PROLOGUE

627 15 0
                                    

Hanggang tanaw ka nalang ba? Hanggang kailan ka ba magtitiis sa ganito, Dylan?"

Nilingon niya ang nagsasalita. His bestfriend/ assistant/ manager/ adviser. Lahat na yata ng sekreto at success ng buhay niya ay ito ang nakakaalam at ito din ang gumagawa. Isa lang ang hindi nito naaayos. Ang sawi niyang puso...ang nabasag niyang puso dahil sa isang Maeghan Carlos.

"Hay! Jian. Ayos lang ako. Kontento na akong nakikita s'ya kahit sa malayo. Masaya na akong makita na successful s'ya sa career path na napili n'ya." Nginitian niya ng mapakla ang bestfriend niyang kasama n'yang nakatanaw sa isang book launching at booksigning sa kabilang banda lang ng kalsadang kinaroroonan ng kotse ko.

"Maeghan Carlos' Thoughts of the Brokenheart book launch" Ito ang nakasulat sa isang may kalakihang tarpauline sa labas ng isang cafe kung saan ginaganap ang book launching at book signing ni Maeghan Carlos. Si Maegan na ex niya. Si Maeghan na mas pinili ang career kaysa balikan siya.

"Wala s'yang career kung hindi dahil sa'yo. Ikaw ang..."

Ikinumpas niya ang kamay para pigilan ang pagdadaldal na naman ng bestfriend niya.

"Shhh! Enough, Jiana. Magaling s'yang writer. Hinding-hindi ako magdududa sa kakayahan n'ya kailanman. Gumawa lang ako ng paraan para mapansin s'ya sa larangang iyan." Pigil niya sa nakaamba na naman nitong pagtatalak. Siguradong mauungkat na naman ang mga bagay na hanggang ngayon ay lihim niya pa ring ginagawa para kay Maeghan.

"Hindi naman 'yon ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin ay kung ano ang nagagawa mo bilang isang composer para sa kanya."

Itinakip niya ang kamay niya sa mga tenga. Ayaw niyang marinig ang mga sinasabi nito.

"Blah! Blah! Blah! Wala akong naririnig, Jian. As i've said, okay na akong makita s'ya mula sa malayo. Kontento na akong maging bahagi ng past n'ya."

Napailing ito at tinitigan siya ng masama. "Pathetic! Idiot! Masochist!" Sigaw nito na ikinatawa niya.

"Tatawa ka nalang lagi ng ganyan! Kaya mas lalo kang nakakabwisit, Dylan! Bakit hindi ka maglakad palabas ng kotseng ito? Harapin mo siya at sabihing 'Hey! Meg, i'm still inlove with you. I still love you even if you left me hangging, broken and bleeding for your goddamn career!"

Palibhasa wala itong alam sa katarantaduhan na ginawa niya kay Maeghan kaya ganoon ito kagalit sa babaeng patuloy niyang minamahal ng palihim. He made a sacrifice na sa bandang huli ay siya lang din ang nasaktan at nagdusa.

"Masakit ang maiwan. Masakit ang ipagpalit. Pero mas masakit ang patuloy na nagmamahal kahit na sobra ng nasasaktan. Iyan ang nararamdaman ko dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin ang ex ko."

Tunghayan ang kwento ni Dylan Ventura. Isang kompositor, isang annonymous singer, iniwan at nananatiling tanga pagdating sa pagmamahal.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now