Chapter 31

73 4 0
                                    

"Meg! Lumaban ka baby, please live. Please." Hawak ni Irene ang kamay ng anak habang isinusugot nila sa emergency room ang dalaga.

Mabuti na lamang at sinundan pala s'ya ni Slay kina Dylan. Si Slay at ang iba pang motorista ang nagtulong-tulong upang mabigyan ng first aid si Meg at madala ng maayos patungo sa hospital.

"Tita, dito na muna tayo. Hayaan mong ang mga doktor at nurses na ang bahala sa kanya." Pigil ni Slay dito ng maipasok na si Maeghan sa emergency room.

"Maeghan! Baby! Kaya mo 'yan! Laban lang!" Pahabol n'yang sigaw bago sumara ang pinto.

"Kasalanan ko 'to, Slay. Kung hindi sana ako naging harsh sa kanya, hindi mangyayari ito. This is all my fault!" Aniya habang palakad-lakad sa harap ng emergency room.

Narinig n'yang napabuntong-hininga si Slay sa likod n'ya.

"Hindi ko naman kayo masisisi, Tita. You only want what's best for Maeghan. Iyon lang talagang sumobra po ng konti. Partly kasalanan ko din ito." Malungkot na saad nito.

Kunot-noo n'ya itong tinitigan. "What do you mean by that, Slay?"

"Ah... ha? Hmmm... Eh kasi naman po wala din po akong nagawa para iconvince po kayo na hayaan na si Maeghan. And worst, noong una pumayag pa ako sa gusto n'yong pakasalan ko si Maeghan."

"Hay! Tama nga na nasa huli ang pagsisisi. Hindi sana nangyari ito kung hindi ko ipinilit sa kanya ang gusto ko. Pero, kung naging masunuring anak lang sana s'ya kagaya ko noon. Hindi sana ganito ang nangyari ngayon."

"Wala pong kasalanan si Maeghan, Tita. Sadyang ipinaglalaban lang n'ya kung ano ang tama at kung saan s'ya masaya."

Natahimik si Irene. Naupo sa isang sulok habang panaka-nakang tumitingin sa operating room.

"Where's my daughter?" Humahangos na tanong ni Ronie.

Kaagad namang lumapit si Irene sa asawa.

"Ronie, ang anak natin..."

Ngunit imbis na yakapin s'ya nito ay isang sampal sa pisngi ang natanggap n'ya.

"Ronie? Hon? Bakit?" Tanong n'yq sabay sapo sa nananakit na pisngi.

"Look at what you've done, Irene! I should have known! Kung ano-ano pala ang kagagahang ginawa mo sa anak ko behind my back! Kung hindi pa nagsumbong si Ken sa akin, wala pa akong kaalam-alam na dahan-dahan mo nang pinapatay ang anak ko!"

"Ron, let me explain. Ginusto ko lang naman makasal si Maeghan sa mabuting lalaki kaya ko ito ginawa."

"No! Irene! Hindi ka ba nag-iisip? Maeghan's story was never like ours! Napilitan kang pakasal sa akin noon kahit hindi mo ako gusto kasi nabuntis na kita. Ako man ay ganoon din. Pero if I had a choice alam mong hindi rin kita papakasalan. Kasi nga... may ugali ka! Pero I had to take responsibility! May paninindigan akong tao kaya kita pinakasalan. Alam mo kung gaano kahirap makisama sa taong hindi mo mahal, or maybe ako lang ang nakakaramdam n'yan. Pinikot mo ako 'di ba?" Hinawakan s'ya nito sa balikat.

Hindi s'ya nakasagot sa paratang nito.

"Hindi ka makasagot 'di ba? Kasi totoo! Akala ko nagbago ka na! But you're still that famous monster! Ikaw pa din 'yong taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba makuha lang ang gusto! Kung may mangyaring masama sa anak ko, Irene, hinding-hindi kita mapapatawad!"

Tinulak s'ya nito. Napahagulgol nalang ng iyak si Irene.

Tahimik silang naghintay sa labas ng emergency room. Nagpapakiramdaman at naghihintayan kung sino ang unang magbibitaw ng salita.

Kaagad na nagsitayuan ng bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doktor.

"Dok, kamusta ang pasyente?" tanong ni Slay.

"Kayo ba ang mga kamag-anak ng biktima?"

Kaagad namang nagsitanguan ang tatlo.

"Ako ang daddy n'ya. Kamusta ang anak ko, dok?"

Napailing ang doktor na ikinagitla ng lahat.

Nagsimula ng humikbi ang mommy ni Maeghan habang nakakuyom na ang kamao ng daddy nito. Masama na ang tingin ni Ronie sa asawang may kagagawan ng lahat.

"Pa...patay na ang ate ko, dok?" Paninigurado ni Ken sa doktor.

"Hindi. Buhay pa ang ate mo, Hijo." Anito.

"Thanks, God!" Bulalas ni Irene.

"Pero..." Napatitig sila sa doktor.

"Pero ano, dok? Pwede bang diritauhin mo na kami?!" Pagalit na sigaw ng asawa n'ya.

"Pero wala na po kaming magagawa para maiayos ang mga paa n'yang nagulungan ng sasakyan. Kinailangan naming putulin ang mga ito. Hindi na makakalakad ang pasyente kahit na gumaling pa s'ya. Habang-buhay na s'yang magiging lumpo."

"Fuck! Kasalanan mo 'to, Irene! Sana ikaw nalang ang nagulungan ng sasakyan!" Singhal nito sa kanya.

"I'm sorry, Ron. I'm sorry!" halos maglumuhod na si Irene sa harap ng asawa.

"Tabi d'yan!" Itinulak lang s'ya nito. "Pwede ko na bang makita ang anak ko, dok?"

"Maya-maya ay ililipat na s'ya sa kwarto n'ya. Lumabas lang ako para sabihin sa inyo ang balita. Maiwan ko muna kayo, babalik muna ako sa loob." sabi ng doktor bago sila iniwan.

"Tara, Ken. Samahan mo muna ako." Yaya ni Ronie sa anak. Kaagad namang sumunod si Ken dito.

"Saan kayo pupunta?" Tanong no Irene.

"Ikaw sana ang ipapakulong ko eh! Pero ayaw ko nang bigyan ng sama ng loob ang anak ko, Irene! Hahanapin ko ang hustisya para sa kanya. Kailangang mahuli ang gumawa nito sa anak ko!" Anito bago tuluyang naglakad palayo.

Napabuntong-hininga na lamang si Irene.

"Ah, Tita. Since Meg is okay, aalis na muna ako. May kailangan pa pala akong gawin." Nagmamadaling paalam ni Slay.

"Iiwan mo rin ako dito, Slay?"

"I'm sorry, Tita. I really have to go. Call me if you need anything." Anito sabay talikod at mabilis na naglakad palayo.

"Bakit kaya nagmamadali ang isang 'yon? Hindi man lang ako nakapagthank you sa pagtulong n'ya kay Meg kanina. Salamat, Slay!" Pahabol nalang n'yang sigaw.

***
"Meg! Thank God! Nagising ka na rin sa wakas!" Bulalas ni Irene ng makitang gumagalaw na si Maeghan.

"Anak? Are you alright? May masakit pa ba sa'yo?" Kaagad ding tanong ng asawa n'ya kay Meg.

Unti-unti nitong idinilat ang mga mata pero nakatulala lang ito.

"Anak, alam mo ba kung sino ang sumagasa sa'yo? Kailangan n'yang pagbayaran ang nangyaring ito sa'yo."

"Wala pa rin bang lead ang mga police, Ronie?" Tanong ni Irene sa asawa pero hindi s'ya pinansin nito.

"Meg? Kung kilala mo ang may gawa nito, please tell us who did this. Kailangan n'yang mahuli."

Imbis na sagutin nito ang tanong nila ay kinapa nito ang mga kamay nila at biglang nagpanic.

"Bakit ang dilim? Bakit wala akong makita? Buksan n'yo ang ilaw! Please!"

I Love You, ExWhere stories live. Discover now