Chapter 33

3K 101 2
                                    

Diancie's POV:

"Now, focus your energy to the center of your back." turan ni Riolo habang pinapakita sa mga ka-level ko kung paano iyon gagawin.

They are busy mastering how to make a wings through their noryukō, samantalang ako ay tahimik lang na nakamasid sa kanila rito sa isang tabi.

Riolo wants me to help him pero hindi ko siya sinunod. Maliban kasi sa nabibwisit ako sa mga nakikita ko, talagang hindi ako mapakali rito sa kinatatayuan ko. My mind are far away to the place where it should be, its thinking about something I can't even figure out na nagpapairita sa akin.

Marahas akong bumuga ng hangin at wala sa sariling napatingala sa langit. Hindi gaanong masakit ang sikat ng araw ngayon, kaya nagagawa naming magtagal sa labas kahit na malapit ng sumapit ang katanghaliang tapat. Muli akong napabuntong hininga at nang muli akong napatingin sa mga ka-level ko na abala sa pag-eensayo, doon ko lang napagtanto na nakatingin na pala sa akin si Alain.

Pasimple akong umiwas ng tingin at nilapitan na lamang ang Dwebble na hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ito nandito, eh wala naman itong ginagawa dahil ang charizard lang naman ang tumutulong kay Riolo.

"I know it's you." wika ko pagkalapit ko rito sa mahinang boses, ingat na hindi ako maririnig ng kahit sino man sa mga ka-level ko maging si Riolo.

Lumingon naman sa akin ang Dwebble matapos akong marinig. "Glad you recognize me." it replied.

So, I was right. "What are you doing here?"

"Checking on you." maagap niyang tugon na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean?"

"They're coming... so soon. And you have to get ready." makahulugan nitong turan na mas lalo pang ikinalalim ng gitla sa noo ko. "Onix foresaw it... If it's possible and if you can do it... Don't let them have the legendary sword. Don't let them have a hold on the sword of justice." dagdag pa nito na mas lalong nagpagulo sa isipan ko.

"Ano ba--"

"Kyaahh!"

"Oh my God! Hartley!"

Hindi ko naipagpatuloy ang itatanong ko sana sa Dwebble nang matigilan ako sa biglang sumigaw. Nang lingunin ko ang pinanggalingan nito ay napagtanto ko kung kanino galing ang sigaw iyon.

Hindi magkandaugaga si Riolo sa pagpigil at pagpapakalma sa nagwawalang charizard sa ire na noon ay nasa likod nito si Hartley, mahigpit ang kapit para hindi mahulog habang panay naman ang pagbuga ng apoy ng charizard sa kung saan-saan. And if I'll going to calculate their distance from the ground, I can say that they're more or less thousand feet high.

Samantalang ang iba ko namang mga ka-level ay panay ang ilag sa mga apoy na bumubulusok sa mga gawi nila habang pinapatay ang mga ito para hindi makalikha ng sunog.

Napailing-iling ako. I don't know what's going on, gayunpaman ay hindi na ako nagtanong pa. Mabilis akong gumawa ng mga pakpak at lumipad palapit kina Riolo. Muli akong napailing-iling nang may makita akong daplis sa pisngi nito.

"Humihina ka yata, sensei..." puno ng sarkasmong komento ko na ikinalukot ng mukha niya.

"Tulungan mo kaya ako rito..." lukot ang mukhang anas niya.

Nagkibit balikat lang ako at lumapit kay Hartley na nakapikit na sa hirap at sa takot na rin siguro. Saglit akong natigilan nang hindi ko magawang makalapit sa kanya gawa nang pagwawala ng charizard.

"Bumitaw ka, Hartley." utos ko sa kanya na siyang nagpadilat ng mga mata niya, bakas dito ang takot, gayunpaman ay hindi na siya umimik pa at pikit-matang bumitiw mula sa pagkakakapit niya sa likod ng charizard.

Bago pa man siya bumagsak sa lupa ay mabilis ang mga kilos kung sinalo siya at ibinaba ng walang pinsala.

"You okay?" tanong ko sa kanya pagkasayad ng mga paa niya sa lupa. She took a deep breathe bago ako sinagot. "Yeah... Thank you." habol ang hiningang anas niya.

Hindi ko siya sinagot at binalingan na lang si Riolo. What's wrong with that charizard?

"What's going on in here?"

Mula sa pagkakatingala ay napabaling ako sa nagsalita.

"Sensei Lilith!" they approached her.

Hindi ako umimik at muli lang na tiningala ang charizard na patuloy pa rin sa pagwawala. "Something's not right..." bulong ko.

"Watch out!" sigaw ni Cressol nang magpakawala na naman ng malakas na apoy ang charizard.

Hindi ako kumilos nang mapansin ang maagap na paggawa ng shield ni Sensei Lilith.

"We should do something..." I heard Cilan said.

"Yeah, mukhang nahihirapan si Sensei Riolo sa pagpapakalma sa charizard. We should help him." Klinton seconded.

"But how?" tanong naman ni Vionna.

Sa mga naririnig ay muli akong napalingon sa gawi nila. Tahimik lang ang iba sa kanila samantalang ang iba naman ay abala sa pag-iisip ng paraan, specifically, Vionna, Misty, Alder, Cilan and Toshiko. Ang iba ay hindi ko alam kung ano ang mga iniisip, specially those four newbies na parang wala sa sarili.

Wala sa sarili? Napakunot ang noo ko sa naisip. Sa pagtataka ay lihim ko silang tinitigang mabuti gamit ang peripheral vision ko at hindi nga ako nagkamali! They are literally out of themselves!

Muli kong tiningala ang charizard at tiningnan ito sa mga mata. And guess I was right... These four are the one to blame. Now, what they are up to? Or maybe, somebody manipulating them... But the question is, who?

Napakunot ang noo ko. Sa dami nang pumapasok sa isipan ko ay hindi ko na alam kung alin doon ang uunahin ko. I heaved a sighed saka naglakad ng nakayuko patungo sa kinatatayuan ng apat na iyon.

Nang makalapit sa kanila ay sinadya kong bungguin ang isa sa kanila, the same girl na natamaan ko ng fire ball kanina. Hoping that my assumption was right.

Lihim akong napangisi nang marinig ang daing nito. Mukhang napalakas yata ang nagawa kong impact.

"What the hell is your problem bitch?!"

Hindi ko pinansin ang masakit sa tengang boses nito, bagkus ay tumingala ako at tiningnan ang nangyayari sa himpapawid. Ganoon na lamang ang pagsilay ng isang ngisi sa mga labi ko ng makitang kalmado na ang charizard.

I guess I was right. Ang apat ang may kagagawan niyon. They're using an invisible psybeam to made the charizard out of control and confusing it at the same time. The reasoned why its attacking randomly.

"You bitch, I'm talking to you!"

Bahagya akong napayuko nang may biglang tumama sa pisngi ko. Nang hipuin ko ang bahaging iyon, I can feel some sticky liquid there.

"Diancie!"

Pasimple akong umiling-iling kay Riolo nang mapansin itong mabilis na lalapit sana sa akin kapagkuwan ay hinarap ko ang babaeng may gawa ng sugat sa pisngi ko. Nanggagalaiti pa rin ito na para bang ang laki ng pinsala ang nagawa ko sa kanya.

"You must learn how to fight square and fair..." walang emosyon kung turan dito kasabay nang pagkumpas ko ng mga kamay sa ire at pagbigkas ng isang spell sa isipan ko dahilan para mapaluhod ito sa lupa.

"Ughh!" daing nito nang bumaon ang mga tuhod nito sa lupa. "What the--"

"Punishment." I muttered sabay talikod ko at nilisan ang training area without minding them, calling my name.


********

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now