Chapter 45

2.8K 88 3
                                    

Cilan's POV:

Kasabay ng paglaho ni Dark Sanpei ay ang paglaho rin ng mga dark creature. Kaya naman ay biglaan din ang pagtahimik ng paligid. Wala na ang maya't mayang sigawan ng mga estudyante at pagsabog. Ngunit hindi roon lubusang natuon ang atensyon ko kundi sa babaeng nasa harapan ko na walang kahit na anong emosyong nakarehistro sa mukha. Diancie...

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kani-kanina lamang. Pilitin ko man ang sarili ko na isiping nagmamalik-mata lamang ako ngunit sinong niloloko ko? Walang duda na hawak nga kanina ni Diancie ang sword of justice at ginamit laban kay Sanpei ng Reshiram.

Ngayon ang gumugulo sa isipan ko ay paanong nangyaring hawak ni Diancie ang isa sa mga legendary sword?

"Let your thoughts out, Cilan..."

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ko nang biglang magsalita si Diancie. Magkasabay kami ngayong naglalakad papuntang president heya kung saan natitiyak kong nandoon ang mga royalty nagtitipun-tipon matapos ang nangyari biglaang pagsalakay muli ng mga Reshinian.

I took a deep breathe bago nilingon si Diancie, kasabay niyon ang paglabas ng isang kataga sa mga labi ko na puno ng kuryusidad, "How..?"

Bahagya lang niya akong nilingon at kaagad na ibinalik sa unahan ang paningin niya bago magsalita, "May mga bagay na hindi mo na dapat alamin pa kung paano nangyari, dahil kung nakatakda itong ipaalam sa iyo, malalaman at malalaman mo rin ito sa itinakdang panahon."

Kumunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. Masyado itong malaman, gayunpaman ay hindi na ako nagpumilit mag-usisa pa, halata naman kasi na ayaw niyang sabihin sa akin kung paanong napunta sa kanya ang sword of justice, gayung isa siyang Santalunian.

On second thought, isa ring Santalunian si Alain pero may hawak din siyang espada, hindi nga lang isang legendary.

"Where have you been, Diancie? Bigla ka na lang nawala sa kalagitnaan ng misyon natin," pag-iiba ko ng usapan. "Tapos ngayon babalik ka na hawak ang espada na siyang misyon nating makuha noon..." dagdag ko pa.

"Hindi ko kagustuhan ang nangyari, Cilan. Things just happened and I have no other choice but to go along with it." anito.

Napatitig na lamang ako sa likod ni Diancie nang bilisan niya ang paghakbang niya dahilan para mauna siya sa akin. I sighed again at binilisan na rin ang paglalakad.

On the way to the president heya, kapansin-pansin ang pagiging abala ng mga Santalunian sa pag-aayos ng mga nasirang parte ng akademya at ang pagsisibalikan ng mga ilang mga estudyanteng hindi makakatulong sa pag-aayos sa kanya-kanyang mga dorm. Tanda na ikinansela ng president ang mga klase.

Wala sa sariling napatingala ako sa kalangitan, bumalik na rin ang pagiging maaliwalas nito, hindi katulad kanina na nababalot ng hindi kaaya-ayang enerhiya. Now, I wonder... What will happen next? Alam na kaya ng iba na isang peke si Alfhea? I sighed again.

Diancie's POV:

Umuna ako ng ilang hakbang sa paglalakad kay Cilan patungong president heya, hindi dahil nagmamadali ako kundi upang makaiwas sa iba pa nitong maaaring itanong sa kanya.

Wala siyang planong magpa-interview dito o kahit kanino man, wala siyang balak magkwento kung anong nangyari sa kanya nang mawala siya at kung saan siya napunta. What happened to her with Falia in their land will remain untold unless Falia will spill the beans.

Pagdating sa president heya ay kaagad naming nakuha ang atensyon ng mga tao sa loob na sa tingin ko'y nasa kalagitnaan ng diskusyon.

Biglang timahimik at bumakas ang pagkagulat sa mga mukha nila nang makita ako pero kaagad din iyong nawala at napalitan ng blankong tingin na para bang hindi nila nagustuhan ang pagkakita sa akin, maliban kay President Jeoldeon na walang pinagbago sa ekspresyon ng mukha-- his neutral expression.

"Diancie..." the president broke the silence.

Mabilis akong bumaling sa gabi niya, wearing no expression in my face too.

"You're back..." dagdag pa nito.

"Obviously." I replied, boredness is visible in my tone.

"Yeah.. Safe and sound. Tell me what happened."

I shrugged my shoulder, "Nothing interesting, just pure shits," I replied shortly, not planning to spell any words.

"Kung ganoon, bakit ngayon ka lang muling nagpakita?"

Mabilis akong napaling sa sumabat, it was Klinton with his irritated face ngunit hindi ang sinabi nito o ang iritasyong pinapakita nito ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang katabi nitong babae. I know that face. She's a--

SWORDAILE KINGDOM

Mehei's POV:

NAPABALIKWAS ako ng bangon nang hindi kaaya-ayang panaginip ang gumambala sa pagtulog ko.

"Diancie..." bulong ko sa pangalan ng anak ko.

"You're awake..."

Kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ang may-ari niyon, "Intei!"

Isang matamis na ngiti ang tinugon nito sa akin habang humahakbang papalapit sa kamang kinauupuan ko. "Kumusta ang mahal kong reyna?"

"Nagbalik ka na... Ibig bang sabihin ay--" bigla akong napasinghap ng isang reyalisasyon ang nabuo sa aking isipan.

"Oo, aking reyna. Nagawa nang ipalabas ng ating prinsesa ang kanyang espada." pagtatapos nito sa sasabihin ko.

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi, sa sobrang kasiyahan ay hindi ko mapigilang yakapin ng mahigpit ang aking asawa na hari. "Ibig sabihin ay makakabalik na siya sa atin at maipapakilala bilang anak natin?"

"Ganoon na nga mahal ko." tugon nito habang mahigpit din na gumanti ng yapos sa akin.

"Hindi na ako makapaghintay na muli silang makasama. Sa wakas, makakasama na rin natin silang muli nang wala ng pagtatago." kumalas ako mula sa pagkakayakap sa asawa ko at tumungo sa bintana ng aming silid kung saan tanaw ang buong kaharian ng Swordaile.

"Ako man ay nananabik din na muling mayakap ang mga anak natin, mahal ko. Kaya nga kaagad na akong nagpasadya ng kawal sa Santalune upang sunduin sila." pahayag nito na mas lalo kong ikinatuwa.

Naramdaman ko ang pagsunod ni Intei sa akin, maya-maya pa'y pumalibot sa beywang ko ang makisig nitong mga braso. Kaagad ko namang inihilig dito ang katawan ko na mas lalo pang ikinahigpit ng pagkakayapos nito sa akin.

"Ano kaya ang espada ng prinsesa natin?" puno ng kuryusidad kong anas.

"Malalaman natin sa pagdating nila, mahal ko."

Santalune Kingdom

Shalour Academy

Diancie's POV:

"ANONG ginagawa niya rito?" I asked mentally. "Anong ginagawa ng isang Reshinian sa akademyang ito?"

"Cat got your tongue?" muli akong napabaling kay Klinton nang muli siyang magsalita, sasagutin ko na sana siya nang mabitin sa dulo ng dila ko ang mga katagang bibigkasin ko nang biglang bumukas ang pintuan ng president heya at iniluwa niyon ang hindi inaasahang panauhin.


****

F. Sylveon

The Curse Of The Sword (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon