Chapter 6

84 4 0
                                    

"What?!" Halos pasigaw nang tanong ni Meg sa receptionist kaya napalingon ang ibang turista.

"Sigurado ka talagang sa iisang kwarto lang kami magsistay, miss? Pakicheck nga ulit," napapalatak na ani Meg.

"Yes, ma'am. Iyan talaga ang nakalagay dito. A reservation for Mr. and Mrs. Dylan and Maeghan Ventura."

"Damn!" Napamura siya sabay irap kay Dylan na parang baliw na tumatawa sa tabi niya.

"Hahaha! Kaya pala honeymoon suite. Ngayon ko lang nalaman mag-asawa na pala tayo." Bulong nito sa kanya.

"Heh! Sige tawa pa! Mapasukan sana ng langaw 'yang malaki mong bunganga!" Baling niya rito.

Halos maluha naman ito sa kapipigil ng tawa.

Sinamaan niya ito ng tingin at nag-isip kung ano ba ng mas mabuting gagawin.

"May iba pa bang available rooms, miss? Doon nalang ako kaysa makasama ang ulupong na 'yan!"

"Teka. Sandali, ma'am, ha? Hmmm... Naku! Fully-booked na po. Wala na po talagang room na available except doon sa nakareserve na para sa inyo."

Parang gusto na niyang umatras at maghanap ng ibang matutuluyan pero malamang sa malamang ay mahihirapan siya sapagkat wala nang ibang hotel sa bayan na ito kundi ang Fundacion Pacita Nature Lodge kung saan sila naroroon ngayon. Ayaw naman niyang magbakasakali sa ibang maliliit na inn sapagkat kapag mura talagang mas dinadayo ng mga nagtitipid na turista. Dadalawa lang din ang maliliit na inn sa bayan.

"Looks like wala kang ibang choice kundi ang makasama ako sa iisang kwarto." Nakangising turan ni Dylan.

Napabuntong-hininga siya tanda ng pagsuko. "Stay at your corner while I stay at mine. Walang pakialaman kahit nasa iisang kwarto lang tayo."

Nakangiting binalingan ni Dylan ang receptionist. "We'll take the room."

***
"Hay! Sa wakas! Makakapagpahinga rin. Gusto mong mag-order tayo ng food?" Tanong ni Dylan sa kanya matapos nitong magdive sa kamang pagsasaluhan nila habang siya ay naiiling na nakatayo lamang sa may pintuan.

"I don't talk to strangers." sagot lang niya.

Tiningnan niya ang kabuuan ng kwarto. Malaki ang king size bed na nasa gitna. Obviously ay magtatabi sila sa kama at ng masiguradong may sobrang unan ay napangiti siya. Alam na niya ang magiging silbi ng mga ito. May mini sala set din at kompleto sa appliances ang kwarto. Maaliwalas ito dahil sa malalaking bintanang natatabingan ng kurtina. Dinig na dinig din ang malalakas na hampas ng alon mula sa malapit na baybaying dagat.

"Beautiful isn't it? Hindi kagaya noong una nating punta dito. Sa maliit na inn lang tayo nagstay. Estudyante palang kasi tayo noon."

Gusto niyang takpan ang tenga ng mag-umpisa ng magsalita si Dylan.

"Pwede ba, Dylan! Ayokong makarinig ng kahit ano mula sa nakaraan. Kung ayaw mong maging warzone itong kwartong 'to... please lang manahimik ka!"

Napabuntong-hininga ang binata. "I'm sorry. Hindi ko intensyong galitin ka. I was just trying to make a conversation."

"Sinabi ko na hindi ba? Ayoko ng kausap! Gusto ko ng katahimikan! Ang ipinunta ko dito ay pagsusulat. Gusto kong matapos agad itong ginagawa nating storyline para makauwi na ako at makalayo na mula sa pambubwisit n'yo!"

Nagtaas ng dalawang kamay ang lalaki at tahimik na lumabas ng kwarto.

"Mabuti naman at naisipan niyang lumayas sa harapan ko." aniya sabay salampak sa gilid ng kama at isinubsob ang mukha sa dalawang palad.

"Bakit ba nila ginagawa sa akin 'to? The hell! I was trying to move on and be free from this heartache kahit na sobrang hirap! Bakit ba kailangang ibalik ulit ang nakaraan?"

Hinayaan niyang maglandas ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Akala ko nalimot na kita! Akala ko hindi na masakit! Akala ko nakamove-on na ako! Pero akala ko lang pala 'yon." Dahil pagkakita palang niya ulit kay Dylan, hindi lang memories ang bumalik kundi pati na rin ang sakit na pilit niyang pinaghilom sa loob ng mahabang panahon.

"I hate you, Dylan! I really hate you! Hinding-hindi kita mapapatawad kahit kailan!" aniya sa isip.

Tahimik siyang umiyak habang pinapakinggan ang mabalasik na paghampas ng alon sa batuhan.

Inalala ang kahapong pilit niyang ibinabaon sa limot. Kagaya ng mga importanteng araw para sa kanila ni Dylan na naicelebrate niya ng mag-isa, ang pagtitiis niya sa pagprioritize nito sa trabaho nito kaysa sa kanya at sa rason ng pakikipaghiwalay niya rito... ang pambababae nito.

Napatingala siya at napalingon ng may marinig na nagsasalita. Inakala niyang bumalik si Dylan pero hindi pala. Nakita niya ang pag-ilaw ng cellphone na naiwan nito sa ibabaw ng kama. Isa pala itong recorded ringing tone na si Dylan mismo ang nagsasalita.

Ito ang maririnig mula sa ringing tone:

Sa tuwing ako'y nag-iisa, ika'y naaalala
Inaalala ang bawat araw na kasama ka pa... iyong dating saya noong tayo'y nagmamahalan pa
Ipinapanalangin na sana muli ay maging akin ka

Ngunit lahat ng masasayang alaala, ngayon ay kupas at lumipas na
Iyong dating masaya at masigla kong musika
Ngayon ay pulos masasakit at malulungkot ng mga kanta
Nagsisisi ako kung bakit iniwanan ka pa
Pagkat ngayon nabatid kong kailangan pala kita
Walang saysay ang buhay dahil wala ka

Iyong dati mong binibitawang salitang 'mahal na mahal kita'
Na ngayo'y naging 'kinamumuhian kita'
Hiling ko na sana ay bawiin mo na
Iyong galit at pagkamuhi mo sana ay maglaho  na

Mahal kita, minahal kita at patuloy na minamahal ka pa
Kaya sana mahal...
Bumalik ka na

(A/N: Pagpasensyahan n'yo na. Di magaling sa spoken words poetry si Ate Honey)

Hindi alam ni Maeghan kung bakit lalong tumulo ang luha niya at sobra-sobra siyang binalot ng kahungkagan at kalungkutan. Ang alam niya lang at sigurado siya ay para sa kanya iyong mga sinabing 'yon ni Dylan. Ramdam ng buo niyang katawan ang sinseridad ng mga salitang binitawan ni Dylan kahit na pinipilit ng utak niyang sabihing pawang kasinungalingan lamang ang mga sinasabi nito.

Nakarinig siya ng kaluskos sa labas ng pinto at ang pagpihit ng doorknob kaya dali-dali niyang tinungo ang banyo.

Kaagad niyang inilock ang pinto ng banyo bago pa man makapasok si Dylan sa kwarto. Ayaw niyang makita siya nitong naguguluhan sa sariling damdamin.

Nanginginig na niyakap niya ang sarili sapagkat hindi niya mapigil ang paglabas ng laksa-laksang emosyon na bumalot sa buo niyang pagkatao habang pinapakinggan ang pagkatok ni Dylan sa pintuan ng banyo.

"Andyan ka ba, Meg?"

"Leave me alone!" sigaw niya habang pinapahid ang luha.

Ayaw niyang lumabas, ayaw niya itong makita. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano ito haharapin.

"Hay! I'm sorry. Hindi na mauulit 'yong kanina. I promise. Ibinili kita ng breakfast. Kumain ka na pagkatapos mo diyan. Doon nalang ako kakain sa labas. Tawagan mo nalang ako sa cellphone kung may kailangan ka. Iyon pa din ang number ko. Aalis na ako." paalam nito.

Nakahinga siya ng maluwag ng masigurong nakaalis na ito. Pero muli siyang nanghina ng maalala na naman ang narinig na ringing tone kanina. Lalo siyang naguluhan sa sariling damdamin.

"Teka nga! Bakit ako naguguluhan? Hindi ba dapat wala na akong maramdaman? Matagal na kaming tapos at sigurado ako na hindi ko na siya mahal!"

I Love You, ExHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin