Chapter 49

2.5K 90 3
                                    

Vionna's POV:

Maingat akong hindi makalikha ng anumang ingay habang sinusundan ko si Hartley. Noong isang araw pa ako nagtataka sa mga kinikilos niya at ngayon nga'y mas lalo akong napapantastikuhan nang makita siyang palinga-linga sa paligid habang naglalakad patungo sa hindi ko alam kung saan.

Mas lalo pang lumalim ang mga gitla sa noo ko nang makita kung saan siya patungo. 'Anong gagawin niya sa kagubatan ng mag-isa?'

Ilang minuto ko pa siyang sinusundan papasok ng kagubatan nang may maramdaman akong ibang presensya. Mukhang alam ko na kung ano ang gagawin ni Hartley dito.

Habang hinihintay kung sino ang kakatagpuin ni Hartley, buong alerto kong pinapakiramdaman ang paligid pati na ang presensyang nararamdaman ko. Papalapit ito ng papalapit sa kinaroroonan namin kaya't natitiyak kong ang may-ari ng presensyang iyon ang sadya ni Hartley sa kagubatang ito.

Pigil ko ang paghinga ko nang palakas na palakas ang presensyang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang hatid sa akin nang kung sinuman ang nagmamay-ari niyon, but one thing is for sure. He or she is no ordinary.

"My Lord..."

Muli akong napatingin kung saan naroroon si Hartley ng magsalita ito. Nasa harap na nito ang taong katagpo at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang kabuuan ng itsura ng lalaki at makilala ito.

"What the fucking hell..."

Diancie's POV:

Mataman kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin matapos akong ayusan ng isa sa mga chamber maid ng palasyo. As I stares myself in the mirror, one thing I notice the most. Gone the simple Diancie, all was left is the one and only Princess Keiozha of Swordaile. The crown and all of these dazzling pieces I'm wearing can tell it all. I sighed. Here we goes the formality again.

Mula sa salamin ay ibinaling ko ang paningin ko sa orasang nakasabit sa dingding ng silid ko, sa mismong itaas ng pintuan. Mahigit isang oras pa ang kailangan kong gugulin sa paghihintay bago magsimula ang event na pakulo ni Mema, kaya naman ay napag-isipan ko munang lumabas at aliwin ang sarili ko sa paglalakad-lakad.

Habang nasa pasilyo ay pawang mga bati ng mga kawal at chamber maids ang sumasalubong sa akin. Gustuhin ko mang ngumiti sa mga ito ng natural ay hindi ko magawa, those gestures-- bowing of heads and such are quite irritating. The formality in this palace are really sucks. Nakakainis lang dahil di ako makakilos ng malaya. All of my moves should be calculated. It should be smooth like a fucking cotton or else, my title will be at risk, like I care, anyway. Tsk.

Habang naglalakad ay walang ibang makikita sa mukha ko kundi ang pekeng ngiti na nakaguhit sa mga labi ko. Wala akong pakialam kung napapansin man nila ang mga ito o hindi. Pasalamat na lang sila at nagawa ko pang pigilan ang sarili kong wag magtaray sa mga ito kahit na sabihing napaka-genuine ng pagbati nila sa akin at nakikita ko talagang masaya sila na nakabalik na ako. Well, they should know that smiling around is not my thing. Smiling genuinely to the people I less knew is the hardest thing for me to do. Kaya dapat sanay na silang ganito ako.

Nang marating ko ang pinakadulo ng pasilyo ay at makitang may pinto roon, kaagad akong pumasok dito without bother knowing what's inside, sa pagnanais na ring iwasan ang mga nakakasubong ko na wala nang naging bukam-bibig kundi ang 'Maligayang pagbabalik o welcome back Princess Kei.' na talagang nakakaumay sa pandinig. Para naman kasing kababalik ko pa, eh kung tutuusin ay noong isang buwan pa ako nandito at ikinulong lang ng mga butihin kong magulang sa silid ko at ngayon lang pinahintulutang maglabas-pasok ng silid. Ni hindi pa nga ako nakakalabas ng palasyo dahil na rin sa kagustuhan ng mga ito. I sighed.

Nang tuluyang makapasok ay kaagad kong pinalibot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid at doon ko lang napagtanto kung anong klaseng silid ang napasukan ko. Puno ng libro ang bawat sulok ng silid. May kanya-kanyang desinyo at laki. Habang pinapasadahan ng tingin ang mga libro ay biglang may pumasok sa isipan ko. The book of all kingdom, nandito rin kaya iyon? I wonder.

Cilan's POV:

"Handa na ba ang lahat?"

Lahat kami ay napatingin kay Principal Jeoldeon nang pumasok siya sa room namin.

"Saan po tayo pupunta, Principal Jeoldeon?" puno ng kuryusidad na tanong ni Toshiko.

"You will find out when we get there." maiksing tugon dito ni Principal na ikinanguso lang ni Toshiko.

"Ba't di na lang kasi sabihin." rinig kong bulong nito sa sarili na lihim kong ikinailing.

"Ba't di na lang kasi maghintay." bulong ko rin sa hangin ngunit mukhang hindi iyon nakaligtas sa pandinig niya dahil sa ginawa nitong paglingon sa akin kapagkuwan ay tiningnan ako ng masama. Bago pa man ako maka-react ay muli nang nagsalita si Principal.

"Kung nandito na ang lahat at nakahanda na, sumunod kayo sa akin at aalis na tayo."

Kaagad naman kaming tumalima pagkasabi niyon ni Principal Jeoldeon. Sa president heya kami nito dinala. Nang pasadahan ko ng tingin ang mga kasama ko, doon ko napagtanto na pare-pareho kami na may nagtatanong na ekspresyon sa mga mukha, maliban na lamang kay Alain na parang walang pakialam sa kung anong nangyayari sa paligid niya. In short, go with the flow lang siya.

Muli kong ibinalik kay Principal ang atensyon upang isa-tinig ang mga katanungan namin ngunit hindi ko na iyon natuloy nang makita kong gumagawa ito ng isang portal sa isang sulok ng heya.

So, that's explain why we are here. Now, I really wonder kung saan kami pupunta at kinailangan pa naming dumaan sa isang portal. Hindi naman siguro kami pupunta ng ibang kontinente, ano? Or maybe...

"Get inside..."

Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Principal pagkatapos niyang gawin ang portal. Nang muli kong lingunin ang mga kasama ko ay bakas pa rin sa mukha ng mga ito ang pagtataka. Halatang naguguluhan o tamang sabihin ay gustong magtanong kung saan ba talaga ang punta namin, ngunit wala lang talagang may lakas ng loob na mag-usisa lalo na't sinabi na ni Principal Jeoldeon na masasagot din ang mga katanungan namin pagdating namin sa kung saan man kami dadalhin ng portal na iyan.

I took a deep breath nang mapansin walang may balak kumilos sa amin, pagkatapos ay ako na ang unang lumapit sa portal at lakas-loob na pumasok doon nang walang anumang salitang namutawi sa mga labi ko. Here goes nothing.

Mariin na lamang akong napapikit nang isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin sa loob ng portal. Isang liwanag na kailan man ay hindi kayang salubungin ng mga mata ko. Ilang segundo pa ang pinalipas ko, bago ko muling iminulat ang mga mata ko, pero bago iyon ay pinakiramdaman ko muna ang paligid, sinigurong hindi na nakakasakit ng mata ang liwanag na bubungad sa akin.

Dahan-dahan ang ginawa kong pagmulat ng mga mata ko, tinatantiya ang liwanag sa paligid ko at nang masiguro hindi na ito masakit sa mata, doon ko lamang tuluyang idinilat ang mga mata ko. Kaagad kong pinalibot ang paningin ko sa lugar na pinagdalhan sa akin ng portal. Nang mapagtanto ko kung nasaan ako ay ganoon na lamang ang paglabas ng isang malutong na mura sa mga labi ko.

"Damn..."

F. Sylveon

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now