Chapter 29

70 5 0
                                    

"Kailangan bang lagi kitang ililigtas? Let's get out of here. Umuwi na tayo." ani Slay sabay pangko kay Meg.

Saktong nabuhat n'ya at lumupaypay na ito na walang malay sa bisig n'ya.

"Totoo bang ikakasal ka na kay Maeghan, Slay?"

Nilingon n'ya si Jiana na paekis-ekis na papunta sa kinaroroonan n'ya. Kagaya ni Dylan ay sobrang lasing ito.

Sinamaan n'ya ito ng tingin.

"Oo. Bakit? May problema ka ba doon, Jiana?" Tanong n'ya rito.

Nakita n'ya ang pagkalukot ng mukha nito.

"Ano?! Sasabihin mo na naman ba na mali itong desisyon ko ng pagpapakasal? Na nasasaktan ngayon si Dylan? If that's what you're about to say, stop! I don't care about other peoples feelings. I don't have to care anymore!" Galit na galit n'yang singhal dito.

Tinitigan lang s'ya nito at saka pilit na ngumiti.

"Congratulations, Slay. I'm so damn happy for you!" Tumawa ito ng tumawa.

Nailing nalang si Slay. "Lasing ka na nga. Anyways, ituloy n'yo na ang ginagawa n'yo bago kami dumating. Baka sisihin n'yo pa kami sa pagkabitin n'yo." Aniya sabay talikod.

"Ituloy n'yo nang mga tangina n'yo! Ituloy n'yo na ang kanina ko pang pinapanood! Ituloy n'yo na ng tuluyan na ring mawasak at mamanhid itong puso ko. Ituloy n'yo na para matanggap ko sa sarili kong wala na talaga akong pag-asang mapalitan si Dylan d'yan sa puso mo!" Gustong isigaw ni Slay kay Jiana pero ayaw n'yang malaman nitong nasasaktan s'ya. Ayaw n'yang kaawaan s'ya nito.

Bago pa man dumating si Meg ay nakamasid na s'ya sa ginagawa ng mga ito. Kanina pa s'ya nakasunod, mula pa sa bahay nina Maeghan. Actually, he was about to change his mind. Hihindian nalang sana n'ya ang mama ni Meg at sasabihing hindi na ituloy ang kasal, pero sa naganap ngayong gabi, wala na s'yang alinlangan. He will surely marry Maeghan.

Inihiga n'ya backseat si Meg, Sandaling nilingon ang bahay ni Dylan at naiiling na pinatakbo na ang sasakyan.

"Be happy now, Jiana. Ako na ang gagawa ng paraan para maging masaya ka."

***
Humiga s'ya sa hood ng kotse habang tinitingala ang mga bituin. Kakatapos lang n'yang gamutin ang mga sugat ni Meg at nasigurado na rin n'yang maayos na ang lagay nito. Hihintayin nalang n'yang gumising ito para malaman kung napaano ba ito at mukhang nanggaling sa matagal na pagkakagapos ang mga kamay at paa nito.

"Badtrip!" bulalas n'ya. "Pati ba naman mga bituin gusto kang ipaalala, Jiana?"

Kahit na mga bituin, na sa paningin n'ya ay nagiging kahugis ng mukha ni Jiana kaya lalo s'yang nainis. Napahinga s'ya ng malalim.

"You weren't really made for me, Jiana. Kagaya ng mga bituin, hindi kita maaabot. Kagaya nila, hanggang pangarap nalang din kita."

"Bakit hindi mo ipaglaban? S'ya naman pala ang mahal mo, Slay."

Napalingon s'ya. "Gising ka na pala, Meg."

Walang salitang umupo ito sa tabi n'ya sa hood ng kotse.

"Salamat sa paggamot ng mga sugat ko, Slay." Anito matapos gayahin ang pagtingala n'ya sa mga bituin.

"Napaano ba 'yan?"

"Ito?" Itinaas nito ang mga kamay. "Result ito ng pagmamatigas ko kay mommy. Result ito ng paghahangad kong matakasan ka at ang kasal na ipinipilit n'yo sa akin. Result ito ng kagustuhan kong mapunta sa taong totoong mahal ko at gusto kong pakasalan."

Tinitigan n'ya ito. Ang hinhin na babae ni Maeghan, pero nagagawa nito ang impossible para lang makasama ang taong mahal nito. Hindi kagaya n'ya, duwag.

"Bakit hindi mo rin s'ya subukang ipaglaban, Slay?" Tanong nito.

Napailing s'ya. "Ours was never like your story. Mahal ka ni Dylan at mahal mo rin s'ya. I do love Jiana but she loves Dylan. Ano'ng panama ko sa tinitibok ng puso n'ya?"

Napabuntong-hininga ito. "I wish  mahal ka nalang din n'ya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya, Slay. Hindi sana tayo nagkakaproblema ng ganito."

"Yeah right. Hindi mo ba kayang ibaling ang pagmamahal mo sa akin, Meg? Bakit hindi nalang natin hayaang maging masaya si Dylan kay Jiana? After all, boto na rin naman ang mommy mo sa akin."

"No, Slay! My mom's happiness is important, but mine was far more important than hers. I don't love you, Slay. I'm sorry but that's the truth. Oo, nacurious ako sa'yo. Sinubukan ko rin kung kaya ko bang ibaling ang pagmamahal ko kay Dylan sa'yo, pero traidor ang puso, Slay. Isisigaw at isisigaw nito kung ano at sino ang itinitibok nito. Para lang akong lumundag sa sapang alam ko namang sa una palang ay nakakapaso na at nakakamatay kapag ginawa ko 'yan. See this wounds? Hindi ako natatakot na madagdagan pa ito, o kahit ikamatay ko pa. Alam ko sa sarili kong hindi ako magiging masaya sa piling mo, Slay. Kasi ikaw mismo, may mahal ding iba."

Napapahanga talaga s'ya nito. Mas malakas pa yata ang loob nito kaysa sa kanya.

"You're unbelievable. Halos ipagtulakan ka na nga nila kanina, hindi ka pa rin nadala?"

"Aaminin ko, napanghinaan ako sa nakita ko kanina. Sobrang nagselos ako at magalit. Pero hahayaan ko bang paulit-ulit na maulit ang tagpong 'yon ng walang akong ginagawa? May laban pa ako, Slay. Mahal pa ako ni Dylan. Katawan palang n'ya ang nakukuha ni Jiana. I've got to do something before the fight is over."

Kitang kita n'ya ang determinasyon sa mukha nito. Ano pa ba ang magagawa n'ya? Nakapagdesisyon na ito.

Nagring ang cellphone ni Slay.

Napatitig s'ya kay Meg dahil ang mommy nito ang tumatawag.

Sinenyasan n'ya ito para ipaalam na mommy nito ang tumatawag. Pinatahimik muna n'ya ang dalaga bago sinagot ang tawag.

"Hello po, Tita?"

"Hello, Slay. Please help me. Nawawala ang anak ko. Baka napaano na s'ya. Tulungan mo akong hanapin s'ya, please." Nagpapanic na anito sa cellphone.

"Relax, Tita. I'll come over. Hintayin n'yo ako d'yan, pupuntahan ko kayo. Sabay po nating hanapin si Meg."

"Sige, Slay. Just please hurry." Anito bago pinatay ang tawag.

"Bakit hindi mo ako sinumbong sa mommy ko, Slay?"

Nginitian n'ya ito. "I've realized things because of you, Meg. Pupuntahan ko ang mommy mo. Kakalas na ako sa usapan. Walang kasalang magaganap sa pagitan natin kasi hindi tamang ikulong kita sa kasal na hindi natin parehong gusto at hindi rin tamang pasakitan mo ang taong mahal mo ng dahil sa kasalang ito. Hindi man maging kami ni Jiana, hindi man ako maging masaya, hindi tamang maging hadlang ako sa happiness ng iba. You have your rights, Maeghan. And one of those is to be happy, be really happy. Go on and seek for your happiness, Meg. Go!"

She hugged him...really hugged him.

"This means a lot to me, Slay. Salamat. Sobrang salamat. Hindi ko man mabawi si Dylan atleast masasabi ko sa sarili ko na sinubukan ko at ginawa ko ang makakaya ko para mabawi s'ya. But i'm still hoping for the best. Please pray for me, Slay."

"I will, Meg. I will." Gumanti s'ya sa yakap nito.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now