Chapter 4

102 5 0
                                    

Nakahinga ng maluwag si Dylan ng maayos na natapos ang presscon. Maayos niyang napakilala ang sarili sa madla lalo na kay Maeghan. Wala na siyang sekreto pang tinatago dito. At ang mas mahalaga ay hindi ito nagalit sa ginawa niyang pagtatago sa tunay na katauhan dito.

"Relieved?" tanong ng nakahalukipkip pang si Jiana ng madaanan niya ito sa hallway ng building.

"Hmmm. Kinda..." sagot niya habang palinga-linga sa paligid.

"Umalis na siya kanina pa."

Napakamot ng batok si Dylan sa sinabi ni Jian. Hindi talaga nakakaligtas sa dalaga ang kahulugan ng bawat galaw niya.

"Hinahanap ko lang sana para makapagsorry. Hindi ko naman sinadyang maging si Dave."

"No. Sinadya nating itago ang tunay mong pagkatao...aminin natin 'yon. Pero iyon ay isang marketing strategy para bumenta ang cd mo. Ang hindi mo naman sinadya ay 'yong mapaibig mo si Maeghan sa isa mong katauhan. At hindi mo naman magagawang sadyain 'yon sapagkat 'di mo hawak ang puso at isip n'ya. Kung hawak mo, eh 'di sana kayo pa rin..." hirit pa nito.

"Tama ka naman doon. Pero kasi naguiguilty ako. Nararamdaman ko kasing umasa siyang may kapalit na ako sa puso niya at nakita ko ang mga 'yon sa mga titig niya ng pumasok siya sa hall ng magtama ang aming mga paningin habang nakamaskara pa ako."

"You are right. Umasa nga siya kaya tama lang ang ginawa nating ipakilala ka sa madla. Her fantasies ends there. The lies behind your mask had been revealed. Kaya nasa sa kanya na iyon kung ipagpapatuloy pa niya ang kahibangan niya kay Dave which I doubt. Napansin ko kasi ang masasakit at pailalim n'yang mga titig sa'yo kapag nakafocus sa'yo ang lahat. Isa s'yang dakilang inggitera. Gusto n'ya s'ya lang ang sikat."

"Shhh! Jian, hindi ganoon si Meg. Siguro hindi lang s'ya makapaniwalang ako si Dave kaya ganoon nalang siya kung makatingin. She smiled and grinned at me several times kaya naniniwala akong wala na siyang sama ng loob sa akin. Hindi mo dapat bigyan ng negative meaning ang mga kilos niya. Wala lang 'yon, maniwala ka. Mabuting tao si Meg. It's just that...things between us didn't work out." pagtatanggol pa niya sa dalaga.

"Inlove ka pa nga sa kanya. Halatang-halata kasi magpahanggang ngayon bulag ka pa din sa katotohanan. Lahat ng flaws at negative behavior niya lumalagpas ng ganoon-ganoon nalang sa paningin mo. Hindi mo pa din pansin ang kasamaang meron siya." naiiling na ani Jiana.

"Ganoon naman 'di ba? Kapag mahal mo, tanggap mo kung ano at sino siya. Lahat ng masasamang parte ng pagkatao niya ay tanggap mo at wala kang magagawa kundi tanggapin sapagkat siya pa din 'yon."

Napaface palm si Jian  at iniharap ang nakabukang palad sa pagmumukha niya.

"Talk to my hand! Ewan ko ba kung ano ang nakita mo sa babaeng 'yan at hanggang ngayon mahal mo pa. Ikaw na nga 'yong hiniwalayan. Ikaw na nga 'yong sinaktan pero minamahal mo pa rin. Ang sarap mo tuloy pukpukin ng maso sa ulo. Kasingtigas yata ng pader 'yang bungo mo. Kailan ka ba mauuntog ha?"

Tinawanan lang niya ito.

"D'yan! D'yan ka magaling! Ngingiti kang parang baliw d'yan! Ngingiti ka lang na parang hindi ka nasasaktan! Kailan mo ba sasabihin sa akin na pagod ka na? Na masakit na? Na ayaw mo na? Kasi parang ako ang nahihirapan para sa'yo. Kailan ka ba susuko, ha?" pinagbabayo nito ang dibdib niya.

Bigla-biglang napalis ang ngiti sa mga labi ni Dylan. Akmang hihikbi pero sumagap ng maraming hangin para pigilin ang nakaambang pag-usbong ng kirot sa puso niya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at tinapik-tapik si Jiana sa likuran.

"I'm fine, Jian. I'll be fine. Kung ito na ang karma ko sa pananakit sa kanya, bukas-palad kong tatanggapin. She suffered a lot, too. Kaya aakuin at lulunukin ko ng buo ang parte ko sa sakit na ipinaramdam ko rin sa kanya."

Tiningala siya ng dalaga. Halatang naguguluhan ito sa pinagsasabi niya.

"Siguro dapat ko na ring aminin sa'yo ang katotohanan para hindi mo na siya kamuhian pa. Alam kong mahal mo ako bilang kaibigan kaya ganyan ka nalang kung kumampi sa akin."

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Kung gagawa ka na rin lang ng kasinungalingan para pagtakpan ang babaeng 'yon siguraduhin mong kapani-paniwala para naman tigilan ko na ang pagpatay sa kanya sa isip ko." sabi nito habang nakabusangot.

Nginitian niya ito, inakbayan at iginiya palabas ng building.

"Inom tayo. Ikikwento ko."

***
"Muntanga! Gago! Baliw!" malulutong na sapak sa balikat kasabay ng pagmumura nito ang natanggap niya mula kay Jian.

"Alam ko, Jian. Inaamin kong gago ako. Kasi sinayang ko ang babaeng mahal na mahal ko para lang hayaan siyang sumikat. Alam na alam ko kung gaano niya kagusto ang pagsusulat pero palagi niya akong inuuna... pinaprioritize. Akala niya hindi ko nababasa ang mga texts ng publisher niya. Akala niya hindi ko sila naririnig na magkausap noon. Lagi siyang nahuhuli sa mga deadlines niya. Madalas hindi niya naaabot ang kota niya. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para makapagfocus siya. And now, she's successful. My sacrifice paid-off and i'm happy with it." mapaklang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Dylan.

"Kung pwede ko lang ipukpok sa'yo itong boteng hawak ko ginawa ko na. Gago ka talaga! Iginive-up mo para makapagfocus siya at sumikat pero hindi ba ikaw din ang gumawa n'on para sa kanya? Nagpost ka ng napakagandang review sa social media and boom! Sumikat na siya ng ganoon-ganoon lang. Her fans are your avid fans. Sila na nakasunod sa bawat post mo sa twitter at fanpage mo."

"Pa...paano mong nalaman 'yon? Iisang post lang naman iyon at nagbakasakali lang ako. At saka magaling siyang writer. Kahit hindi ko ginawa ang post na 'yon mapapansin din s'ya eventually."

"Ako ang manager mo, remember? Lahat ng activities mo alam ko. Kaya wala kang maitatago. Pwera nalang sa kagaguhang ginawa mo d'yan sa ex mo. Hay! Pathetic ka talaga! Utak biya! Iniwan mo siya para makapagfocus siya at sumikat tapos in the end ikaw din pala ang magiging reason ng pagboom ng career n'ya! How ironic 'di ba? Eh 'di sana 'di mo nalang iniwan eh no?!" Pinagtitinginan na sila ng ibang costumers sa pag-aakalang nag-aaway sila dahil ang lakas ng boses ni Jiana.

"Too late, Jian. Nagsisisi man ako hindi ko na maibabalik ang dati. Wala nang kami. Ours was history. Hindi ito kagaya ng sa pelikula, wala itong take 2."

"What if magkaroon?"

Nilingon niya ito. "Impossible. Hindi na niya ako mahal. Nabura na niya ako sa puso niya. Kung hindi man, siguradong galit nalang ang nararamdaman niya para sa akin." Naiiling na aniya.

"Everything is possible. Lalo na at pareho kayong single. At magsasama pa kayo sa isang proyekto."

Nginisihan niya ito. "Teka nga! Akala ko ba galit ka kay Meg? Eh bakit parang gusto mo pa kaming magkabalikan ngayon?"

"Heh! Ikaw lang 'tong may pasekre-sekreto pang nalalaman. Hindi naman ako magagalit doon sa tao kung alam kong ikaw lang pala ang nanakit sa kanya. Hindi ka niya intensyong saktan. Ikaw lang ang utak biya d'yan..." inirapan pa siya nito. "Pero sa balikan part? Ewan. Baka masaktan n'yo lang ulit ang isa't isa. Second chances are given to those who deserves it. Patunayan mo muna na deserving ka sa second chance at gagawin din ng tadhana ang part niya. Kung hindi... akin ka nalang."

Muntik na siyang masamid sa iniinom dahil sa huling sinabi nito.

"Tigilan mo nga ako sa mga biro mong ganyan, Jiana. Kulang ka lang sa inom." Natatawa pang aniya sabay tungga mula sa boteng hawak niya.

"Bakit? Sino ba ang nagbibiro?"

Naibuga na talaga niya ang iniinom. Mabuti nalang at walang tao sa harap niya kundi away pa ang kinahantungan nito.

"Jian..." masakit ang mga titig na ibinigay niya rito.

"For now, kung gusto mong magkabalikan kayo, gawin mo ang lahat. But bear in mind that i'm watching over you two. Kung ayaw na talaga sa'yo ni Maeghan, gagawin ko ang lahat para matutunan mo akong mahalin. I have to go. Call me if you need anything." Tinapik siya nito sa pisngi bago mabilis na tumalilis at iniwan siya.

"Do I deserve a second chance at Maeghan? Or do I deserve to be loved by Jiana who stays by my side after all these years through my successes and downfalls?"

I Love You, ExWhere stories live. Discover now