Chapter 10

85 4 0
                                    

"How's the food?" tanong ni Slay kay Meg.

Tinitigan n'ya ang mga pagkain. Mula sa steak, sandwiches, rice balls and eggs, ham and cheeses, hotdogs and bacons, salad, pastries, fruits at drinks. Lahat masasarap. Pero preoccupied ang utak n'ya. Nakasalubong nila si Jiana earlier. Alam n'yang magsusumbong ito kay Dylan at hindi malayong nasa paligid lang ito, nakatingin sa kanila. Kailangang gandahan n'ya ang acting n'ya. Na para bang gustong-gusto n'ya si Slay kahit ang totoo napipilitan lang siyang pakisamahan ito para ipakita kay Dylan na kaya niyang humanap ng iba.

"Earth to, Maeghan..." untag nito sa kanya.

"Ah....ha? Sorry, ano nga ulit 'yon, Slay?"

"Wala. Subuan na nga lang kita. Sana magustuhan mo itong ipinahanda ko para sa'yo. Hindi ko kasi alam kung ano'ng gusto mo kaya pasensya na kung marami."

Sinubuan siya nito ng bacon at wala sa sariling nginuya niya ito.

Susubuan pa sana siya nito ulit pero tinanggihan na n'ya.

"I'm full. Ikaw nalang muna ang kumain, Slay. By the way, salamat dito. Mukhang masasarap sila."

Pero ang totoo nalula s'ya sa pagkain. Sobrang dami kasi.

"Buti pa si Dylan alam na sinangag at tapa lang ang gusto ko lagi sa breakfast." bulong n'ya.

"Hindi kasi ako s'ya," nakangiting sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ni Meg sabay takip ng bibig.

"Sorry. Papaano mo 'kong narinig?"

Tumawa ito ng mahina. "Hahaha! I'm a doctor remember? Mas physically fit and healthy dapat kami kaysa sa mga patients namin. Hmmm... I knew that there's something going on between you two. Kayo 'di ba?"

"Hindi." maikling sagot ni Meg.

"I won't buy it, Meg." anito habang naiiling. "You're going to use me para pasakitan s'ya, hindi ba?

Napatanga si Meg sa sinabi nito.
Bumuntong-hininga si Meg at tinitigan si Slay.

"I guess, nahuli mo talaga ako doon, Slay. Sorr..."

"Its okay. I'm willing. Just tell me the whole story." nakangiting kinindatan siya nito.

"Seryoso ka? Bakit ka naman papayag? Its obvious na wala ka namang makukuha rito." hindi makapaniwalang aniya.

"Wala ba? What if I ask you to go out with me for real?  'Yan ang gusto kong kapalit."

She weigh things. Saka muli n'yan tinitigan si Slay. Slay is not a bad catch. Doktor ito, mabait, thoughtful din at mukha namang matinong tao. Pwede namang magbago ang preference n'ya sa ideal man na hinahanap n'ya. After all, sinaktan lang din s'ya ng lalaking inakala n'yang right and perfect man para sa kanya.

"I assure you, hindi ako ang babaeng mabilis paibigin, Slay. Ang tulad kong dumaan sa isang masakit na break-up ay hirap ng magtiwala sa mga lalaki kagaya mo."

"So I assume that Dylan is your ex?"

Tumango siya. "Yeah. S'ya ang ex ko na sinaktan ako ng todo."

"Tsk! Tsk! Tsk! Very bad. Kung ako si Dylan? Hinding-hindi ko sasaktan ang mga babaeng kagaya mo. Ang dapat lang sa kagaya mo minamahal at inaalagaan. Hindi pinapaiyak o sinasaktan."

"Flowery words, Slay. Hindi mo ako madadaan sa ganyan. I've heard so much of it from him in the past. Effective at first pero ika nga, words are just words. Take it into action at maniniwala ako."

"Tsk! Tsk! Tsk! Mukha ngang mahihirapan ako. But I accept the challenge. I'll help you get even and keep you for myself in the end." nskangising anito.

"Hmmm. Then wala na ring dahilan para tanggihan ko ang alok mong tulong. Pero pinapaalala ko lang sa'yo, Slay. Hindi kita papaasahin na may patutunguhan tayo. Ang reward mo sa pagtulong sa akin ay date. Iyon lang."

"But i'll assume that it'll lead us to an even better relationship. Tiwala akong mapapaamo kita, Meg. Magiging akin ka rin." seryosong turan ni Slay.

"Suite yourself, Slay. Pero binalaan na kita. Hinding-hindi kita papaasahin kailanman."

"Game on, Meg. Let's play this game. I'm excited as hell to get to the end. We'll win this together. You'll be mine in the end. Sabihin mo lang ang role ko and i'll surely comply."

Napailing s'ya. "Mapaglaro talaga ang mga lalaki. I have to guard my heart hindi lang kay Dylan kundi pati na rin kay Slay. Hindi na ako makakapayag mapaglaruan ulit ng kahit na sinong lalaki."

***
"What was that? Bakit kung kani-kanino ka nakikipagdate?" agad na litanya ni Dylan ng pumasok si Meg sa kwarto.

Madilim ang paligid at halatang hindi talaga nito inabala ang sarili na buksan ang ilaw.

"What is it to you, Dylan? Buhay ko 'to kaya wala kang karapatang kwestyunin ang mga desisyon ko!" singhal n'ya rito habang lumalapit sa kama.

Kukunin na n'ya ang mga gamit at aalis na sa kwartong 'to. Mas gugustuhin nalang n'yang humanap ng mas maliit na tutuluyan kaysa makasama ito sa iisang kwarto..

Nagulat siya ng hablutin s'ya nito at isandal sa pader.

Walang sabi-sabing kinuyumos ng halik ang mga labi n'yang nakabuka dahil sa pagkabigla.

Naaamoy niya ang hininga nitong nalalangkapan ng amoy ng alak.

Sinusubukan n'yang itulak ito para itigil ang ginagawa nitong mapaglapastangang halik pero hindi ito natitinag. Bagkus ay lalo lamang nitong pinagbuti ang paghalik sa kanyang mga labi.

"This is what you want right? Kaya ka nakikipaglandian sa lalaking 'yon para dito, hindi ba?"

Nag-uumpisa ng makaramdan ng kirot sa mga labi si Meg dahil sa marahas na pag-angkin sa mga ito ni Dylan. She tasted her own blood.

"Let me go!" buong lakas n'ya itong itinulak pero nagkamali yata siya ng ginawa. Hinila s'ya nito at kasama siyang napahiga sa kamang binagsakan nito.

Bago pa man siya nakahuma ay dinaganan na siya nito at pinagbabaklas ang mga suot niyang damit.

Pinaghahikan nito ang mga parteng tumambad dahil sa pagkasira ng kasuotan n'ya.

"I'm much better than Slay. Akin ka lang, Meg. Akin ka lang!"

"I said let me go!" buong lakas n'yang itinulak si Dylan. "Sa tingin mo sino ang mas karapat-dapat pakisamahan sa inyo ni Slay? Hindi ba s'ya? Kasi kahit ganoon s'ya, nirerespeto n'ya ako!"

"Don't get near me again kung ayaw mong idemanda kita ng sexual harrassment!"

Narinig n'yang humikbi ito. "Bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to, Meg? Minahal lang naman kita ah. Kahit ang sakit-sakit tiniis ko! Kasi ginusto ko lang namang maging successful ka. Binitawan kita sa pag-aakalang maging maayos ka ng wala ako. Pero nagkamali ako. Hindi ko pala kayang bitawan ka! Dahil hanggang ngayon ikaw lang! Ikaw pa rin! Kaya sobrang sakit ang makitang may kasama kang iba." naglumuhod ito sa harap n'ya. "I'm begging you, Meg. Bumalik ka na sa 'kin please. Akin ka nalang ulit, Meg."

"We're done, Dylan. Sana inisip mong kailangan mo ako bago mo ako binitawan." lumayo siya at binuksan ang ilaw para maghanap ng maisusuot at ligpitin ang lahat ng gamit n'ya.

Nakita n'yang nagkalat ang mga walang laman na bote ng alak. Sa dami nito ay naiintindihan na niya kung bakit nagawa s'yang bastusin ni Dylan. Langong-lango ito sa alak.

"Meg! Akin ka nalang ulit please. Nagmamakaawa ako." nilingon n'ya ito.

Masahol pa sa bata ang itsura nito habang umiiyak.

"Hindi na, Dylan. Wala ka ng babalikan. Ayusin mo nalang ang buhay mo. Tiisin mo ang sakit hanggang sa masanay ka, kagaya ng ginawa ko noong iniwan mo ako."

I Love You, ExWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu