Chapter 16

78 4 0
                                    

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Jiana na nagpatigil kay Slay sa paglalakad.

Nilingon n'ya ito at nakita n'yang ngumunguya pa rin ito ng tinapay pero hindi na naglalakad pasunod sa kanya.

"Akala ko ba maghahanap tayo ng ibang tao dito sa isla? 'Tsaka ng signal para makahingi tayo ng tulong?" Kunot-noo n'yang tanong dito.

"Naniwala ka naman?" Nakangising anito.

"Ha? Pakiexplain nga, Jia. Naguguluhan na ako sa'yo eh. Ayaw mo bang makaalis tayo sa islang ito?"

"Gusto. Pero wala naman tayong magagawa kung talagang walang mga tao at signal dito. Ang magagawa lang natin ay maghintay ng tulong. Nagsabi naman ako kila Mang Rey na sakaling 'di tayo makabalik ng isang linggo sundan na tayo."

"Isang linggo? Dito sa isla? Naloloka ka na ba, Jia? Wala tayong matutulugan dito. Ni hindi nga tayo siguradong may makakain tayo sa islang ito."

"Oh. 'Di ikaw ang bahala. Kung gusto mong tumuloy ikaw nalang. Baka kung ano pa 'yong makasalubong natin d'yan, napahamak pa tayo. Tingnan mo nga oh. Ang sukal ng kagubatan na 'yan."

Napailing na lamang si Slay sa tinuran nito. Kahit kailan talaga hindi n'ya maarok ang pag-iisip ng babaeng ito.

"Eh 'di bumalik nalang tayo doon sa kanila." Aniya sabay hakbang pabalik sa dalampasigang kinaroroonan nina Dylan at Meg.

"Huwag! 'Wag muna. Dito muna tayo. 'Wag mo muna silang guluhin doon." pigil nito sa kanya.

"Bahala ka d'yan. Ayaw mo dito eh 'di bumalik nalang tayo doon. Tutulungan ko nalang si Dylan sa paggawa ng pansamantalang tutulugan natin." Nilampasan n'ya ito pero hinils s'ya nito sa damit.

"Wag nga kasi. Ano ba ang gusto mo? Imamasahe kita? Tara doon tayo umupo sa nakatumbang puno sa dakong 'yon. Kung ayaw mo ng masahe. Hmmm... Forest sex? Gusto mo 'yon 'di ba? Pagbibigyan kita 'wag ka lang bumalik doon." Pilit na pigil nito sa kanya.

Tinitigan n'ya ito at hindi mapigilang mapangiti. Ang cute tingnan ni Jiana habang nag-iisip kung paano s'yang pipigilan. Ang sarap tuloy asarin nito.

"Forest sex? Sounds interesting. Hmmm. Really, Jia? Pagbibigyan mo ako?"

Nilapitan n'ya ito hanggang sa magkatapat na sila.

"Ah... Eh... Huwag ka nga! Basta dito lang tayo! Huwag tayong bumalik doon! Bakit ba gustong-gusto mong bumalik doon? Dahil ba kay Maeghan?" Tinaasan s'ya nito ng kilay.

"Hay, Jia. Kung alam mo lang talaga na ikaw ang mahal ko at hindi s'ya. Sayang lang, si Dylan ang mahal mo at hindi ako." Nalungkot bigla si Slay sa isiping 'yon.

"Tara! Doon na muna tayo magpahinga sa nakatumbang puno na 'yon kung ayaw mo pa talagang bumalik." sabi niya at nagpatiuna ng maupo sa troso.

Naupo na din si Jian sa tabi n'ya at tahimik silang nakinig sa tunog ng mga kulisap at mga ibon.

"Hay! Tara! Let's check on them." Tumayo si Jian matapos ang mahigit dalawang oras na katahimikan at walang pansinan.

Ano nga kasi ang sasabihin n'ya kay Jian bukod sa titigan lang ito mula sa gilid ng kanyang mga mata? Wala! Umuurong talaga ang dila n'ya kapag ito ang kaharap.

"Akala ko ba ayaw mong bumalik?" Tanong n'ya dito.

"Shhh! Huwag kang maingay. Shut up lang tayo. Tingnan lang natin kung ano ang ginagawa nila."

"Ha? Why?" Takang-tanong n'ya.

"Basta! Sumunod ka nalang sa 'kin at 'wag na 'wag kang gagawa ng ingay kung ayaw mong magalit ako sa'yo." Tinalikuran na siya nito at bumalik sa dako ng dalampasigan.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now