Chapter 41

2.7K 93 1
                                    


Diancie's POV:

Sabay kaming napatakip ng mga mata ni Falia nang sa paglapit namin sa Clarian tree ay biglang lumiwanag ang espadang nakatarak dito. Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon nang sa wakas ay humupa rin ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa espada.

Napatitig ako sa kumikinang na espada ng ilang sandali, matapos mawala ang liwanag na biglang bumalot dito, napatitig ako rito hindi dahil sa taglay nitong ganda kundi dahil sa kakaibang pintig ng puso ko habang nakatingin rito.

"May kakaiba at parang may mali." naisip ko habang nasa espada pa rin ang aking mga mata.

Ilang sandali pa ay napabaling ako kay Falia nang mapansin ang pabaling-baling nitong tingin sa espada at sa akin.

"It could be right, right?" rinig kong bulong nito.

"You're saying something?" tanong ko pa rin dito kahit na narinig ko naman ang binulong nito.

"Am, Diancie... Can you touch the sword for me?" pakiusap nito at pinansin ang nauna kong tanong na nagpakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"I just wanna clarify some thing."

"Clarify wha-"

"Please..." putol nito, "nothing will happen to you if ever my prediction was wrong, I swear." dagdag pa nito kasabay nang pagtaas nito ng kanyang kanang kamay, a gesture of saying promise.

Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na nagtanong pa. Dahan-dahan akong lumapit sa puno habang pilit na pinapakalma ang papalakas na papalakas ding kabog ng puso ko. I took a deep breathe and close my eyes, while continuing my paces towards the tree.

Ga-metro ang layo ko sa naturang puno nang bigla akong mapadilat ng mga mata nang bigla itong lumiwanag muli na siyang nagpahinto sa akin.

"Just keep on going, Diancie!" I heard Falia commanded, so I did.

Muli kong inihakbang ang mga paa ko, kasabay naman niyon ang lalong pagtingkad ng liwanag na nagmumula sa espada. Nang tuluyan na akong makalapit dito ay ganoon na lamang ang pagkagulantang ko sa sunod na nangyari!

Then, a moment later, everything went black.

Vionna's POV:

Bigla akong napabalikwas ng bangon nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa baba. Nilingon ko ang kama ni Misty para sana tanungin ito kung ano ang nangyayari ngunit wala na siya roon, kaya naman ay napagpasyahan ko na lang na bumangon at alamin sa sarili ko kung ano ang nangyayari sa baba. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang sarili ko sa salamin at dali-dali akong bumaba ng kama saka lumabas ng kwarto namin ni Misty.

Pagkababa ko ng hagdan ay nadatnan ko sila Cressol kasama ang iba pa na nagkukumpulan sa bungad ng pintuan ng kusina na siyang ikunakunot ng noo ko.

"Anong nangyayari?" hindi ko mapigilang itanong.

"Sumabog ang niluluto ng isang nagmamagaling."

Napalingon ako sa sumagot sa tanong ko. It's Cilan na walang ka-emo-emosyon ang mukha at deritso sa pag-akyat ng hagdan. Pagkalagpas nito sa akin ay muli akong napalingon kina Cressol na ngayon ay nagkanya-kanya na nang upo sa couch na nasa sala.

"Anong ibig sabihin no'n?" naguguluhan kong bulong sa sarili habang maiiksi ang hakbang ko na lumapit sa iba sa sala. Nakakapagtaka rin  kasi na parang mainit ang ulo ni Cilan, gayong ang aga-aga pa.

"Pinasabog ulit ni Alfhea ang kusina kaya nagkagano'n."

Napatingin ako kay Misty sa tinuran nito. At ano raw? Na naman? Now, it made sense. No wonder kung bakit ganoon na lamang ang itsura ni Cilan. Teritoryo niya ang sinira. Muli. Napabuntong hininga na lamang ako.

"So--" nabitin sa dulo ng dila ko ang sasabihin ko sana nang mapansin ko si Alfhea'ng lumabas ng kusina. May bahid pa ng mga mantsa ng pagkain ang damit nito. Nagpapatunay na may nangyari nga sa kusina.

I sighed again.

"Sorry guys, I didn't meant to--"

"Kay Cilan ka mag-sorry, 'wag sa amin. Pagmamay-ari niya ang sinira mo. Ulit." putol dito ni Misty sabay tayo sa pagkakaupo sa pang-isahang couch at labas ng dorm.

Nang tuluyan nang makaalis si Misty, muli akong bumaling kay Alfhea na nakayuko na habang pinaglalaruan ang mga daliri. Napailing-iling na lang ako sa nakikita. I decided to go back upstairs and change my clothes bago sumunod kay Misty.

Habang nagbibihis ay hindi ko mapigilang sariwain ang nangyari sa amin noong pinapunta kami sa Centerya upang hanapin ang sword of justice, tatlong buwan na ang lumipas.

NAGISING ako noon na parang may kung anong kakaibang enerhiya na bumabalot sa buong katawan ko na siyang tumutulong upang maibalik ang nawala kong lakas gawa ng mga nilalang na tinawag ni Diancie na lided. Ang sarap sa pakiramdam ng enerhiyang iyon, gayunpaman ay labis ang pagtataka ko kung saan iyon nagmula o sino ang may gawa, ngunit bigla ring nasagot ang mga katanungang namumuo sa isipan ko nang i-kwento nina Misty ang nangyari.

Itinileport daw kami ni Alain patungo sa isang ligtas na lugar at sakto namang doon kami nakarating sa lugar kung saan nakatira si Alfhea.

Nagpakilala siya sa amin bilang anak ng tagapangalaga ng sunfire tree, na siyang hinahanap namin sa mga sandaling iyon. Nakilala rin namin ang mga magulang na tinutukoy nito.

Ganoon din ang ginawa namin sa mga ito. We introduced ourselves pero hindi namin sinabi sa kanila ang dahilan kung bakit kami napunta sa lugar nila.

Doon kami nagpalipas ng gabi sa lugar nila. Nagkwentuhan, nagpahinga. Kinabukasan ay sabay-sabay kaming gumayak at nagpaalam sa mag-asawa, ganoon din kay Alfhea na noon ay nag-i-ensayo.

Noong una ay wala lang sa amin ang mga ginagawa niyang pagpapalabas ng kanyang noryukō na hangin, nakatanaw lang kami sa kanya habang kinakausap ang mga magulang niya, hanggang sa ilabas niya ang sandata niya na siyang labis naming ikinagulantang!

Her weapon is no ordinary. It's a freaking sword! And it's no other than the sword of justice that we're looking for!

When Alain saw Alfhea's weapon, he approached her immediately and declared that she must come with us at Shalour Academy without further ado.

Sa idiniklara nito ay hindi ko mapigilang hindi mabahala sa maaaring sabihin ng mga magulang ni Alfhea, siguradong magtatanong ang mga ito kung bakit, ngunit laking gulat ko na lamang nang kaagad ang mga itong pumayag nang walang tanung-tanong.

Kahit nagtataka ay hindi na ako nagtanong pa. Sa sandali ring iyon ay bumalik kami ng Academy, habang ako ay tahimik lamang sa buong oras ng paglalakbay namin dahil sa isiping hindi namin kasama si Diancie, na bigla na lamang nawala sa kalagitnaan ng krisis.

"HEY! Vionna, earth 'to uy..."

I came back to my reverie when Misty snapped me out. Ganoon na lamang ang pagtaas ng kilay ko nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. "Earth? Kailan pa naging earth ang Santalune?" hindi ko mapigilang anas.

"Hindi ba kabilang sa Earth ang Santalune?" balik tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako kapagkuwan ay tumayo na mula sa pagkakaupo sa couch. Wala akong mapapala sa pakikipag-usap kay Misty, mabuti pang lumabas na muna't lumanghap ng sariwang hangin.

******

F. Sylveon

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now