Chapter 1

286 8 0
                                    

"Dylan!" Sigaw ni Jian mula sa pinto ng restaurant na pagkikitaan nila.

Ngumiti siya at gumanti ng kaway ng bigla siyang mapasinghap. Nanatili sa ere ang mga kamay at napalunok ng laway dahil sa nanunuyong lalamunan. Lumakas ang kabog ng dibdib niya at hindi malaman kung saan ibabaling ang paningin niyang nakapako sa babaeng kakapasok lang din ng restaurant.

Nasa likod ni Jian ang babae at halatang hindi nito napansin ito. Ang ganda nito sa hapit na floral dress at mas tumangkad ito lalong tingnan sa stilleto nitong suot. Natamaan pa ng fan ang nakalugay nitong buhok kaya mas lalo itong nagmukhang diwata sa paningin niya. Ang saya ng ngiti nito, mga ngiting noon ay nilalaan nito para sa kanya. Ang maamo nitong mukhang wala ng bahid ng kalungkutan na madalas niyang nakikita dito noong sila pa.

"Oh!" Napamulagat siya ng may tumampal sa noo niya.

"Jian, naman!" Angal niya sabay sapo sa noong tinampal nito.

"Kung tititig ka na rin lang sa pintuang 'yan mas mabuti pang ipikit mo nalang 'yang mata mo at imaginin mong nakahubad ako." Maktol nito.

Napatawa naman siya sabay iling. Wala talaga itong ideya sa nakita niya. Nakita niya nga ba ang ex niya na pumasok din sa restaurant kasabay ni Jiana o namamalikmata lang siya?

Iginala niya ang paningin at doon niya ito nakita. Nakaupo sa pinakadulong bahagi ng restaurant. Ngayon ay nakalabas na ang laptop nito at siniserve na agad ng waiter ang kapeng para dito.

"Kaya naman pala. Nakasunod ba sa akin 'yan kanina kaya ka nakatingin sa pintuan?" Tanong ni Jian.

Kunot-noo niya itong tinitigan kaya inginuso nito si Maeghan. Nakita na rin nit ang nakita niya kanina.

"Ah. Yeah." Maikling sagot n'ya.

"Madalas 'yan dito. Nagkakape lang. D'yan lang sa sulok at nagsusulat."

Napatanga siya sa sinabi nito. "What?!"

"By the look of it, hindi ka na updated sa activities ng ex mo. O sadyang busy ka lang sa kakatitig sa mga litrato n'ya sa laptop mo, kakadrama sa mga pictures n'ya sa kwarto mo, pati na pagtunganga sa harap ng bahay n'ya sa tuwing alam mong wala s'ya."

Mas lalo siyang napailing. "Grabe talaga itong babaeng 'to. Alam na alam n'ya ang mga pinaggagawa ko sa araw-araw. Lalo na kapag hindi ako busy, kapag naaalala ko s'ya at mas lalo kapag nalulungkot ako."

"Umalis nalang tayo dito, Jian. Sa ibang restaurant nalang tayo kumain. Baka makita pa n'ya ako at mabwisit ang araw n'ya." Yaya niya dito, tumayo siya sabay hila sa kamay nito.

"Sandali nga. Umupo ka nga. Mas lalo ka n'yang makikita eh. Umupo ka!"

Pinanlakihan siya nito ng mata kaya wala s'yang nagawa kundi ang umayos ulit ng upo.

"Bakit hindi mo kasi sinabi sa aking madalas s'ya rito ng niyaya kita?" Hindi siya mapakali at napapasulyap sa kinaroroonan ni Maeghan.

"Bakit? Sa kanya ba ang restaurant na ito? Saka masarap ang pagkain dito. Hayaan mo s'ya. Hindi ba s'ya na rin ang may sabing wala na siyang nararamdaman para sa'yo? Kaya wala siyang karapatang mainis at mabwisit sa presence mo. Umayos ka kung ayaw mong tusukin kita ng tinidor." Pagtataray pa nito.

Napailing siya lalo at nag-order na lang ng kakainin nito habang ito naman ay daldal ng daldal para sermonan siya.

Kumain nalang siya ng tahimik matapos dumating ang order nila.

"Kailan mo ba planong ilaunch iyang bago mong kanta?"

Napatigil siya sa pagsubo at tinitigan ito ng masama.

"Sorry for evesdropping. Narinig kasi kitang kumakanta sa may veranda the other night. Ang lungkot ng kanta mo sarap mong pektusan sa lungs." Sumubo pa ito ng pasta.

Kung hindi niya 'to bestfriend iniwan na n'ya ito dito. Parang patay gutom kung lumamon, nakakahiya.

"That's a very personal song. Wala akong planong iparinig kahit kanino. Mananatili lang s'ya sa notepad ko." Sabi ko.

"These eyes of mine, still cries anew; Thy heart that bleeds still longs for you. Etc. Etc. Bebenta sa kanya 'yan. Malay mo makakatulong sa bagong librong ginagawa n'ya."

Isang beses lang narinig may natandaan na. Hanep. Maganda ang kanta. Makakapagdamdamin. Pero wala siyang planong ihayag sa madla. Kasi baka mahalata ni Maeghan. Lalo pa at ang title ng kantang 'yon ay mismong ang pangalan nito.

"Tapos ka na ba? Hindi ba may pupuntahan pa tayo? Tumawag ka na ng waiter para mabayaran ko na ang kinain natin." Iniwasan niyang sagutin ang tanong nito. Alam niyang hahaba na naman ang litanya nito.

Imbis na sundin siya ay nilagyan pa nito ng earphones ang mga tenga. Wala siyang choice kundi siya na lamang ang tumawag ng waiter para makaalis na agad sila sa restaurant.

"Waiter!/ Waiter!" Magkapanabay nilang sigaw ng isang tinig babae. Kilala niya ang tinig na 'yon. Kilalang kilala.

Ayaw n'yang lumingon sa pinanggalingan ng tinig pero nararamdaman n'ya ang pagtagos ng titig nito sa dako niya.

Takot siyang makita ang magiging reaction nito pero wala siyang nagawa kundi ang unti-unti itong lingunin at bigyan sana ng isang matamis na ngiti.

Pero bago pa man niya nagawa 'yon ay nakatalikod na ito at nakaharap sa laptop nito. Hindi niya alam kung sadyang iniiwasan siya nito o talagang hindi na s'ya nito marecognize.

"Sasakit lang ang puso mo. Sa akin ka tumitig." Narinig n'yang sabi ng bestfriend niya.

"Pwedeng pahingi ng gamot? Bigla kasing sumakit ang ulo ko." Sabi niya habang nakayuko. Pinipigilan na makita nito ang pait na rumihistro sa mukha niya.

"May gamot sa sakit ng ulo, may gamot din sa sakit sa puso, madaming pain killers pero wala pang nadidiskubreng gamot para sa brokenheart." Sagot nito.

"Sir, may nagpapabigay po." Untag ng waiter sa pag-eemo n'ya.

Nakita n'yang inilapag nito ang librong si Maeghan mismo ang gumawa. Ang 'Thoughts of a Brokenheart'.

"Thank you." sabi niya sa waiter. "Pakikuha nalang ang bill namin."

Tumango naman ito at pansamantalang bumalik sa counter para kunin ang bill.

"Akin nalang 'yan. Ibebenta ko." Nguso ni Jian.

"Hindi pwede. Ibinigay n'ya sa akin 'to." Binuklat niya ang mga pahina at umaasang sana ay may isinulat itong note para sa kanya pero wala. Tanging perma lamang nito ang nakalagay sa libro.

"The book says it all right? Hindi na n'ya kailangan pang maglagay ng dedication para maintindihan mo ang gusto n'yang sabihin." Inagaw nito ang libro mula sa mga kamay n'ya.

Alam na alam n'ya kung ano ang gusto nitong ipahiwatig sa kanya. Siya kasi ang isa sa unang bumili ng libro nito. Kaya alam n'ya ang napapaloob sa libro. Kung gaano kasakit ang ginawa n'yang panloloko dito.

'Thoughts of a brokenheart' ang title kasi alam n'yang nasaktan n'ya ito. Siya kasi ang gumawa ng dahilan para makipagbreak ito sa kanya. Ginawa niya kasi 'yon para sa budding career nito as a writer. Alam n'yang hindi ito nakakapagfocus ng dahil sa kanya. Kaya gumawa siya ng paraan para igive up nito.

"Every pain is worth it. Iyon ang laging nasa isip ko. Konswelo di bobo ko sa sarili ko. Kasi alam kong tanga ako. Bobo. Mali ang ginawa ko. Kasi ako ang nagdudusa. Pero masama bang pangarapin kong magsucceed s'ya kaysa isipin pa itong damdamin ko?"

"Gusto mo bang magkasilbi itong librong ibinigay n'ya?" Tiningala n'ya ang bestfriend niyang ngayon ay nakatayo na sa harap n'ya.

"Ha?"

"Ipupukpok ko sa ulo mo at ng matauhan ka. Muntanga! Gago! Ulol! Utak biya!"

Alam niyang galit na naman si Jian.

"Ito lang naman ang gusto n'yang iparating sa'yo."

Inginudngud nito sa mukha niya ang huling pahina ng libro.

May mga katagang nilagyan ng underline para maemphasize at ito 'yong: Thank you for the lessons despite the pain you've caused me; I have moved on; and, I'm now happy.

"I hope I can do the same." Bulong n'ya sa hangin.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now