Chapter 13

75 4 0
                                    

"Is that some kind of a joke, Jiana?" tanong ni Maeghan sa kanya.

"How can I possibly joke with such serious matter, Maeghan? He never told me though. I just found out about it a week ago. Siguro kung hindi ko pa nakita ang mga test results na nakatago sa mga gamit n'ya, I will never know until he's dead. He has a stage 3 Lung cancer. Hereditary maybe, kasi ang lolo n'ya also died with that kind of disease. Or maybe dahil din sa pagbabanda n'ya. Madalas s'ya sa mga smoking places kaya siguro lumala agad ng ganito ang sakit n'ya. Hindi ko pa s'ya tinatanong kaya hindi ako sigurado sa dahilan."

Napabuntong-hininga si Jian at tinitigan si Meg.

"I look up to him like a real brother, Meg. Never did he had any affair with some other girls after you. Not even with me. Ikaw lang ang minahal n'ya, Meg. Ikaw pa rin. Kaya sana balikan mo na s'ya."

Umiling-iling si Maeghan. "No! You're lying, Jiana! Kung talagang mahal n'ya ako, hinding-hindi n'ya magagawa ang ginawa n'ya sa 'kin noon. Hindi n'ya gagawin, ni isipin, na saktan ako kahit kailan. But he did. He left me hanging and bleeding. He left me with nothing. Tapos dahil lang sa may sakit n'ya "kuno" na 'yan babalikan ko s'ya? Pasensya na, Jian, but I can't and I won't." matigas na tanggi ni Maeghan.

Doon na uminit ang ulo ni Jiana. Isang malutong na sampal ang pinakawalan n'ya. Dumapo ito sa kanang pisngi ni Maeghan na ikinabiling ng ulo at ikinapula ng pisngi nito. Nasapo na lamang ni Maeghan ang pisngi at tinitigan ng masama si Jiana.

"Wala kang utang na loob, Maeghan! Alam mo? Noon pa man galit na ako sa'yo, kasi sa pagkakaalam ko iniwan mo si Dylan dahil d'yan sa career mo. Pero ng malaman kong gumawa s'ya ng paraan para iwanan mo s'ya sandamakmak na paninisi ang natanggap n'ya mula sa akin. Kasi ako lang ang nakakaalam kung gaano s'yang nasaktan at nagdusa. Pero tama nga yatang sa'yo talaga ako magalit. Kasi ginagawa na nga n'ong tao lahat para sa career mo, pati ang supposed to be last wish n'ya hindi mo pa mapagbigyan? Ganyan ka na ba talaga ka walang puso?!"

"He made me like this, Jiana! He made me heartless. Sinama ko na sa nakaraan ang puso kong mapagtiwala! Binasag na n'ya malambot kong puso. Kung ano man ako ngayon dahil sa kanya 'yon at sa ginawa n'ya sa akin sa nakaraan so he has to deal with it! Yeah! He made me a career. Kasi nakagawa ako ng librong nagpasikat sa akin. But remember, Jiana, I wrote that book. Kaya ako sikat ngayon kasi tsinaga ko 'yon."

Tumawa ng pagak si Jiana. "Tsinaga? You became popular because of someone's critic. Sikat s'yang tao. Kaya ka nga sumikat 'di ba? Kasi sinuportahan ka ng fans n'ya. Kasi marami s'yang fans!"

"You have nothing to do with @SoulfulLord! Kung may papasalamatan ako s'ya 'yon."

Tumawa lalo si Jiana.

"Nang-aasar ka ba, Jiana?"

"SoulfulLord, @Soulfulvoice, Annonymous singer, @JustDave iisang tao lang ang may ari ng mga accounts na 'yan sa instagram, twitter at ibang social media sites. Hindi mo pa rin kilala kung sino?" mapang-uyam ang ngiting ibinigay n'ya kay Maeghan.

"Si..."

"Exactly, Meg. Know your hero. Hindi ganyan. Galit na galit ka sa tao eh ikaw pala may malaking utang na loob sa kanya. You know what? Nakakatawa ang itsura mo ngayon, Meg."

Nakita n'yang ikinuyom nito ang kamao.

"Ano, Meg? Masakit bang malaman na ang kinamumuhian mong tao ang s'yang tumulong sa'yong sumikat? Does it hurts your pride? Well. Tama ka naman. Bakit ko papakialaman ang desisyon mo? You are your own persona. Nasa sa iyo naman 'yan. Ginagawa ko lang naman ito para kay Dylan. Kasi ayaw kong magsisi, Meg. Iyon bang may pwede naman pala akong gawin na ikakasiya n'ya bago s'ya mawala sa mundong ito, bakit hindi ko gawin?" nakangiti si Jiana pero maya-maya pa ay unti-unting nagbago ang expression ng mukha n'ya.

"If I need to beg for you to come back to him, Maeghan, gagawin ko. Just tell me what to do. Do I need to kneel in front of you?"

Akmang luluhod s'ya sa harap nito ng umiling ito.

"No need. I just... I just need to think things over, Jiana. Kailangan ko munang hanapin sa sarili ko kung pupwede ko pang mapagbigyan ang hiling mo. I'll be at the dock at 5 p.m. Iiwan ko nalang ang mga gamit ko sa staff. Pakidala nalang mamaya. Maglalakad-lakad lang muna ako. I need to breathe."

"Okay. Can I ask for one last favor?"

"What is it, Jiana?"

"Please huwag mong sabihin sa kanya na sinabi ko sa'yo ang tungkol sa sakit n'ya. And decide according to your heart. Huwag kang magdesisyon dahil sa awa. Try to give him another chance. Let him love you until his last breath, Meg."

Tinalikuran lang s'ya nito ng walang anumang sagot at naglakad pabalik sa information.

Nagulat s'ya ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Slay. Matiim itong nakatitig sa kanya.

"Ano ba talaga ang dahilan at bakit ginagawa mo ito, Jia?"

"What are you talking about, Slay?" pagmamaang-maangan n'ya.

"I've heard everything. Pero hindi mo ako maloloko, Jia! Maybe maloloko mo si Meg pero hindi ako!" singhal nito sa kanya. "I look up to him like my real brother." panggagaya pa nito sa linya n'ya. "Brother? Sino'ng niloko mo, Jiana?"

Isinandal s'ya nito sa pader at inilapat ang buong katawan sa kanya.

"Ano ba, Slay! Get off me!"

"Ganoon mo ba talaga s'ya kamahal kaya mo s'ya nagagawang iparaya kay Maeghan?"

Masakit ang mga titig nito sa kanya. Parang punong-puno ng galit.

"Ikaw, Slay? Bakit ganyan ka kung makapagreact? Ganyan mo na ba kagusto si Maeghan para agawin s'ya sa taong may posibilidad na malapit ng mamatay? Ipipilit mo ba ang gusto mo kahit may masasaktan?" 

Nakipagtitigan s'ya dito. Nakipagtagisan ng tingin hanggang sa may sumukong isa sa kanila.

"Decide, Jia. Be my FUBU and i'll get away from Maeghan."

Hindi s'ya sumagot. Tama bang makipaglaro s'ya ng apoy sa binata? Paano kung mas lalo lang n'yang mahalin ito kapag naibigay na n'ya ang sarili dito? Alam na alam kasi n'yang walang katugon ang feelings n'ya. Napag-isip-isip n'yang s'ya lang ang talo kapag pumayag s'ya sa gusto nito.

"For the meantime, habang hindi ka pa sumasagot, mananatiling 'yon ang decision ko. I like Meg so much kaya ipagpapatuloy ko ang gagawin kong panunuyo sa kanya."

"Eh gago ka pala eh! Mahal kita kaya ayoko! Ayokong paglaruan mo kasi gusto ko seryosohin mo ako!" sigaw ng puso at utak ni Jian.

"Well, goodluck nalang sa'yo, Slay. We're leaving, kaya wala din namang magiging progress 'yang panunuyo mo kay Meg. Kung magtatangka ka pang guluhin ang sitwasyon, ako ang makakalaban mo!" itinulak n'ya ito at nagmadali sa paglayo.

Kailangang maialis n'ya kaagad sina Meg at Dylan sa paningin ni Slay kung ayaw n'yang magulo ang lahat. Mahal niya si Slay at hindi n'ya hahayaang mapunta ito sa iba. Pero mas mahal n'ya ang bestfriend n'ya kaya kailangan nitong lumigaya. At kung si Slay ang magiging hadlang sa pagbabalikan ng dalawa? Bahala ng makagawa s'ya ng masama.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now