Chapter 17

75 4 0
                                    

"Bakit kaya wala pa si Slay? Bakit ang tagal nila? Sundan na kaya natin sila?" Nag-aalalang sabi ni Meg kay Dylan. Inilapag nito sa buhangin ang kakaubos lang na buko.

"Hay! Talagang nag-aalala ka pa sa kanya kaysa ang makaalis tayo sa islang ito no?" nawalan tuloy s'ya ng ganang sumubo.

"Hmmm... Maybe mas gugustuhin ko pang si Slay ang kasama ko dito kaysa ikaw. He had that kind of sense of humor na wala ka. You know what? Ngayon ko lang narealize na ang boring mo palang tao kaya naging boring din ang relasyon natin noon." Pasaring pa nito.

"Maybe. Or its just that, galit ka lang talaga sa akin kaya mo nasasabi 'yan. You're making this harder for me, Meg. Mas pinaparealize mo sa akin kung gaano kabigat ang consequences ng actions ko noon. I did think that it was for the better. Yeah! As for you, it is. But for me, it was way worser than I thought it would be." napabuntong-hininga si Dylan. Nalulungkot talaga s'ya kapag ganito si Meg.

Naging malamlam naman ang pagtitig sa kanya ni Meg.

"Hmmm... Ipagpalagay nating bibigyan kita ng second chance, Dylan."

Napalingon s'ya dito at sinuri ang expression ng mukha nito. Mukha naman itong seryoso. Talaga lang na hindi s'ya makapaniwala sa narinig.

"Ako? Pinag-iisipan mong bigyan ng second chance? Nilalagnat ka ba, Meg? If its a joke, sige, nakakatawa na." Nginitian n'ya ito.

Ngunit napapaisip s'ya kung bakit nito binabalak na bigyan s'ya ng second chance gayong galit naman ito sa kanya.

"Hindi. Seryoso ako, Dylan. Kung bibigyan ba kita ng second chance, will you grab it?"

"But of course, Meg. I'll be the happiest man on earth when that happens. But, sadly that will never happen. Never." nalukot ang gwapong mukha ni Dylan dahil sa pagsisisi ss mga nagawa noon.

"I'll give you another strike, Dy. But promise to prove that its worth it."

Nagliwanag ang mukha ni Dylan sa tinuran ni Meg.

"Promise, Meg. I swear to do everything just to make things work. Aayusin ko lahat. Magiging mabait na ako, hindi na magloloko, hindi na magcacancel ng dates, darating na on-time sa usapan, ipagluluto kita ng breakfast every morning, ihahatid sa work when needed." naeexcite na turan ni Dylan.

"Hep! Action speaks louder than words, Dy." Nakangiting paalala ni Meg.

Napakamot naman ng batok si Dylan.

"Ops! Sorry! Naover excite yata ako. Salamat, Meg. Hinding-hindi mo ito pagsisisihan. Promise."

Ginagap n'ya ang mga kamay nito at hinalikan. Pagkatapos ay wala sa sariling napatitig sa mga labi nito.

"I'm wondering how they taste like after 2 damn years." anas n'ya.

"Hmmm. How will you know if you'll just stare at it?" nakangising ani Meg.

Wala ng dalawang salita at kinabig n'ya ang dalaga.

Pareho silang napapikit ng maghinang ang mga labing matagal na panahon ng hindi nagkatagpo ang landas.

Meg's lips instantly parted when Dylan's tongue asked for an entry.

"Hmmm..." kapwa napaungol ang dalawa ng sandaling maghulihan ang mga dilang sabik makipag-ispadahan sa isa't isa.

Bawat hagod, bawat paghinga, bawat pagtama ng mga dila ay kapwa ninamnam ng dalawa. Para bang ayaw ng bumitaw sa isa't isa. Tila ba hindi na kailangan pang ipaliwanag kung gaano nilang namiss ang bawat isa. Isang makapugto-hiningang halik lang ay sapat na para iparamdam kung gaano sila nangulila sa isa't isa.

"How i've missed you, Meg. I'm so sorry for everything." ani Dylan habang hinihingal na kumalas sa halikan nila ni Maeghan. Lumayo ng konti at pilit nilalabanan ang mas matinding pagnanasang unti-unting umuusbong mula sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. He needed to give her extra time bago nila kabisaduhing muli ang katawan ng isa't isa.

Ngunit hindi sumagot si Meg. Bagkus ay napayuko na lamang ito.

"Hey, Meg. Look at me."

Pilit n'yang iniangat ang mukha nito para magtama ang kanilang mga paningin.

Agad na rumihestro sa mukha ni Dylan ang pag-aalala ng makita itong umiiyak.

"Meg? Why? Aren't you happy with this? Napipilitan ka lang ba?"

Inilapat nito sa bibig n'ya ang mga daliri para pigilin s'ya sa pagsasalita.

"Shhh! I'm happy, Dylan. I just didn't realized that i've missed you this much. Sana... Sana huwag mo na akong iwan ulit." mas lalong tumulo ang mga luha sa mga mata ni Meg.

He can see pain, fear, guilt and want in her eyes all at the same time.

Ibinuka ni Dylan ang mga labi pero maya-maya ay tinikom nalang. Wala siyang maisip na isagot dito.

Kaya ba niyang ipangakong hindi n'ya ito iiwan? Samantalang alam n'ya sa sarili n'yang may taning na ang kanyang mga araw?

"Hay! Bahala na. I want to make the most out of what remains." naisa-isip ni Dylan.

"Hmmm... Alam mo namang hindi natin hawak ang buhay at tadhana natin, Meg. But I want to promise you one thing... Sa'yo ako. Sa'yong sa'yo lang hanggang sa mawala ako sa mundong ito. I want to spend the rest of my life with you if you allow me, Meg. Sana sa akin ka nalang din hanggang huli."

"A... Ano? A... Ahas!" sigaw mula sa kung saan.

Nagkatitigan sina Meg at Dylan ng marinig ang boses na iyon.

"Si Jian 'yon ah. Hali ka, Meg! Tingnan natin. Baka napaano na sila." yaya n'ya rito.

Akmang tatakbo s'ya sa direksyong 'yon ng mapansing hindi manlang gumagalaw sa kinakatayuan si Meg. Napatigil tuloy s'ya at bumalik sa kinaroroonan nito.

"May problema ba, Meg?"

"Mas mahalaga pa rin talaga s'ya kaysa sa akin eh no? Kailan mo ba pipiliing manatili sa akin kaysa ang habulin s'ya?"

Alam ni Dylan na mas malalim ang pinaghuhugutan ng sinasabing 'yon ni Meg. Noon pa man ay selos na selos na ito sa bestfriend n'ya.

Napahinga s'ya ng malalim. Siguro nga ay kailangan na niyang mamili between friendship and love. Nandoon din naman si Slay para irescue si Jian kung sakaling may nangyayaring masama dito.

"Tara. Bumalik na tayo doon sa kubo. Ipagbibiyak ulit kita ng buko." nakangiting inilahad n'ya ang kamay rito.

Bumanaag sa mukha nito ang saya.

"Ganoon ba talaga ako dati? Mas pinipili ko ba talaga si Jian kaysa sa kanya? I didn't realize na nasasaktan ko na pala siya sa tuwing inuuna ko ang bestfriend ko." aniya sa sarili.

"Salamat. Gusto ko lang malaman kung talaga bang kaya mo na akong piliin this time. Tara. Sundan na natin sila. " nilampasan s'ya nito at tinahak ang dakong pinanggalingan ng sigaw.

"Talaga namang iba mag-isip ang mga babae." naiiling na sinundan na lamang n'ya ito.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now