Chapter 25

61 3 0
                                    


"Doctor Slay Alejandro?" Nahinto sa paglalakad at napaangat ng mukha si Slay mula sa binabasang chart ng marinig ang pagtawag ng kung sino sa kanya.

Inilinga n'ya ang paningin sa paligid at ng makita ang nakangiting mommy ni Meg ay agad rin s'yang napangiti at sinalubong ito.

"Tita Irene? Its nice to see you again. How's everything? Bakit nandito ka sa ospital?" Kaagad niyang tanong matapos bumeso dito.

Bigla namang napalitan ng lungkot at pag-aalala ang kanina'y masayang mukha ni Irene.

"E...everything's fine. Ikaw talaga ang sinadya ko dito sa ospital. Pwede ba kitang makausap, Doc Slay?"

"Sure, Tita. Pero pwede bang Slay nalang po ang itawag mo sa akin? Tara po sa office ko. Doon tayo mag-usap habang nagmemeryenda. Follow me, Tita."

Agad naman itong sumunod sa kanya.

***
"May maitutulong ba ako sa'yo, Tita Irene?" Kaagad n'yang tanong matapos nilang tahimik na kumain ng meryenda.

Halata sa mukha ng ginang na kanina pa ito nagpipilit mag- open ng topic pero nawawalan ng lakas ng loob kaya nananahimik nalang.

"Please don't hesitate to ask about anything. I'm willing to help with the best that I can, Tita." Pag-aasure n'ya dito.

"Will you... Will you..." napapalunok ito sa bawat salita.

"Will I what, Tita? Come on. Spill it. Hindi tayo magkakaintindihan kung 'di ka magsasabi ng maayos sa akin. Hindi naman ako nangangain ng tao eh." Biro pa n'ya.

"Will you marry my daughter, Slay?" pikit-mata nitong tanong na animo'y hiyang-hiya sa hinihinging pabor.

Napaubo si Slay at kamuntikan pang maibuga ang kape na iniinom n'ya sa narinig.

"Come again po? Marry? Marry your daughter? Marry Meg?" Paulit-ulit na tanong ni Slay kung tama ba ang pagkakadinig at pagkakaintindi n'ya sa sinabi nito.

"You heard it right, Slay. Gusto kong pakasalan mo ang anak kong si Maeghan. Kahit magmakaawa pa ako sa'yo basta pakasalan mo lang si Meg." Nakikita naman n'ya ang sinseridad sa mukha nito.

"Bakit? I mean manliligaw palang ako dapat sa anak n'yo, iyon lang naging sobrang busy ako kaya 'di ko pa maituloy-tuloy." sabi n'ya dito. "At saka hinihintay ko pang maibaling ni Jiana ang pagtingin n'ya sa akin. Kung si Jia ang hihingi ng kasal for sure hinding-hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ang alok nto." Gusto n'ya sanang idagdag.

Bigla nalang itong umiyak ng malakas. Napatingin tuloy s'ya sa paligid. Mabuti at walang ibang tao, baka kung ano pa ang isipin ng mga ito.

"Tita? Bakit po kayo umiiyak? May nangyari ba? Bakit ganoon n'yo nalang kagustong ipakasal si Meg sa akin? Tahan na po, Tita." Tanong n'ya dito habang pilit itong inaalo.

"Hi...hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko, Slay. Si Meg kasi... Si Meg nakipagbalikan kay Dylan." Humihikbi pa rin na anito.

"Nagkabalikan na pala sila? Oh kung ganoon po eh 'di wala na kayong poproblemahin pa. May mapapakasalan naman pala si Meg."

"No! Hindi ako papayag! Ikaw ang gusto ko para kay Maeghan at hindi ang Dylan na 'yon!"

Saka n'ya lang naalala ang tagpo sa isla. Ang pagsampal ni Irene kay Dylan at ang pagkadisgusto nito sa lalaki. Pati na ang hayagan nitong approval sa peke n'yang panliligaw kay Meg. Sinabi n'ya lang naman 'yon para mailihis na ang atensyon ng galit na ginang mula sa kawawang si Dylan. At gusto n'yang makuha ang atensyon ni Jiana na alam n'yang na kay Dylan na. Gusto n'ya sanang pagselosin ito at baka sakaling mapansin din nito ang presensya n'ya.

"Tita?"

"Nakita ko kung paano naghirap at nasaktan ang anak ko sa pang-iiwan ni Dylan sa kanya noon, Slay. Bilang ina, sobrang nadurog din ang puso ko sa kaawa-awang kalagayan ng anak ko noong hiniwalayan s'ya ng hayop na Dylan na 'yon. Halos wala ng ganang mabuhay at walang ibang ginawa kundi ang umiyak buong araw at magdamag. Pinipiga ang puso ko sa tuwing pinipilit ko s'yang kumain at ang sinasagot n'ya lang sa akin ay hindi s'ya gutom, na gusto n'yang pabalikin ko si Dylan sa kanya, na pumunta kami sa bahay nito dahil magmamakaawa daw s'ya para balikan s'ya nito. Kung sana pwedeng sa akin nalang, kung pwedeng ako nalang ang dumanas ng sakit at paghihirap na natamo n'ya dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Dylan, matagal ko nang ginawa. Kaya ko hinihiling sa'yo ito ngayon, Slay. Kasi ayoko ng danasin ulit ng anak ko ang paghihirap ng loob na dinanas n'ya noon, lalo pa at nagpapakatanga s'ya ulit sa Dylan na 'yon. Kaya please, Slay Save my daughter from totally falling apart."

Napabuntong-hininga si Slay.

"Meg, isn't a bad catch, Tita. She's easy to be with. Mabait s'ya, maganda at matalino. Wala akong maipipintas sa kanya. Pero she don't love me. Kahit pa ipilit ko ang sarili ko sa kanya, alam naman nating si Dylan lang ang mahal n'ya, kaya we will never work out. Hindi naman naipipilit ang pagmamahal, 'di ba? Kusa kasi 'yong nararamdaman, Tita. Sa kaso ni Meg, wala talaga akong pag-asa kasi may Dylan na ang puso n'ya."

"You will! Magwowork out kayo. Tutulungan kita. Just say yes, Slay."

Nag-isip ng malalim ang binata. "Dylan is dying. Kaya iiwan n'ya talaga ulit si Meg. At si Jiana? Ang babaeng mahal ko? Kay Dylan naman s'ya talaga may gusto at hindi sa akin. And I want her to be happy. Gusto kong ibigay ang happiness n'ya na 'yon. And if her happiness is Dylan, i'll let her have him. At kung si Meg ang sagabal para maibigay ko ang kaligayahang hinahangad ni Jiana, ako na mismo ang magtatanggal sa harang na 'yon." desisyon n'ya.

"Ano na, Slay? Papayag ka na ba? Hindi naman mahirap mahalin ang anak ko. At kilala ko s'ya. Marunong 'yon magpahalaga sa mga taong handang magsakripisyo at mag-alay ng pagmamahal sa kanya. She will fall in love with you eventually."

"Kung ito man ang parusa sa pagiging playboy ko, ang hindi makatuluyan ang babaeng mahal ko, so be it." Napabuntong-hininga ulit s'ya. "Bahala na."

"Alright, Tita. I'll marry, Maeghan."

I Love You, ExWhere stories live. Discover now