bintana saka binuksan iyon para may sariwang hangin na makapasok. Kasabay nang pagbukas ko ng bintana ay ang pagsakop ng isang mahinang ungol sa pandinig ko.

Napalingon ako sa pinanggalingan niyon at napangiti ako nang makitang gising na siya.

******

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now