Chapter 27

71 5 0
                                    

"Ikakasal na ang anak ko kay Slay! Narinig mo ako? Ikakasal na si Maeghan kaya layuan mo na s'ya!" Umalingawngaw at halos mabasag hindi lang ang eardrums ni Dylan kundi pati ang puso n'ya sa narinig mula sa mama ni Meg sa cellphone bago naputol ang linya.

"No! Hindi totoo 'to!" Pinagsusuntok n'ya ang manibela pero ng mahimasmasan ay napahilamos sa mukha at napatitig sa kawalan.

Naisip n'ya si Meg at ang mga nangyari sa isla. "Hindi magagawa sa akin ni Meg 'yon. Halos ipangalandakan na nga n'ya ang sarili sa akin para lang balikan ko s'ya. Ibinigay n'ya ang pagkababae n'ya at hiniling na sana ay makabuo kami para lang makuha akong muli."

"Maybe that was a lie. Tama! Siguro gusto lang ni Tita na panghinaan ako ng loob at ng layuan ko na si Meg. Alam kong hindi s'ya boto sa akin kaya n'ya ginagawa ito. Pero hindi! Si Meg ang dapat kong kausapin. S'ya lang ang makakapagsabi sa akin kung ano ang totoo. Hindi ako dapat magpadala sa galit."

Pinaandar n'ya ang kotse. "Pupunta ako sa bahay nina Maeghan. Kailangang maging malinaw ang lahat sa akin."

Akmang papatakbuhin na n'ya ang sasakyan ng may kumatok sa salamin ng kotse n'ya.

Nang makitang si Jian ito ay kaagad n'yang binuksan ang bintana.

"Saan ka pupunta, Dy? Magsisimula na ang meeting." Kaagad na tanong nito.

"Kina Meg. Kakatawag lang niya sa akin. Ayaw daw s'yang palabasin ng mama n'ya eh. Tsaka ng inagaw ng mommy n'ya ang cellphone, sinabi nitong ikakasal na si Meg kay Slay."

Nakita n'yang natulala si Jiana sa sinabi n'ya. Kagaya n'ya ay halos hindi rin ito makapaniwala.

"Si...si Maeghan ikakasal? Ikakasal s'ya kay Slay?"

"Her mom said so. Kaya pupuntahan ko si Meg. We need to talk. Hindi ganitong sa mommy ko pa n'ya malalaman na ikakasal s'ya sa iba."

Nagulat s'ya ng mabilis pa sa alas kwatro na pumasok ito sa passenger side ng kotse at nagseatbelt.

"Sasama ka?" Tanong n'ya.

Ngunit wala manlang itong sagot. Nakatitig lang ito ng diretso sa labas ng bintana na wari'y ang lalim ng iniisip.

"Tsk! Grabe! Mas affected ka pa yata ah? Eh ako naman itong inagawan ni Slay ng papakasalan." Naiiling na nagmaneho na lamang si Dylan papunta kina Meg.

***
"Meg? Maeghan!" Tawag ni Dylan mula sa labas. Katok ng katok s'ya sa gate ngunit wala namang lumalabas.

"Meg! Alam kong nand'yan ka! Lumabas ka naman d'yan oh! Mag-usap tayo!" Sigaw n'ya ulit habang kinakatok ang bakal na gate.

Nakahinga s'ya ng maluwag ng bumukas ang main door pero agad ding napalitan ng takot at kaba sa paglabas ng mommy ni Maeghan.

"Hoy lalaki! Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka? Kay aga-aga nagsisigaw ka d'yan! Walang modo! Kailan ka ba magkakaroon ng manners ha?" Bungad nito pagbukas ng gate.

"Good morning, Tita. Kanina pa po ako nagdodoorbell eh wala pong sumasagot kaya inakala kong sira ang doorbell ninyo. Pasensya na po."

"Hindi sira ang doorbell namin! Sadyang wala lang kaming balak pagbuksan ka ng pinto! Kung hindi nga lang sa naiistorbo na ang mga kapitbahay sa pag-iiskandalo mo, hinding-hindi kita lalabasin dito! Ano bang kailangan mo ha?" Nakapameywang pang tanong nito.

"Sorry po ulit, Tita. Nandyan po ba si Meg? Pwede po ba s'yang makausap?"

"Natutulog. Bumalik ka nalang sa ibang araw. Or much better, huwag ka ng babalik pa! Hala! Alis na at madami pa akong ginagawa sa loob!" Pagpapalayas sa kanya nito.

"No, Tita! Dito lang ako hangga't hindi ako kinakausap ni Meg! Hindi po ako aalis dito ng hindi kami nagkakausap." Pagmamatigas pa n'ya.

"Oh 'di bahala ka!" Anito sabay pasok sa gate at pabalibag na isinarado ito.

Napabuntong-hininga si Dylan at naupo sa gilid ng gate nila Meg.

"Hali ka na, Dy! Umalis na tayo! Wala kang mapapala dito." Sigaw ni Jian mula sa kotse.

Iling lang ang maging sagot n'ya dito. Isinandal n'ya ang ulo sa gate at ipinikit ang mata.

"Bahala na! Kahit umagahin pa ako dito. Ang importante ay makausap ko si Meg." Aniya sa sarili.

***
"Meg! Please talk to me! Please!" Papalubog na ang araw pero wala pa ring Meg ang lumabas ng bahay. Halos balyahin na n'ya ang gate ng bahay nito para lang pansinin s'ya ng mga ito.

"Hindi ka talaga titigil eh no?" lumabas ang mama ni Meg at hinarap ulit s'ya.

"Please, Tita. Please hayaan mo akong makausap si Meg. Please!"

"Here! Read this and go away! Ayaw ka ng makausap o makita manlang ng anak ko kaya umalis ka na dito!" May iniabot ito sa kanya na isang nakatuping papel bago isinara at inilock ang gate.

Agad na binuksan ni Dylan ang papel at nanlumo sa nakasulat dito.

Dylan,

I'm sorry for what i've done. I'm sorry but I don't really love you. Ginantihan lang kita sa pang-iiwan mo sa akin noon. Si Slay talaga ang mahal ko and i've decided to marry him soon. Please let go of me and move on with your life.

                                                   Maeghan

"No! Hindi totoo 'to! Maeghan! Lumabas ka d'yan! Sabihin mong kasinungalingan lang ang nakasulat sa papel na ito! Harapin mo ako!" Sigaw n'ya habang pinagsisipa at pinagpupukpok ang gate.

"Sir! Tama na po! Nabubulabog na ang buong subdivision dahil sa ingay n'yo. Umalis na po kayo kung ayaw n'yong kaladkarin namin kayo palabas." Sita ng guard sa kanya.

Doon palang s'ya napalingon sa paligid. May iilan ng kapitbahay sina Meg na lumabas at nakiusyoso.

"No! Ayoko! Gusto kong makausap ang girlfriend ko! Meg! Meg! Bumaba ka dito!"

"Tara na, sir!" Hinawakan s'ya ng isang guard sa braso.

"Pwede ba? Bitawan mo nga ako! Meg! Meg! Kausapin mo ako please!"

Iwinasiwas n'ya ang kamay dahilan para mapaatras ang gwardiya. Hindi pa nakontento ay sinuntok pa n'ya ito sa panga na naging dahilan ng pagkalugmok nito sa kalsada. Doon na tumulong ang iba pang gwardiya at pinagsusuntok at pinagsisipa na rin si Dylan.

"Tigil! Tama na! Hindi na s'ya lalaban. Aalis na kami!" Awat ni Jian na napababa na rin ng sasakyan ng makita ang kaguluhan. Niyakap nito si Dylan upang protektahan mula sa mga sipa at suntok ng mga ito.

"Dy? Are you okay? Sabi naman sa'yo na aalis na tayo dito 'di ba?" Pinunasan nito ang dugo sa mukha at labi ni Dylan.

"I'm fine. Halika na, Jian. Alis na tayo dito." Awat n'ya sa pagpupunas nito sa kanya. Paika-ika s'yang tumayo at saglit na tumitig sa bahay nina Meg habang nakakuyom ang kamao.

"You betrayed me, Meg! Malinaw na sa akin na gumaganti ka sa pang-iiwan ko sa'yo noon. Hindi kita mapapatawad! You'll pay for this, Maeghan!"

I Love You, ExWhere stories live. Discover now