EPILOGUE

234 8 0
                                    

"I was right. You're alive."

Naulinigan ni Meg ang nagsasalitang babae sa likuran n'ya. Kasalukuyan s'yang nasa garden at ninanamnam ang lamig ng gabi.

"Bakit hindi mo ako pinakulong, Meg? Its right and just na pagbayaran ko ang ginawa kong pagsagasa sa'yo. Tanga ka ba? Nasisiraan ka na ba? Nakahithit ka ba? Kasi ako napagkamalan ng ganyan dahil sa pagpipilit kong ikulong ako ng mga pulis dahil sa ginawa ko sa'yo. Bakit kasi hindi mo nalang hayaang pagbayaran ko ang lahat?"

Ngumiti s'ya at inamoy ang bango ng paligid.

"Maganda ang gabi hindi ba, Jiana? May mga bituin ang langit at sumisilip ang liwanag ng buwan."

Napasigok ang nasa likod n'yang dalaga. Nagsimula itong suminghot tanda ng pagpipigil nito ng iyak.

"Meg, hindi. Madilim ang langit, walang mga bituin. Walang buwan. Natatabunan sila ng makapal at maiitim na ulap. Hindi maganda ang gabi, Meg!"

Ngumiti pa rin si Meaghan at inikot ang wheelchair na kinauupuan n'ya. Sinumulan n'yang pakiutin ang gulong nito patungo sa kinaroroonan dalaga sa pamamagitan ng pakikinig sa kaunting ingay na dulot ng paghikbi nito.

"Iyan ay nakikita lamang ng mga mata, Jiana. Pero ang nakikita ng puso ko pulos kagandahan na. It was the way I imagine things to be. Mga alaala ko sa kagandahan ng mundo. Mga alaala na hanggang ngayon ay nagdudulot sa akin ng saya. Naintindihan ko ang ginawa mo noon, Jiana. Nagmahal ka lang din kagaya ko kaya ayokong dalawa tayong magdusa dahil sa pagkakamaling naidulot sa atin ng pag-ibig. Ayokong danasin mo ang dinaranas kong kadiliman ngayon. Mabuti na 'yong ako nalang. Kasi alam kong kaya ko, dahil may pamilya akong aalalay sa akin para kayanin ko. May mga alaala akong baon dahil sa kasayahang idinulot ng nakaraan kong pag-ibig, Jiana. Ikaw? Gusto kong malaya mong mahanap ang kasiyahang nadama ko rin noon. Gusto kong sa pamamagitan ko marealize mo na masarap talagang maging malaya, na ayos lang magpakatanga sa pag-ibig kung sa kadulu-duluhan nito mahanap mo ang taong tunay na nagmamahal sa'yo."

Tuluyan ng humagulgol at napaluhod si Jiana sa harap ni Maeghan.

"God! What have I done?! I've wasted one amazing person. Sinira ko ang buhay mo, Maeghan. I'm sorry, i'm really sorry." Humagulgol ito lalo.

"Stop crying, Jiana. You didn't waste anything. Buhay pa naman ako ah. Nasa harap mo pa nga eh. Kaya stop crying at ngumiti ka na, hindi naman ako galit eh. Alam mo? I've already learned braille and now i'm starting to write another novel. Masaya ako na ngayon naipagpapatuloy ko na ang passion ko sa pagsusulat. I'm more inspired now, dahil din sa katahimikan ng buhay ko ngayon mas nakakapag-isip ako ng maayos, mas napagtutuunan ko na ng pansin ang pagsusulat ko. Besides, you, yourself should be happy. He finally found his courage, right? Naging matapang na rin s'ya sa pagtatapat, hindi ba? Kung hindi, wala ka dito sa harap ko ngayon."

"Now, i've realized why he'd love you this much, Meg. Noon, paulit-ulit kong hinahanap ang qualities mo kung bakit ka n'ya minahal. Iyon pala...iyon pala talagang mabuti kang tao. Talaga palang karapat-dapat kang mahalin. Dapat magbalikan..."

Ikinumpas n'ya ang kamay sa ere para pigilan ito sa pagsasalita. "Shhh! Tama na, Jiana. Kontento na akong pakinggan ang mga balita patungkol sa kanya, kompleto din ako sa mga albums na nirerelease n'ya. I'm glad he successfully fought cancer after a year of medication. I've heard he's about to propose to his girlfriend. He's getting married and i'm happy for him. Kaya please, kahit na ang iganti mo nalang sa kalayaang ibinigay ko sa'yo ay ang hindi pagsasabi na buhay pa ako, it will be enough. Ayoko ng maguluhan pa s'ya. He already found someone he can surely called his. Walang hadlang, walang tutol, 'yong taong kanyang-kanya talaga. Walang halong biro, Jiana, masaya ako para sa kanya. Masayang-masaya."

I Love You, ExWhere stories live. Discover now