Chapter 14

3.7K 118 0
                                    

Vionna's POV:

Nandito kami ngayong lahat sa President heya. Pagkatapos naming mapuksa ang mga halimaw na iyon na tentacuno raw ang pangalan sa pamamagitan na rin ng tulong ni Diancie ay kaagad kaming pinapunta rito ni Sensei Jeoldeon, kasama sina Sensei Riolo at Sensei Lilith samantalang si Sensei Giō naman ang naatasan sa pag-aayos ng mga nasirang gusali at kagamitan kasama ang iba pang namamalakad ng Academy.

Lahat kami ay bakas sa mga mukha ang pagtataka maliban na lang kay Sensei Riolo at Diancie na seryuso lang ang mukha, kung bakit sunod-sunod na yata ang pag-atake ng mga halimaw dito sa Academy? Noong una ay iyong mga higanteng bangin, tapos iyong mga umatake kay Diancie, then those tentacunos? What was that mean?

"Riolo..." basag ni Sensei Jeoldeon sa namumuong katahimikan. Kaagad naman siyang nilingon ni Sensei Riolo ngunit hindi ito umimik. "Paano mo nalaman na isa iyong tentacuno?"

"In the book." maiksing tugon ni Sensei Riolo rito. "Nabasa ko sa isang libro-- libro kung saan nakasaad at nakalarawan ang mga mababangis na halimaw na matatagpuan lamang sa Nimbasa Continent, specifically sa Howen Island."

"Nimbasa Continent? Ngunit paanong nakarating ang mga iyon dito sa Santalune?" takang tanong ni Cressol.

"Oo nga, paano?" segunda naman ni Klinton.

"Through portal."

Lahat kami ay napabaling kay Diancie nang magsalita siya.

"Paano mo naman nasabi?" Alder asked.

"Cause it's the only way to travel from continent to continent, and you guys know about that." she said which is right. Iyon lang naman talaga kasi ang nag-iisang daan para makapunta ang isang nilalang sa magkabilang kontinente.

"Kung ganoon, sino naman ang gumagawa ng portal para makapunta rito ang mga nilalang na iyon at bakit sila lumulusob?" tanong ni Cilan ngunit walang ni isa sa amin ang nakasagot since pareho lang naman kami ng katanungan.

Sandaling katahimikan ang lumukob sa buong silid na kaagad namang binasag ni Sensei Riolo.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya habang nakatingin kay Diancie at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Hindi pa nakuntento si Sensei Riolo, lumipat siya ng pagkakaupo sa bakanteng upuan na katabi lang ni Diancie saka sinapo-sapo ang mukha ng huli.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang ginawang pag-iwas ng tingin ni Sensei Lilith sa eksena sa harapan niya.

"I'm fine. No need to worry." ani Diancie at mahinang tinanggal sa pisngi niya ang mga kamay ni Sensei Riolo na nasa pisngi niya.

"You made me worry alright... Ano na lan--"

"I heard you alright." kaagad na putol ni Diancie kay Sensei na bahagyang nagpakunot ng noo ko. Ngayon ko lang napansin ang closeness nilang dalawa-- No. Ang pagiging showy pala ni Sensei Riolo pagdating kay Diancie. It seems like they know each other already bago pa man mapunta rito si Diancie.

"Aherm!" natigilan ang dalawa at napalingon sa tumukhim, hindi lang pala sila, maging kami rin ay napatingin kay Alain na siyang kumuha ng atensyon namin.

"I believe that we're not done discussing the problem yet." seryuso niyang pahayag ngunit mukhang kina Diancie siya nagpaparinig. Lihim na lang akong napangiti nang makita ko kung saan nakatingin si Alain-- sa magkadaop palad na mga kamay nina Diancie at Sensei Riolo. Hmmm... I wonder what we have here? I smell something....

"Okay. Here's the plan. Aalamin natin kung sino ang gumagawa ng porta--"

Naputol ang sasabihin ni Sensei Jeoldeon nang biglang bumukas ang pinto ng President heya at iniluwa niyon si Miss Keyae kasama si Tandang Nadi.

"Tandang Nadi? Napadalaw kayo..." bakas sa mukha ni Sensei ang pagtataka. Maging kami ay nagtataka rin. Malayo sa Shalour Academy ang tahanan ni Tandang Nadi, kung lalakbayin ito sa normal na paglalakbay ay aabutin ng mahigit kumulang dalawang linggo ang itatagal mo sa daan ngunit sa sitwasyon ni Tandang Nadi ngayon at sa itsura niya, masasabi kong gumamit siya ng salamangka para makarating kaagad dito.

"May mahalaga raw siya na nais iparating, Mr. President." tugon ni Miss Keyae.

"Ano iyong Tandang Nadi?"

Ang tanong ni Sensei Jeoldeon ang naging hudyat ni Tandang Nadi para kumilos. May binigkas siyang isang kakaibang wika na hindi namin maintindihan. Maya-maya pa ay isang putin usok ang pumuno sa loob ng heya na bahagya kong ikinapikit. Pagmulat ko ng mga mata ay nagulat ako sa nakita sa harapan ko!

Mga halimaw! Iba't ibang klase ng halimaw ang nakikita ko na parang nagwawala. By the sight of it, it looks like they are out of control! What happened to them?

Napatingin ako sa kalangitan ng may mapansin akong kakaiba roon at hindi nga ako nagkamali. There's a big hole in the sky at ang mga nilalang na nalalapit doon ay hinihigop nito, samantalang ang iba ay kusang pumapasok. Napakurap-kurap ako. Is that some kind of portal?

"Vionna!"

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mga kamay na yumuyugyog sa balikat ko.

"Vionna, wake up!"

Napakurap-kurap ako nang wala sa oras. Nang maging maayos na ang paningin ko ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napagtanto ko na nasa President heya pa rin ako.

"Masyado kang nadala sa nakita mo, prinsesa..." hindi pa rin ako nakahuma mula sa mga nasaksihan ko kanila. Pakiramdam ko ay nasa isang madilim na isla ako kung saan lahat ng nandoon ay pawang mga halimaw.

"What you saw is the Howen Island." lahat kami ay napalingon kay Sensei Riolo nang magsalita siya. "And those big black hole in the sky is the portal na siyang naghahatid sa mga halimaw na iyon sa iba't ibang deminsyon ng mundo."

"Iba't ibang deminsyon? Ibig niyo po bang sabihi--"

"Yes, Klinton... Hindi lang dito sa Academy ang may lumulusob na mga halimaw, maging sa ibang mga kaharian din." putol ni Sensei na ikinabigla namin. Bigla kong naisip ang mga magulang ko sa kaharian namin. Are they alright?

"Why? Sino o ano ang dahilan ng pagkabukas ng portal sa Howen Island?" napabaling kami kay Diancie nang magsalita siya, halatang si Tandang Nadi ang tinatanong niya.

"Dalawa lang ang maaaring dahilan, binibini... Maaaring may nagbukas ng portal o di kaya'y nasa panganib ang tagapangalaga ng espada ng kapayapaan at kaayusan." sagot ni Tandang Nadi at talagang hindi namin inaasahan ang naging reaksyon ni Diancie sa tinuran nito.

"Send me to Nimbasa Continent then..." seryuso niyang turan sabay tayo mula sa pagkakaupo.

"Diancie! Are you out of your mind?!" Sensei Riolo hissed kasabay nang pagpigil niya sa braso nito. "You know its dangerous!"

"No! They are the one whose in danger!"

Nagulat kami sa biglang pagtaas ng boses nilang dalawa. Hindi rin namin maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Riolo! Diancie! Enough!" awat sa kanila ni Sensei Jeoldeon. "Don't rush things out. Both of you need to think, we all need to think wisely and make a concrete plan about that matter."

"Tsk!" pabalyang binawi ni Diancie ang braso niya na hawak ni Sensei Riolo saka walang paalam na lumabas ng President heya at wala kaming ibang nagawa kundi ang sundan lang siya ng tingin hanggan sa tuluyan na siyang makalabas.



********

FAIRY SYLVEON

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now