Chapter 52

2.6K 99 3
                                    

Third Person's POV:

WALA sa kasalukuyang nagaganap ang isipan ni Diancie, ni hindi niya namalayan ang pagdating nila sa bulwagan at hindi rin niya pansin ang animo'y mga bubuyog na bulungan ng mga bisitang naroroon. Sa mga sandaling iyon, nasakop ang isipan niya ng palaisipan tungkol sa nagpakilala sa kanyang butler. Hindi niya mawari kung ano ang motibo nito at ang mas lalong nagpagulo sa kanya ay ang pamilyar nitong aura.

"Princess..."

"Hey, baby..."

"Are you okay, princess?"

Napakurap-kurap ng mga mata si Diancie nang maramdaman niya ang dalawang kamay na nakahawak at yumuyugyog aa magkabila niyang balikat. "H-huh?"

"You're spacing out, brat. Are you sure you're alright? Kanina ka pa ganyan..." pansin sa kanya ni Riolo habang nakakunot ang noo.

Mabilis naman siyang tumango nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. "Yeah, of course... I'm fine..."

"Sigurado ka, baby?"

Nilingon ni Diancie ang ina at nang makita ang mukha nitong may bakas ng pag-aalala, kaagad niyang ginawaran ito ng isang simpleng ngiti, convincing her how fine she was and there's nothing to worry about.

"Mabuti naman kung ganoon." ani ng ama niyang parang napanatag na rin.

Diancie smiled again at them kapagkuwan ay saka lamang niya pinalibot ang paningin sa kabuuan ng bulwagan habang pinipilit binabalewala sa isipan ang nangyari sa silid niya. Doon lamang niya napagtanto kung gaano karami ang mga bisitang naroroon. At kung pagbabasehan ang mga magagara nitong mga kasuotan, tiyak siyang mga mahaharlika ang karamihan sa naroon.

Napalingon siya sa ina niya na may pagtatanong.

"What?" natatawa nitong tanong nang mapansin ang tingin niya rito.

"Did you actually invites all the royalties in Nimbasa?"

Her mother showed her sweetest smile before she answer her, "Oh dear, not only in Nimbasa, but all over the Lumiose World."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig, "Are you kidding me?"

"Why would I, baby?" her mother replied still wearing her smile. "They must know the heirs of Swordaile Kingdom." she added.

Lihim na lamang siyang napailing-iling sa tinuran nito saka nilingon ang kapatid na tanging kibit-balikat lamang ang naging reaksyon.

Dahil sa nalamang  hindi lamang ang taga-Nimbasa ang naroon ay muling nilibot ni Diancie ang paningin sa kabuuan ng bulwagan. Hoping that she might see some people she knew at hindi nga siya nagkamali, dahil nang magawi ang mga mata niya sa isang dako ng bulwagan, hindi kalayuan sa kinaroroonan nila, nakita niya ang mga taong nakasama niya sa iisang bubong sa loob ng ilang buwan.

"Fhinhiex..." bulong niya sa hangin habang pinapasadahan ng tingin isa-isa ang mga nakaupo sa lamesang iyon.

"Miss them?"

Bahagyang nilingon ni Diancie si Riolo na hindi niya namalayang tumabi sa kanya. Hindi niya ito sinagot at pinagpatuloy lang ang pagtanaw sa mga Santalunian' minsan na ring naging bahagi ng buhay niya. She wonder kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nakita siya ng mga ito. Will they hate her? For keeping her true identity from them and pretending like a commoner? Or did they even care? She sighed.

Nang magsawa ang mga mata ay ibinaling ni Diancie ang paningin kay Orye na patuloy pa ring nagsasalita at naghihintay ng tamang tiyempo para tawagin sila. As she listened to him, Diancie can't help but to think some possible reaction from those royalties once they come to know them, especially her. Kaya naman ay inihanda na rin niya ang sarili sa kung anuman ang maaani niya sa mga sandaling iyon.

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now