Chapter 14

92 4 0
                                    

Dinig mula sa pinagtataguan ni Slay ang pag-uusap nina Jian at ng may-ari ng bangkang pilit inaarkila ng dalaga.

"Ma'am, eh ang lakas po ng alon sa dakong 'yon. Hindi po namin kayang pumalaot ngayon. Pupwede bang kapag bumuti nalang ang panahon?" pakiusap ng bangkero.

"Kailangang ngayon na, Manong. Hindi pupwedeng hindi kami makaalis ngayon. Nauubos ang oras namin dito." pamimilit pa ng dalaga.

"Eh hindi po talaga pwede, Ma'am. Sobrang delikado po talaga. Baka mapahamak pa po kayo kapag ipinilit natin. Hindi kasi kalakihan ang mga bangka namin. Para lang talaga sa malalapit na isla." naiiling pang tanggi nito.

Akmang magsasalita ang dalaga ng sumabad si Slay.

"May problema ba, Mang Rey?" nakangising tanong ng binata sabay lapit sa kinaroroonan ng mga ito.

"Bakit ka na naman nandito aber?" nakapameywang na tanong ni Jiana sa kanya.

"Napadaan lang. Narinig ko kasing may problema. Baka naman pupwede akong tumulong?" alok niya.

"No! We can handle it. Umalis ka nalang. We don't need your help." pagmamaldita pa ni Jiana.

"Eh sir. Si ma'am kasi nagpupumilit pahatid sa Isla Zocorro. Eh hindi naman namin kaya kasi malakas ang alon papunta doon ngayon." sumbong ng bangkero kay Slay.

"Iyon lang naman pala ang problema. Pupwede bang pakilabas nalang ng pinatago kong yate sa inyo, Mang Rey? Ako na ang bahalang maghatid sa kanila papunta doon sa isla." utos n'ya sa bangkero.

"Ano? Ikaw ang maghahatid sa amin? Naku! 'Wag ka ng mag-abala. Hindi namin kailangan. Pakipuntahan nalang kami sa hotel kapag pwede na kayong pumalaot, Mang Rey. Ipostpone nalang muna natin."

Tumingin ang bangkero kay Slay na wari'y hinihintay ang utos nito.

"Sige na, Manong. Pakikuha na ang yate. Si Maeghan nalang at si Dylan ang isasama ko sa Isla Zocorro kung ayaw sumama ng magandang binibini na 'yan."

Agad namang tumalima ang bangkero para kunin ang yate.

"Bakit ka na naman ba nakikialam ha, Slay? Hindi ka ba talaga titigil sa pambubwisit sa akin?"

Kitang-kita sa namumula nitong pisngi ang galit nito sa kanya.

"Oh? I'm doing Meg and Dylan a favor. Hindi ba kailangan nilang tapusin ang kwentong ginagawa nila? Sila lang naman ang importanteng madala sa isla ah. Hindi mo naman kailangang sumama, Jia. Magpaiwan ka kung talagang nabubwisit ka sa pagmumukha ko."

Tinalikuran niya ito at naglakad palayo.

"Slay!!!" galit na sigaw nito pero hindi siya lumingon.

Nakangising iniwan niya ito at sinundan si Mang Rey.

"Tingnan lang natin kung 'di ka talaga sasama, Jia."

***
"Bakit ikaw ang maghahatid sa amin, Slay?" tanong ni Meg habang nakasunod ito sa kanya papunta sa yate.

"Hindi kasi kaya ng maliliit na bangka ang pumalaot doon kasi malakas ang alon. Ayaw mo pa n'on? Magkasama pa din tayo? Maitutuloy ko na ang panliligaw ko sa'yo." nilakasan n'ya ang huling mga salita para marinig ni Jiana na nasa daungan din at kausap si Dylan.

Nagtama ang paningin nila ni Jiana kaya nakita n'ya ang pagtalim ng titig nito.

"Tara na, pre. Baka gabihin tayo sa laot."

Nagpatiuna sila ni Meg at nakasunod si Dylan sa kanila.

"Oh? Akala ko ba papaiwan ka, Jia?" pang-aasar n'ya ng makitang sumunod din ito sa kanila.

Hindi s'ya nito sinagot pero itinuro ng dalawang daliri ang mga mata saka itinuro sa kanya na wari'y sinasabi na "i'm watching you" at nagpatiuna ng maglakad.

Tumawa nalang ng mahina si Slay saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

"What's with you and Jiana, Slay?" napatigil sa paglalakad si Slay at nilingon ang nagtanong na si Maeghan.

"What's with us? We're strangers to each other. Common friend lang namin si Dylan. We're not even comrads."

Napatango-tango naman si Meg at nauna ng maglakad kay Slay.

Habang si Slay ay hindi magawang maihakbang ang mga paa paakyat ng rampa kung saan nakadaong ang yate.

"I love her. Kaso wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya. Ang alam n'ya kasi masamang lalaki ako. Playboy, heartbreaker at fuckboy. Kaya pinapanindigan ko nalang. Ang totoo, walang laman ang puso't isip ko kundi s'ya lang mula pa noon." Napabuntong-hininga si Slay.

Nagkamali din s'ya ng desisyon noon kaya ganito sila ni Jiana ngayon. Liligawan n'ya sana ito kung 'di lang talagang nangangatog ang tuhod n'ya sa tuwing malapit ito sa kanya. Liligawan n'ya ito kung hindi lang siya nanginginig at nauupos na parang kandila kapag tinititigan s'ya nito. Pero ano'ng magagawa n'ya? Sa totoo ay torpe s'ya. Idinadaan nalang n'ya sa angas at biro ang lahat para mapagtakpan ang totoo n'yang damdamin.

Halos mabatukan n'ya ang sarili ng niyaya n'ya si Jiana na maging fuck buddy. What can he do? Nilamon s'ya ng selos kay Dylan. Hinangad n'yang maging kanya si Jiana sa kahit na anong paraan. Pero nagkamali s'ya. Lalo lang itong nawala at lumayo sa kanya.

"Ano pa ang hinihintay mo d'yan gabi? Papalubog na po ang araw. Vovolunteer maghatid, babagal-bagal naman." ani Jiana ng dumungaw mula sa ibabaw ng yate.

"Naku! Kung hindi lang talaga kita mahal!" Naiiling na binilisan nalang niya ang pag-akyat.

***
Tahimik nilang binabagtas ang medyo maalong dagat ng biglang namatay ang makina ng yate.

" What the hell happened, Slay?" kaagad na dinaluhan siya ni Jian na kanina lang ay tahimik na nagmamasid sa maalong dagat.

"Ewan. Bigla nalang tumigil ang makina." aniya habang iniispeksyon ang mga gauge ng yate. "F*ck! We're out of gas."

"Nagmamagaling kasi. Mapapahamak pa tuloy kami ng dahil sa'yo! Hoy, Slay! Kapag may nangyaring masama sa amin siguraduhin mo lang na makapagtago ka sa impyernong babagsakan mo kundi papatayin kita ng paulit-ulit!" singhal ni Jiana sa kanya.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ni Maeghan.

"Relax, Meg. Andito lang ako. Everything's going to be fine." pag-aalo ni Dylan dito.

Hindi sumagot si Meg bagkus ay lumapit kay Slay.

"Paano na tayo, Slay?"

"Relax lang. Hindi makakatulong ang pagpapanic. Magpaanod nalang muna tayo hanggang mag-umaga. Ipanalangin nalang natin na may makakita agad sa atin dito sa laot. Papadilim na at mahirap na maghanap ng isla para mahingan ng tulong. Gamitin natin ang rubber boat st mga sagwan para makahanap ng tulong bukas na bukas din."

"Hoy, Slay! Kapag itong yate lumubog wala kang ibang sasagipin kundi ako!" Maangas na turan ni Jiana.

"No! Ako ang ililigtas mo, 'di ba, Slay?"

Napakamot ang binata. Ano ang isasagot n'ya? Kapag nga dumating sa sitwasyong ganoon sino ang sasagipin n'ya? Si Meg ba? Kasi sa tingin n'ya ayaw nitong pasagip kay Dylan. O si Jiana? Kasi inutos nito sa kanya at dahil mahal n'ya ito? Kahit pa siguradong nakahanda naman ang pinakamamahal nitong si Dylan sa pagsagip rito?

I Love You, ExWhere stories live. Discover now