Chapter 25

3.4K 116 2
                                    

Vionna's POV:

"Nasaan sila?" tanong ko sa mga kasama ko nang pagbalik namin sa clinic ay wala na roon sina Diancie at Alain.

"Aba, malay... Tayo kaya ang magkakasama." sagot ni Toshiko sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Nasaan na naman kaya nagpunta ang mga iyon?

"We need to find them. Bukas na gaganapin ang quarterly leveling up. Kailangang kumpleto tayong mga fhinhiex bukas." pahayag ni Alder na ikinatango-tango namin bilang pagsang-ayon.

"Okay then, let's split up." suhestiyon ni Cilan.

Kaming apat ni Cilan, Toshiko at Misty ang magkakasama na umiikot sa kabuuan ng Academy habang sina Alder, Cressol at Klinton nakan ang pumunta sa gubat na madalas puntahan ni Alain.

Napatingala ako sa papalubog na na araw. Sana nga lang ay makita namin sila bago sumapit ang dilim o di kaya'y bumalik na sila sa dorm, dahil kapag hindi, at hindi rin sila makapunta bukas, tiyak na isang kaparusahan ang maipapataw sa kanila, lalo na kay Alain na siyang tumatayong leader namin.


Diancie's POV:

"What are you thinking, Diancie?"

Lumingon ako kay Riolo sa tanong niya. "What do you think?" I asked him back.

"You know that it's dangerous." seryuso niyang pahayag na nagpakunot ng noo ko.

"What are you talking about?"

"Oh, c'mon... Diancie. Stop playing dumb. You know what I mean. I can feel it... You're falling... You're falling on that Santalunian!"

Napayuko ako sa narinig. Am I that obvious? "No, I'm not." pagkakaila ko.

"Really?" payak siyang tumawa. "Then, prove it. Stay away from him."

Bigla akong napaangat ng tingin kay Riolo sa narinig. "What?"

"Stay away from him, Diancie. Stay away from Alain kung ayaw mong magkagulo ang dalawang kontinento." seryuso niyang pahayag habang matiim na nakatingin sa akin. "Alam mo, alam nating dalawa na ang bawat nilalang sa mundong ito ay may nakatakda. At mas lalong alam mo, na hindi sa Alain ang nakatakda para sa iyo." dagdag pa niya na siyang nagtarak ng punyal sa dibdib ko.

Humugot ako ng malalim na hininga saka tumanaw sa kawalan. "I know." mahina kong anas ngunit halos hindi na lumabas sa mga labi ko.

"Good. Don't take my advice wrong, Diancie. Stay away from him habang maaga pa. Habang kaya mo pa..."

Mariin akong napapikit at napakagat ng labi. "I will..." I whispered na hindi tumitingin sa kanya, kasabay niyon ang pagpatak ng isang puting likido sa pisngi ko.

"Aasahan ko iyan." he replied. "Anyway, bukas na gaganapin ang quarterly leveling up. Kailangan mong magpakita roon as a fhinhiex level student."

Mabilis kong pinatuyo ang basa sa pisngi ko at nilingon si Riolo. "What's with that event?" I asked curiously.

"It's an event kung saan titingnan ng mga Sensei's kung sino-sino ang karapat-dapat nang ilipat ng level, especially those students na nasa growhier at starthier."

"What about us? Fhinhiex is the highest level right? Anong mangyayari sa amin?"

"Wala pa. Sa prelimination pa kayo huhusgahan, and that will happen in the end of the year. In this event, isa kayo sa mga itsa-challenge ng mga lower levels and the result of the challenge will be the one that will decide."

Napatango-tango ako nang maintindihan ko na ang ibig niyang sabihin tungkol sa event. "Okay."

Akma na sana akong hahakbang paalis sa parte ng kagubatang iyon nang pigilan niya ako. Nilingon ko siya pero hindi na ako nagsalita pa.

"Remember our talk, Diancie." he said seriously and I all can do is to nod, kahit na labag sa kalooban ko.

I sighed and teleported myself back to the dorm--in my room without saying anything more to Riolo.

Pagdating ko sa silid ko ay kaagad kong ibinagsak sa kama ang katawan ko habang nasa isip pa rin ang napag-usapan namin ni Riolo. I sighed heavily. He's right. My growing feeling for Alain are leading us to danger and... nowhere. I should stop this feeling. Hindi ko dapat ito maramdaman sa isang Santalunian, because I am a Swordaile. And swordailes is only for swordailes. At isa pa, hindi naman ako habang buhay na mananatili rito. I will go back in my own world as soon as I can able to summon my sword, o kapag may isang Santalunian na makakaalam sa totoo kung katauhan.

Muli na lang akong napabuntong hininga bago ko ipinikit ang mga mata ko at forcing myself to drift into slumber.




Riolo's POV:

"How is she?"

Biglang naagaw ang atensyon ko sa nagsalita. Nilingon ko ito at ganoon na lang ang pagkagulat ko sa nakita.

"Mom! What are you doing here?" gulat kong tanong sa kanya.

"Checking you and specially, Keiozha." tugon niya. "Kumusta na siya?" muli niyang tugon.

"Why don't you see her for yourself?" balik kong tanong sa kanya.

Lumingon siya sa akin. "You know that I can't. Hindi pa ito ang tamang oras para magpakita ako sa kanya. Hangga't hindi pa niya naipapalabas ang espada niya ay hindi kami maaaring magkita." pahayag niya at yumuko. "And I hope, she can summon it soon..." mahina niyang anas kapagkuwan.

Napabuntong hininga ako. "I hope too..." segunda ko. "Para makaalis na rin siya sa lugar na ito..." dagdag ko pa sa isipan ko.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pero kaagad niya rin itong binasag. "I can't stay any longer, Riolo." napatitig ako sa kanya dahil sa narinig.

"Why?"

"You knew why. Take care, son... And take good care of Diancie too."

Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Bahagya pa siyang lumapit sa akin at akma niya sanang hahawakan ang mukha ko ngunit biglang nabitin sa ire ang kamay niya kapagkuwan ay walang lakas niya itong naibagsak kasunod ang paghinga ng malalim at humakbang paatras, palayo sa akin.

"I've gotta go..." paalam niya. "Bago pa ako makagawa ng hindi dapat." dagdag pa niya.

Tumango na lang akong muli sa kanya. "Say my hi to Dad..." wika ko.

"Sure..."

Pagkasabi niya niyon ay unti-unti na siyang naglaho sa harapan ko. I wanna hug her pero hindi pwede. Hangga't hindi pa naipapalabas ni Diancie ang espada niya ay hindi ko maaaring hawakan ang mga magulang ko, na siyang ipinagtataka ko kung bakit. Anong koneksyon niyon sa magiging espada niya? Gusto ko na ring bumalik sa kaharian namin. Sa Swordaile, pero hindi pa pwede. Hanggang nandito si Diancie, kailangan ko ring manatili sa lugar na ito, hindi para bantayan siya't protektahan kundi dahil upang sundin ang sinasabi ng propesiya.

I heaved a sighed saka nagsimula nang maglakad palabas ng gubat na pinagdalhan sa akin ni Diancie pabalik sa Academy. Iyong babaeng 'yon talaga, sa dinami-rami ng pwede niyang pagdalhan sa akin ay dito pa talaga sa kasukalan ang napili niya. Hindi man lang niya ako itinileport pabalik, alam nang wala akong ganoong nōryoku eh. Napailing-iling na lang ako.



*******

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

The Curse Of The Sword (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon