Chapter 32

3.1K 91 0
                                    

Diancie's POV:

Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang biglang umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Orion. What's with those note, anyway? May kinalaman kaya siya roon? O... Siya mismo ang may kagagawan niyon.

Those gigantic wild vines na umatake sa Academy noon... Siya ba ang nasa likod niyon? If so, why? Bakit niya ginawa ang bagay na iyon? Too scared me? Oh c'mon...

He knew me too well kaya alam kong alam niyang hindi ang ganoong bagay ang nagpapagulantang sa akin. I sighed at tinanaw ang training area mula rito sa kinauupuan kong sanga ng isang malaking punong-kahoy at tiningnan kung dumating na ba ang mga ka-level ko. Muli akong napabuntong hininga nang makitang wala pang katao-tao roon.

Tiningala ko ang maaliwalas na kalangitan at ang papasikat pa lamang na araw. By looking at it, naisip ko na masyado na akong tumatagal sa kontinenting ito. I missed my place, already. But I can't do anything but to wait until I can able to summon my sword.

The question is... when? Hanggang kailan ako maghihintay? I really have to make a move now, lalo na't nandito rin si Orion at bago pa ito makagawa ng kalokohan na maaaring ikapahamak ko sa kontinenting ito. I sighed frustratedly.

Things are getting worst. At mas lalo pa itong lalala kung may makakaalam na kahit isang Santulunian sa pagiging Swordailes ko.

Muli akong napapikit at nagpalabas ng bolang apoy sa palad ko. Pinaglalaruan ko ito habang nakapikit kaya nang may biglang tumili ay nagulat ako at hindi sinasadyang maibato ko sa kung saan ang bolang apoy sa kamay ko!

"Kyaahhh!"

Napadilat ako ng mga mata at mabilis na tiningnan ang pinanggalingan ng sigaw. And there, all of my co-fhinhiex level are greeted me with their shocked faces while one of them are busy jumping her ass off in the ground while shrieking. As if naman, mamamatay ang apoy na sumusunog sa cloak niya sa pamamagitan ng pagtatalon at pagtitili. Tss! At saka ang liit lang ng apoy kung makatili naman ito.

"Oh my gosh! It's hot! Help me!"

Automatic na napaiwas ako nang tingin nang makita ko si Alain na lumapit sa babae at siyang pumatay ng apoy. Napahawak ako sa dibdib ko when I felt a pang of pain inside there. What was that for? I heaved a sighed.

"Where the hell is that woman?!"

Muli akong napatingin sa kanila sa narinig. Ang babaeng natamaan ko ng fire ball ang galit na nagtanong habang palinga-linga ito sa paligid and I guess, ako ang hinahanap.

She looks familiar. Hindi ako kumilos mula sa pagkakaupo at matamang tinitigan ang mukha ng babae habang ang utak ko ay abala sa pag-aalala kung saan ko nga ba ito nakita, pati na ang tatlo pang nakadikit dito.

Nang mahagilap na sila ng utak ko sa kasulok-sulukang bahagi ng memorya ko ay hindi ko mapigilang mapaismid. Sila iyong mga babaeng humarang sa akin sa gubat sa likod ng Academy noong quarterly levelling up. Mukhang nag-level up nga sila. Tsk!

"Come out bitch and stop hiding, you coward!" sigaw nitong muli na nagpaangat ng isang sulok ng labi ko.

A coward huh...

Akmang tatalon na sana ako pero bigla akong natigilan nang makarinig ako ng isang malakas na pagaspas ng mga pakpak. Napakunot ang noo ko ng makita ang paglapag ng isang charizard sa mismong harap nila Vionna. Mas lalo pang lumalim ang gitla ng noo ko nang makita ko kung sino o tamang sabihin ay ano ang nasa likuran nito na mabilis ding bumaba pagkalapag na pagkalapag ng charizard. It's not the same charizard na nagdala sa akin sa charicific valley, I know it's different and I wonder what is it doing here... at bakit kasama nito ang Dwebble na iyon?

"You're here..."

Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Lalong napakunot ang noo ko nang makita si Riolo'ng diretsyong lumapit sa dalawang kadarating na mga nilalang na para bang ini-expect na talaga niya ang pagdating ng mga ito.

"Just on time..." dagdag pa niya as he patted the charizard's head, kapagkuwan ay humarap siya sa mga ka-level ko at muling nagsalita. "Today's training will be in the air. You have to know how to make a wings through your noryokō, just like what Diancie did in the levelling up battle. It can help you a lot in times of trouble, that's why, I asked a favor from this creatures in front of you to help me." paliwanag niya at nang tumingin siya sa gawi ko at tawagin ang pangalan ko ay hindi ko na ako nagulat. I knew that he can sense my presence.

"Come out now, Diancie... I also need your help." turan niya sa boses na sapat lang para umabot sa kinaroroonan ko na kahit ibulong niya lang ay maririnig ko pa rin.

Napabuntong hininga na lang ako kapagkuwan ay tumalon pababa mula sa sangang kinauupuan ko. Nakikinita ko na ang gustong mangyari ni Riolo and I honestly don't like the idea but I have no choice. I have to deal with it since ilang araw na rin akong hindi uma-attend ng klase na kung tutuusin ay hindi ko naman talaga kailangan. I sighed.

Tahimik akong lumapit sa kanila habang matamang tinitigan ang Dwebble na nakatingin din sa akin. It's eyes are sending something to me, it looks like, it wants to take me somewhere, again.

"Diancie..."

From the Dwebble, my eyes diverted to Riolo. Doon ko lang napansin na lahat sila ay nakatingin na pala sa akin. "What?" I asked him.

"You seems mentally absence," Riolo commented.

"Pardon... I'm just wondering abou--"

"About this Dwebble?"

"Yeah... but nevermind." turan ko sabay harap sa mga ka-level ko. Some of them are new to my sight, while the other are a total pain in the ass. Muli ko na lang na ibinalik kay Riolo ang paningin ko and as soon as our eyes met, he has this knowing look and I can't help but to divert my gaze to some thing. I sighed mentally. It's really getting worst.

Riolo cleared his throat bago niya binasag ang namumuong katahimikan. "Katulad ng sinabi ko. Pag-aaralan natin ngayon kung paano kayo makakalipad gamit ang mga kanya-kanya ninyong kakayahan. Since Diancie knew already how to do it, kaming dalawa ang tutulong sa inyo kung paano ito gagawin."

"Ibig niyo pong sabihin, Sensei... nagawa niyo na pong gamitin ang noryokō ninyo sa paglipad?" Toshiko asked.

"Yes. And I will tell you, it's fun floating in the air." kaagad niyang tugon dito. "So... shall we start our training for today?"

"Hai!" sabay-sabay nilang sagot samantalang ako ay tahimik lang na nakamasid sa kanila.

*******

-typos&errors

FAIRY SYLVEON



The Curse Of The Sword (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon