Chapter 18

77 6 0
                                    

"Bilis. Ang bagal-bagal mo pa rin kahit kailan, babe." natatawang hinila ni Dylan ang kamay n'ya.

"Sandali nga kasi. Alam mo namang hindi ako sanay sa takbuhan." aniya.

Tumigil naman ito sa pagmamadali at inayos ang pagkakahawak-kamay nila. Hinalikan pa nito ang kamay n'ya bago seryosong tumitig sa mga mata n'ya.

"I love you, babe." turan nito.

Masasabi rin kaya n'ya ito kay Dylan sapagkat alam n'ya sa sarili n'yang dahil lang sa pagkakakonsyensya at awa kaya n'ya ito binalikan?

Hindi n'ya maibuka ang bibig para sagutin ito.

Hinila s'ya nito. Hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit.

"You don't have to answer. Huwag mong pilitin, Meg. We'll get there soon. Alam kong nawala ang tiwala at pagmamahal mo sa akin dahil sa mga nagawa ko noon. Hayaan mo lang ako. Give me this chance para maituwid ko ang mga mali ko. Ibigay mo lang sa akin ang chance na ito para mahalin kang muli. I promise to make it right this time."

Kaya na nga ba n'yang patawarin ito sa mga pagkakamali nito? Pagkat kapag nakikita n'ya ito ay bumabalik din ang mga alaala ng nakaraan.

Lumunok at huminga muna s'ya ng malalim bago magsalita.

"I love you too, Dy." Nakangiting aniya.

"I am a writer and I don't expect to tell my own lie just to make someone happy."

Writer s'ya. She makes stories. Fictional ones. Pero hindi n'ya akalain na darating sa point na pati ang sarili n'yang lovelife ay pipilitin n'yang bigyan ng twist at pilit na happy ending.

"Talaga? Pinapatawad mo na rin ba ako sa mga nagawa kong kasalanan?" His eyes sparkles with pure joy.

"Kung 'yan ang makapagpanatag sa'yo, Dylan. Kung ganyang tuwa ba naman ang nakikita ko sa mukha mo, maatim ko pa bang saktan ang damdamin mo? Matagal ko ng hindi nakita ang ganyang klase ng ngiti. Not even when we were together. Siguro nga nasaktan din kita ng hindi ko nalalaman. Tama nga siguro ang sinabi mo, you sacrificed for my career. Kaya siguradong naging mahirap din para sa'yo ang desisyong 'yon. Its just that, it changed me and my perspective. It made me who I am today; aloft and untrusting. Pero this time mas paiiralin ko ang conscience ko. Hindi naman ako ganoon kasakim at kawalang-pusong tao. This maybe your last request of happiness at ayokong may pagsisihan balang araw. Kahit pa awa nalang ang nararamdaman ko para sa'yo, sasarilinin ko nalang. I'll make you feel loved kahit pa isacrifice ko ang sarili kong happiness." aniya sa isip.

Tumingkayad s'ya para bigyan ng isang halik si Dylan.

"Your lips is as familiar as they were. They taste the same. Though what I felt towards it wasn't the same anymore. I feel nothing. Just a plain sweet kiss." Naisaisip n'ya.

"I really love you, Meg. I really do. Ikaw lang mula noon. Ikaw lang magpahanggang ngayon."

Nakikita n'ya ang sincerity sa mga mata nito.

"'You're true to your words, I can say, but what can I do? They're only plain tasteless words for me now. Sweet nothings without meaning. Wala nang kurot sa puso ko." bulong ng isip n'ya.

"Salamat, Dy. I really appreciate your love for me. I hope I can replace you with the same intensity." Hinawakan n'ya ang pisngi nito.

Agad naman nitong hinawakan ang kamay n'ya at hinalikan ang palad n'ya.

"You won't regret na binigyan mo ako ng second chance."

"I hoping for that too, Dy. Tara, let's find them." Naglakad na s'ya papasok ng kagubatan.

"Tiyak na magiging masaya si Jian kapag nalaman n'ya ito." Wika nito sa likuran n'ya.

Napatigil s'ya sa paglalakad.

"How about, Slay? Will he be happy to hear about this?" Tanong n'ya sa isip. "I don't think they need to know about me and Dylan. Paano nalang kami ni Slay? I do care for him now. Kasi nakikita ko naman ang kagustuhan n'yang mapalapit sa akin. I do think na aside from his playboy image, may naitatago namang magandang characteristics si Slay na magugustuhan ko."

"Ah regarding that matter, can we keep it as a secret, Dy?"

"Bakit naman, Meg? Ayaw mo ba na malaman ng ibang tao ang tungkol sa atin? Kasi ako gustong-gusto ko. I want to show the world how much I love you, Maeghan."

"Think fast, Meg. Think fast." Aniya sa sarili.

"Ah... Eh... Maghintay nalang tayo ng tamang panahon, Dy. May mga bagay na mas dapat tayong unahin kaysa ipaalam sa mundo. Like... catching up! Don't you miss me? Ayaw mo bang masolo ako?"

Ngumiti ito at napatango-tango. "Sabagay. I want to spend more time with you alone."

Nakahinga ng maluwag si Meg.

"Secret lovers, then?" Tanong n'ya rito.

"Secret lovers until the right time comes."

"Tara na. Baka kung napapaano na 'yong bestfriend mo. Siguro naman kaya s'yang protektahan ni Slay hanggang sa mahanap natin sila."

"Sana nga. Sana maprotektahan n'ya si Jian kagaya ng pagprotect ko roon. She's the sister I never had kaya importante s'ya sa akin. Pero hindi ka dapat magselos. You are far more important to me than her."

"Hay! Sana talaga naibaling mo nalang ang pagtingin mo sa kanya, Dylan. 'Di sana, hindi nagiging komplikado ang lahat."

I Love You, ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon