Chapter 46

3K 104 8
                                    

Chapter 46:

Diancie's POV:

LAHAT ng mga mata nila ay natuon sa pintuan kung saan pumasok ang hindi inaasahang panauhin. Sa gulat ay hindi ko napigilang mapatayo mula sa pagkakaupo ko at bakas sa mukha ang pagkagulat.

"Captain Ru!" sambit ko sa pangalan ng bagong dating.

"Captain Ru?" halos sabay-sabay na ulit ng mga kasama ko sa loob ng president heya sa tinawag ko sa bagong dating, samantalang isang magiliw na ngiti naman ang itinugon sa akin ng nagmamay-ari ng pangalan bago magalang na yumukod sa akin pagkalapit.

"Ikinagagalak ko ang muli kang makita mahal na prinsesa at nasa maayos na kalagayan." bati nito sa akin na siyang ikinagulat ng mga kasama ko sa loob ng kwartong iyon maliban kay President Jeoldeon na kahit hindi man nito sabihin, alam kong alam nito kung sino siya.

"P-prinsesa?" bakas pa rin ng pagkagulat na anas ni Vionna habang nakatingin sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako. Imbes na magpaliwanag kina Vionna, mas pinili kong harapin si Captain Ru, ang pinuno ng mga kawal ng Swordaile at tinanong kung bakit ito naparito.

"The Lord ordered me to fetch you, my highness." magalang nitong sagot na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Why?" tanong ko, "I mean, hindi sa ayokong umuwi b-but why all of a sudden?" I asked curiously.

"I'm sorry, my highness. I'm afraid I can't give you the answer to your question. The Lord just ordered me without any explanation why and asking the Lord's reason is out of my limit."

I sighed at hindi na nagtanong pa. Hinarap ko si President Jeoldeon at akma na sanang magsasalita nang inunahan ako nito.

"You can go now, Diancie. It seems like an emergency to me."

Sa narinig ay hindi na ako nagsalita pa. Tumango lamang ako bago muling hinarap si Captain Ru at tinanguan din ito, kapagkuwan ay tinungo ko na ang pintuan nang hindi tinatapunan ng kahit isang sulyap ang mga kapwa ko fhinhiex na noon ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Bago pa ako tuluyang makalabas ng president heya, rinig ko ang pagpapaalam at pagpapasalamat ni Captain Ru kay President Jeoldeon na kaagad namang tinugon ng huli, pagkatapos ay saka ko lamang naramdaman ang pagsunod sa akin ni Captain Ru.

"Where are they, Captain?" tanong ko rito, pertaining to my parents nang hindi ito nililingon.

"They are at the kingdom, my highness.. waiting for your arrival."

"I wonder what's going on?"

"Don't worry, my highness. Whatever it is, I'm sure, it is not bad." he answered.

"I hope so." I muttered.

Vionna's POV:

"Just like.. what happened?" nalilitong tanong ni Cilan nang tuluyan ng makalabas ng heya sina Diancie.

"Diancie is a princess? In what kingdom?" dagdag na tanong ni Cressol.

Lahat kami ay natuon ang mga mata kay President Jeoldeon, naghihintay ng sagot sa mga katanungan namin. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nito bago nagsalita.

"Yes, Diancie is indeed a princess." kumpirma nito sa amin, "In what kingdom? Iyon ang hindi ko pa maaaring sabihin sa inyo."

"But why not?" nakakunot ang noo kong tanong.

"Because her identity is a secret until now. Even the people on her own kingdom does not have any idea on her existence. Only a few and trusted people in her kingdom knew on her existence."

The Curse Of The Sword (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora