Chapter 24

68 3 0
                                    

"Ano?! Nawawala ang anak ko?!" Napatayo ang mommy ni Meg ng malaman mula sa mga pulis ang balita.

"Ma'am, huminahon po kayo. Bumuo na po ng search and rescue team ang Batanes Police para mahanap ang anak ninyo at ang mga kasama niya. Sadyang ipinaalam lang namin ito sa inyo upang maging aware po kayo sa sitwasyon. Nahanap kasi ng mga mangingisda na palutang-lutang sa dagat ang yateng maaaring kinalulanan ng anak ninyo at inireport ito sa mga police na nakipagcoordinate naman sa amin gamit ang mga detalyeng nasa identification cards ng mga ito. Nakita kasi sa yate ang mga mahahalaga nilang gamit at ID's pero wala na ang mga nakasakay dito."

"Alam na ba ninyo kung bakit nawawala sila? Hanggang ngayon ba wala pa ring balita sa kanila?" Tanong naman ng daddy ni Meg.

"Sa ngayon, sir, wala pa talaga. Pero ginagalugad na ng mga rescuer ang mga isla sa Batanes at baka napadpad lamang ang mga nawawala sa isa sa mga islang ito. Huwag lang sanang nahuli ng mga tulisang-dagat na minsan ay nambibiktima ng mga manlalayag upang gawing bihag at ipatubos sa mga pamilya o 'di kaya'y gawing alipin ang mga ito. Natuklasan ding walang gasolina ang yate na maaaring naging dahilan din ng pag-iwan nila sa yate sa gitna ng dagat."

Nagsimula ng umiyak ang mommy ni Meg na agad namang inalo ng daddy n'ya.

"Oh my, God! Ronie! Ang anak natin. Hanapin natin si Meg. Please."

"Oo, Irene. Hahanapin natin si Maeghan. Ibabalik natin dito ang anak mo."

***
Hindi napakali ang mommy at daddy ni Meg. Tumulong sila sa search and rescue ng mga pulis gamit ang inarkila nilang sea plane.

"Ayon! May usok sa dalampasigan ng islang 'yon! May SOS sign din gawa sa malalaking bato." turo ng piloto.

"Maaaring sina Maeghan ang natrap sa islang 'yan!" sabi ng pulis na kasama nila.

"Babain natin at ng nalaman." utos ng daddy ni Maeghan.

Sumunod naman ang piloto. Bahagyang binagalan ang pagpapatakbo at dahan-dahang inilapag ang sea plane sa tubig malapit sa dalampasigan ng isla.

Hindi naman magkandaugaga sa pagkaway at pagtakbo papalapit sa kanila ang apat na taong natrap nga sa islang iyon.

"Maeghan! Baby ko!" sigaw ni Irene ng makita at marecognize ang anak.

Iksaktong nasa mababaw na bahagi na sila ng tubig ng tumalon siya mula sa sea plane para lapitan ang mga ito.

"Mommy? Mommy!" agad namang lumapit si Meg sa kinaroroonan ng ina at agad na niyakap ito.

"Thank God you're safe, Meg. Okay ka lang ba anak? Nangayayat ka yata? Andito na ang mommy ha? Uuwi na tayo." gumanti ito ng yakap sa anak.

"Thank you at nahanap mo kami, mom. Akala ko habang buhay na kami dito eh." humihikbing ani Meg.

"Ang mga pulis ang nagbalita sa amin. Nakita daw ang mga gamit n'yo sa yateng palutang-lutang sa dagat. Salamat at walang nangyaring masama sa'yo at sa mga kasama...mo."

Napatiim ang titig ni Irene sa isa sa mga binatang kasama ni Meg na natrap sa isla.

"Mom? Ah... Si Jiana po. Tsaka si Doc Slay at si Dy..."

"Alam ko. Kaya pala minalas ka na naman. Dylan right?" tumalim ang titig ni Irene sa binatang 'di malaman kung ano ang gagawin ng lumapit s'ya dito.

Walang sabi-sabing sinampal ni Irene si Dylan.

Napahawak na lamang ang binata sa pisnging nabiling dahil sa lakas ng pagkakasampal ng ina ni Meg dito. Nagtatanong ang mga titig ni Dylan kay Irene.

"Para 'yan sa mga pasakit na dinanas ng anak ko ng dahil sa'yo noon, Dylan! Noon ko pa gustong gawin 'yan sa'yo! Noon pang nakita kong nasasaktan at naghihirap ang anak ko dahil sa pananakit at pag-iwan mo sa kanya! Hindi ko akalaing magagawa ko din ito, Dylan."

Pinigilan ni Meg ang ina sa maaari pa nitong gawin ay Dylan.

"Mom! Please stop. Tama na po. Nagkaay..."

"Layuan mo na ang anak ko, Dylan! Ayokong makitang lumalapit ka pa sa kanya! Dahil kapag nangyari 'yon, ako na ang makakalaban mo!"

Hindi makasagot si Dylan. Hindi n'ya alam ang sasabihin o gagawin.

"Salamat sa pagliligtas sa amin, Tita. I'm Doctor Slay Alejandro." pag-agaw naman ng eksena ni Slay para mailayo ang nag-aalimpuyos na atensyon ng ina ni Meg kay Dylan. "I'm Meg's suitor."

Tinitigan ni Irene si Slay mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo. Tapos napangiti ng malapad.

"Doctor Slay Alejandro? Manliligaw ka ng anak ko? Hmmm... Nice catch, Meg. Bakit hindi mo na agad sagutin itong si Slay. He seemed nice." bulalas nito. Kitang-kita sa mukha nito ang aporoval kay Slay.

"Mom! Hali ka na. Umuwi na tayo."

Hinila naman ni Meg ang mommy n'ya para tantanan na si Dylan. Binigyan naman nito ng death glare si Slay dahil sa mga pinagsasabi nito sa mommy n'ya. Habang apologic naman ang mga titig n'ya kay Dylan habang inaakay palayo ang ina.

Napasunod nalang ang tatlo sa mag-ina.

***
"Magkwento ka about kay Slay, anak. Doctor s'ya 'di ba? Saan s'ya dito banda nakatira? Pwede bang mahingi ang number n'ya? Puntahan kaya natin s'ya bukas sa kanila? Do you think its fine with him if we pay him a visit?" sunod-sunod na tanong ni Irene sa anak.

"Mom! Please! Tigilan mo na ako d'yan kay Slay. Ewan ko. I don't know anything about him aside from him being a doctor. Doon lang kami nagkakilala sa Batanes. Isa pa, babaero ang taong 'yon. Ayoko sa kanya. I'm going to rest, mom. Pagod ako. Gusto ko ng matulog. Ang tagal namin sa isla kaya naging restless ako." pagtataboy ni Meg sa ina.

"May kayo ba ulit ng Dylan na 'yon?" nakapameywang na tanong n'ya sa anak na nagtalukbong na ng kumot.

Napatingin si Meg sa ina pero hindi nakasagot.

"I knew it! Magpapakatanga ka ulit sa lalaking muntik ng sumira sa buhay at pagkatao mo, Meg? You've gone through a lot because of him! Hindi ka pa ba nadala?" naiiling na aniya

"Mom! Mahal ko si Dylan. Nagkaayos na kami."

"Then break-up with him! Layuan mo na s'ya ng tuluyan, Maeghan! Inuutusan kita!"

"No, mom. Please huwag ka na pong makialam regarding this. This is my life so I got to decide on this. Mahal ko si Dylan kaya ipaglalaban ko s'ya kahit sa inyo pa!"

"I want Slay for you, Meg! Gusto kong sagutin mo s'ya if he's really courting you. Kung hindi? Ako na ang gagawa ng paraan para magkatuluyan kayo!"

I Love You, ExWhere stories live. Discover now