Chapter 8

87 4 0
                                    

"Friends?" nakakunot ang noong tanong ni Meg kay Dylan.

"Yeah. Friends. Dati naman tayong magkaibigan bago naging tayo, 'di ba? Bakit hindi natin subukang ibalik 'yon? After all nasa iisang industry nalang tayo. Ang awkward masyado kung tayo-tayo na rin lang hindi pa magkakasundo, 'di ba?" nakangiting anito.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo, Dylan! Matapos ang lahat ng ginawa mo ineexpect mo pang makikipagkaibigan ako sa'yo? Never!" Pasigaw na aniya.

"At saka, friends? Tapos magtitake advantage ka? Kung sa tingin mo papaloko pa ulit ako sa'yo, humanap ka ng ibang kausap!" Duda talaga siya sa intensyon nito.

Napabuntong-hininga ito. "Aaminin ko, I want to start anew with you. Gusto kong maging tayo ulit. Pero alam kong sobra kitang nasaktan, Meg. Naging gago ako at pinagsisisihan ko 'yon. I want to gain your trust again. Kahit hanggang kaibigan lang muna kung mapagbigyan mo. I want to make it up to you. Please let me." pagmamakaawa ni Dylan.

"Wala na, Dylan! Nawala na lahat ng tiwala ko sa'yo. Iyong tiwala ko nga sa sarili hindi ko pa naibabalik ng buo, sa'yo pa kaya? Ni hindi ko pa nga mapagkatiwalaan ang sarili ko, ni hindi ako siguradong naging tama at magiging tama pa ang mga desisyon ko sa buhay kasi sa'yo palang nagkamali na ako! Binigay ko kasi sa'yo lahat noon. Tiwala at pagmamahal, lahat ng desisyon ko sa buhay pinagkatiwala ko sa'yo kaya nga hirap na hirap akong bumangon. Iyong tiwala ko sa mundo at sa inyong mga lalaki, wala na! Naiflush na kasama ng mga dumi sa inidoro!" inirapan ito ni Meg.

"I'm better off alone at siguro ikaw din. Ano ang point ng pagbabalik mo ulit? After two damn years, ngayon mo lang marerealize ang pagkakamali mo? How pathetic! We're over, Dylan! Huwag ka nang umasang may babalikan ka pa!" aniya dito.

"Meg..." napapailing nalang si Dylan.

"Hindi ka ba kontento sa truce? Gusto mo 'yong ganito? 'Yong inaaway ka lagi? Kung ganito ang gusto mo mas mabuti pang lubayan mo na ako. Kasi nakakastress ka! Naaalibadbaran ako sa'yo sa totoo lang. Kung hindi lang ako nakapirma ng kontrata siguradong hinding-hindi ko pagtitiisang makita 'yang pagmumukha mo! Umalis ka nga sa harap ko! Alis!" napapaiyak na si Maeghan.

Akala niya manhid na siya matapos siyang iwanan ni Dylan noon. Pero hindi pa rin pala.

"I hate you, Dylan! I hate you for ruining my life! I really hate you!" Pinagsusuntok niya ito sa dibdib kaya niyakap siya ni Dylan para pigilan.

Pahigpit ng pahigpit ang pagkakayakap ni Dylan sa kanya.  "Kung sana ganyan mo ako kahigpit hinawakan noon, hindi sana tayo ganito ngayon."

"I'm sorry, Meg. Sorry hindi ko ginustong saktan ka." naiiyak na rin si Dylan habang yakap s'ya.

"Hindi sinasadya? I've given you every possible chance I could give, Dylan! Pero ano ang ginawa mo? Paulit-ulit ko akong sinaktan. I even beg for you to stay pero binaliwala mo ako. Nagmatigas ka."

"Because I have to! For your sake! Kasi ginusto kong ifocus mo ang sarili mo sa pagsusulat! Kasi alam kong nakakasagabal ako sa career mo! At tama ako 'di ba? Naging successful ka na simula ng magkahiwalay tayo."

Sandaling napatigil si Meg sa pagwawala at tiningala si Dylan.

"But what made me successful, Dylan? Hindi ba 'yong libro kong isinulat para sa'yo? Nang dahil sa pananakit mo kaya ako nakagawa ng libro! Kasi ganoon mo ako sinaktan! Sobra mo akong sinaktan na wala akong ginawa noon kundi buong araw na umiyak at magself pity! Dahil sirang sira ako! Na inisip kong nasa akin ang pagkukulang kung bakit tayo nagkahiwalay! Tapos maririnig ko lang sa'yo na dahil lang d'yan kaya mo ako iniwan? Ang gago mo na nga, ang sinungaling mo pa! Huwag ako, Dylan! Hindi mo na ako maloloko!"

I Love You, ExWhere stories live. Discover now