Chapter 29

3.1K 117 3
                                    


Vionna's POV:

Pagtapos sabihin ni Sensei Riolo ang ilang mga paalala sa mga newbies ay hinayaan na niya kaming magpunta sa dorm namin. Kasama ang mga newbie na bitbit ang kanya-kanyang mga gamit ay tahimik namin itong tinungo.

Pagdating ay bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalinlangang pumasok maliban sa isa sa kanila na walang ibang makikita sa mukha nito kundi saya. Honestly, hindi ko gusto ang presensya ng babaeng ito. Kanina ko pa kasi napapansin ang ginagawa nitong pagpapasimple kay Alain na mukhang hindi naman napapansin ng huli. Napabunting hininga na lamang ako.

"Upo muna kayo para mapag-usapan natin ang set up ng magiging room ninyo rito." turan sa kanila ni Misty.

Kaagad namang tumalima ang apat na babaeng mukhang magkakaibigan at sinakop ang dalawang pangtatluhang couch. I don't know their name and again, I honestly don't care. Masama mang sabihin, but I really don't like the four of them around. Napabuntong hininga na lang akong muli ay binalingan ang lima pang nakatayo.

"Pwede rin kayong umupo." pahayag ko sa kanila.

Bahagyang ngumiti ang babaeng bakas sa mukha ang pag-aalinlangan. "Ayos na ako rito." she said at hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghigpit ng hawak niya sa handle ng maleta niya. She looked tensed.

"How about you?" baling ko sa apat na lalaki pero tanging kibit balikat lang ang itinugon nila.

Kaya naman ay nilingon ko na lang sina Cilan, only to find out na nagsisiakyatan na sila sa taas. "And where do you guys think are going?" tanong ko na ikinatigil nila sa paghakbang sa hagdan.

"Aayusin ang magiging bagong kwarto namin." sagot ni Toshiko.

"How about them?"

"Kaya niyo na iyan ni Misty." sagot naman ni Klinton while the rest of them ay nagpatuloy lang sa pag-akyat. I heaved a sighed once again.

Hinarap ko na lang muli ang mga newbies at nagsalita. "Hindi na ako magpapaligoy pa. Since marami-rami na tayo rito, hindi na makakapagtaka kung kukulangin tayo ng silid kaya napagpasyahan namin na mag-share. It means, sa isang silid, dalawa ang mag-ookupa. We have here four vacant room, kaya kayo na ang bahala kung ano ang magiging set up ng pairing ninyo." deri-deritso kung turan sa kanila.

"Brack and I can share a room." mabilis na turan ng isang lalaki. Siguro ay napansin niya ang pagkunot ng noo ko kaya muli siyang nagsalita. "I'm Trep by the way, and this is Brack I'm pertaining to." sabay siko niya sa katabing lalaki. Napatango ako at sumunod namang nagsalita ang apat na babaeng nakaupo sa couch. Nakapairing na rin sila kaya napunta sa dalawang lalaking walang imik na parehong nakasandal sa gilid ng pinto ang mga mata ko.

"So, I guess... Kayong dalawa ang magsi-share ng room." kuha ko sa atensyon nila. Nagkatinginan silang dalawa sabay kibit balikat. "So, it settled th--"

"Am..."

Natigilan ako at biglang napalingon sa babaeng nakatayo. Oh hell! I forgot that they are nine of them.

"Am... I can--"

"Pwede ka naman sigurong maki-share ng room kay Diancie. I'm sure, she won't mind." putol ni Misty sa sasabihin babae. "What's your name, anyway?

"H-hartley..." she replied shortly.

"Ayos na ba ang tungkol sa pagsi-share ng room? Wala namang problema roon, di ba?" panlilinaw ko sa kanila.

They just shrugged again maliban kay Hartley na nakayuko lang at parang may iniisip.

"Let go to your rooms then." Misty exclaimed sabay akyat nito sa hagdan kaya kanya-kanya na rin silang nagsisunudan dito habang bitbit ang mga gamit nila.

Hartley's POV:

Gamit ang isang duplicate key, pinasok ko ang kwartong itinuro sa akin ni Misty ay isang kakaibang amoy ang kaagad na sumalubong sa akin. Napapikit ako saka linanghap ang amoy na iyon na para bang pinapagaan nito ang bigat na nararamdaman ko.

Pagmulat ko ng mga mata ay iginala ko sa kabuuan ng silid ang mga mata ko. Napakaayos ng mga gamit na para bang walang gumagamit dito, maging ang kama ay walang anumang bakas na may humiga roon noong nagdaang gabi. Napakaaliwalas din ng aura na talagang mapapatanag ang kung sinumang papasok dito.

Nang makita ko sa isang tabi ang ilan sa mga gamit ni Diancie na maayos na nakatabi ay napaisip ako... Naaalala niya pa kaya ako? Kami? I wonder...

Ilang sandali pa akong nakatayo lang sa bukana ng pinto at walang sawang pinagmamasdan ang kabuuan ng silid nang bigla akong napakislot nang may isang kamay ang dumantay sa balikat ko.

"Tulala ka na naman."

Nilingon ko si Brack na siyang umakbay sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya. "Mukhang wala nga siya rito." anito habang nililibot ang mga mata sa loob ng silid.

"Hindi pa ba obvious?" anas ko sabay alis ng braso niya sa balikat ko. "Doon ka na nga, mag-aayos pa ako."

"Sigurado kang makakapag-ayos ka? Baka mamaya tulala ka na naman diyan."

"Di kaya."

Tinaasan niya lang ako nang kilay na siyang ikinasingkit ng mga mata ko. Magri-react na sana ako nang bigla kaming tinawag ni Misty.

Kaya naman ay inirapan ko na lang si Brack at nauna na ritong bumaba sa sala. Ramdam ko naman ang tahimik na pagsunod niya sa akin.

Nang makita kami ni Misty ay kaagad niya kaming inaya sa komedor upang sabay-sabay na kakain nang maagang hapunan dahil tinupak daw si Cilan na magluto.

Nagkatinginan kami ni Brack at akma na sanang susunod kay Misty na nauna na sa kusina nang matigilan kami dahil sa biglang pumasok.

Diancie...

Diancie's POV:

Kumunot ang noo ko nang dalhin kami ng Onix sa itaas ng isang burol.

"Anong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong sa Onix kasabay nang pagbaba niya sa amin ng Dwebble.

"Ito ang tamang lugar para sabihin ko sa iyo ang nabanggit ko kanina."

"Ano nga ba iyon?" puno ng kuryusidad na tanong niyang muli rito.

"Alam mo ba ang tungkol sa mga maalamat na espada?" balik tanong nito sa akin.

"Of course. Who haven't?" kaagad kong sagot. "The powerful swords that only Swordailes can able to summon." dagdag pa niya.

"No. Not just Swordailes."

"What do you actually mean by that?" I asked confusedly.

"Oo, tanging Swordailes lang ang kayang mag-summon ng espada, pero hindi lang sila ang may kakayahang gumamit nito."

Napalingon ako kay Dwebble nang sumabat siya. "May ilan ding mga Santalunian ang may kakayahang gumamit ng espada, ang pinagkaiba lang dito ay sa lagay ng Santalunian, hindi nila ito maii-summon ng kuha kung hindi sila pipiliin ng nasabing espada." dagdag pa nito na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

Napailing-iling ako. "I don't get it, really..." turan ko sa kanila.

Kita ko ang pagbuga ng hangin ng Onix sa tinuran ko. "Hindi ka namin pipiliting maintindihan ang tungkol sa mga bagay na ito... sa ngayon. Pero pagdating ng araw ay kailangang mong maintindihan ang lahat ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating mundong ginagalawan..." pahayag nito. "Lalo na't ramdam ko na kakaiba ka sa lahat..."

"Ano--"

"It's getting dark in here, younglady. You need to get home." putol ng Dwebble sa akin kasabay nang pagkumpas ng isa niyang galamay na bahagya kong ikinapikit.

********

-typos&errors

Onix and Webble in the multimedia 👆

FAIRY SYLVEON

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now