Chapter 15

76 4 0
                                    

"Hah! Sa wakas!" Bulalas ni Meg ng isa-isa silang mapahiga sa buhanginan ng islang kanilang dinaungan.

Halos ilang oras din ang ginawa nilang pagsagwan hanggang sa makarating sa islang sa malas ay wala yatang nakatirang tao.

"This place is a paradise but looks haunted, too. A virgin island I can say." Puna ni Jian habang nililibot ang mata sa paligid.

Puro mayayabong na punong-kahoy at sobrang matataas na mga puno ng niyog na hitik na hitik sa bunga na ang iba ay nagsilaglagan nalang sa buhanginan ang nakapalibot sa kahabaan ng dalampasigan.

Inilabas ni Maeghan ang cellphone para sana makahingi ng tulong.

"Argh! Kagaya din kanina sa yate. Walang signal. Paano tayo makakahingi ng tulong n'yan?" Ani Meg sabay pukol ng matalim na tingin kay Dylan.

"Kasalanan mo 'to, Slay! Kasalanan mo kung bakit napadpad tayo sa islang 'to! Paano na tayo n'yan ngayon?" Paninisi naman ni Jiana kay Slay.

"Guys! Guys! Relax. Paano tayo makakapag-isip ng dapat nating gawin kung ngayon palang nagsisihan na tayo. May chips, bread at canned goods pa naman tayong makakain ngayon. Kainin na muna natin. After this, aalis kami ni Slay para maghanap ng tao dito sa isla o kahit signal manlang para makatawag. Dito na kayo ni Meg, Jian, maghanap kayo ng panggatong na pwede nating sigaan para makagawa ng apoy at usok para mapansin tayo ng mga dumadaang sasakyang pandagat." Turan ni Dylan habang inaayos ang kakainin nila.

Kanya-kanya namang kuha ang apat. Kagabi pa talaga sila hindi kumakain kaya gutom na gutom na din sila. Magdamag silang nag-abang ng tulong na dadaan malapit sa yate pero bigo sila kaya nagdesisyon nalang na sakyan ang rubber boat at maghanap ng isla.

"No! Ayokong maiwan dito." Bulalas ni Jiana. "Kami nalang ni Slay ang lilibot sa isla. Maiwan kayo dito ni Meg."

Kaagad na dumampot si Jiana ng pagkain at isinubo ito sa akmang tututol na si Slay. Dumampot ulit ito ng pagkain para sa sarili at mabilis na hinila palayo ang binata mula sa dalawa.

Nakatungangang naiwan sina Meg at Dylan na hindi manlang nakapagreact. Walang imikan na kumain na lamang sila ng mawala na sa paningin nila ang dalawa hanggang sa maubos nila ang natira.

Tumayo kaagad si Meg at ipinagpag ang shorts na napuno ng buhangin.

"Saan ka pupunta, Meg?" Tanong naman ni Dylan na tumayo na rin mula sa kinauupuan.

"Saan pa! Eh 'di susunod kay Slay. Hindi ko kayang maiwan dito kasama ka." inirapan niya ang binata.

"Pero, Meg... Kailangang may maiwan dito. Baka may mapadaang bangka. Kailangan nating makahingi ng tulong at ng makaalis na agad tayo sa islang ito."

Hindi n'ya pinakinggan si Dylan bagkus ay tinahak ang dakong pinuntahan nina Jiana at Slay. Pero hindi pa man s'ya nakakalayo ay kumaripas na s'ya ng takbo pabalik ng makarinig ng kaluskos mula sa mayabong na damuhan.

"Argh! Bakit kasi ang malas- malas mong tao, Dylan? Kung bakit kapag kasama kita lagi akong nalalagay sa mahirap na sitwasyon? Palibhasa kasi kampon ka ng dilim kaya kasamaan lagi ang dala mo!" Singhal ni Meg sa binatang hindi manlang siya sinundan. Bagkus ay nagsimula nang magpulot ng mga tuyong sanga ng puno na nagkalat sa dalampasigan.

Umiling-iling lamang ito pero hindi s'ya sinagot.

"Napipi ka na rin ba? Ano! Magsalita ka!"

Ewan niya pero kapag nakikita n'ya si Dylan gustong-gusto n'ya itong sinisigawan, binubulyawan at inaaaway.

"Walang maitutulong ang pakikipag-away sa'yo, Meg. Tulungan mo nalang akong magpulot ng mga panggatong at ng makagawa na ako ng apoy." Baling nito sa kanya.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now