Chapter 3

104 4 0
                                    

"Wow! Kwarto ba 'to ni Joel Cruz? Nasaan ang fountain ng perfume? At saka grabe ka kung makapagmake-up, tinalo mo pa ang clown sa kapal niyan." pang-aasar ng kapatid ni Maeghan sa kanya ng pumasok ito sa kwarto para sunduin siya.

"Heh! Grabe ka, bro. Ang OA mo. Masama bang magpaganda para kay Dave? Magpapakilala siya ngayon sa presscon at the same time iaannounce ng Z-Pro ang pagtatambal namin para sa gagawin naming storyline ng pelikula. Hindi kami ang magiging artista pero sabi ng Z-Pro, magandang publicity ito para sa pelikula sapagkat maraming fans si Dave pati na rin ako. Sa fans palang namin siguradong dudumugin na ang pelikula." Paliwanag niya sa kapatid habang sinisipat ang sarili sa salamin. Sinisiguradong kaaya-aya siya sa paningin ni Dave.

"Whoosh! Ang hangin dito, grabe. Para akong liliparin. Hali ka na nga! Ihahatid na kita papunta sa prince charming mo. Doon sa prince charming mong anino." dagdag pang-aasar nito.

"Heh! Hindi anino si Dave no. Nagpapakaannonymous lang siya. At saka magpapakilala na nga eh. Sigurado akong sobrang gwapo niya. Kaya maglalaway ka kapag nagkita na kami."

"Halalalala! At bakit ako maglalaway eh hindi naman ako aso? Saka babae hanap ko, hindi lalaking mukhang anino. Baka ikaw lang ang maglaway d'yan. Baka nga mas gwapo pa si Dagul d'yan sa Dave na iyan."

Napailing nalang si Maeghan. Kahit kailan hind nagpapatalo itong kapatid niya sa argumento. Pero ngumiti siya ng malapad ng maalala si Dave. Mamemeet na niya ito at iyon ang nagpapanatili sa maganda niyang mood. Sigurado siyang mas gwapo pa kay Dagul ang Dave "n'ya".

"Hinding-hindi mo masisira ang maganda kong mood, Ken. Hali ka na. Ihatid mo na ako kung ayaw mong mawalan ng allowance." Nilampasan niya ito at nagpatiunang lumabas sa kwarto niya.

"Ate, naman! Oo na po. Bebehave na nga oh. Hindi ka na mabiro. Ang gwapo nga siguro n'ong Dave. Bagay kayo..." pambobola pa nito.

"Heh! Narinig mo lang ang salitang allowance ganyan ka na. Bilisan mo na nga at baka mahuli tayo sa presscon."

"Aye aye, madam!"

***
"Dali na! Nalate tuloy ako. Ang bagal mo kasing magmaneho."

Hindi magkandaugaga si Maeghan sa pagmamadali sa pagpasok sa venue ng malamang nagsisimula na ang presscon.

"Hindi ako mabagal no. Sisihin mo ang traffic, Ate." sagot nito habang nakasunod sa kanya.

Hindi na niya ito pinansin at mas binilisan nalang ang lakad.

Parang nagslow motion ang lahat sa kanya ng buksan niya ang pinto ng convention hall na pinagdarausan ng presscon.

Una niyang narinig ang tinig ni Dave na kumakanta ng sariling version nito ng isang OPM hit.

Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa hall dala ang magkahalong kaba at excitement sa una nilang pagkikita ni Dave.

"Dave..." anas niya ng sandaling magtama ang kanilang mga paningin.

Nakamaskara pa ang binata ng mga sandaling iyon at mata palang nito ang kita.

Lalong lumagabog ang dibdib ni Maeghan at hindi mapalis ang matamis na ngiting nakaukit sa kanyang mga labi habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Z, ang producer.

"Take a seat, Maeghan. Tamang-tama lang ang dating mo. Malapit ng magtanggal ng maskara si Dave," nanunudyo ang mga ngiting ibinigay ni Z sa kanya.

Hindi kasi lingid dito ang pagkakagusto niya sa annonymous singer. Hindi niya tuloy napigilang magblush.

"Ikaw, Z, ha? Nahihiya na tuloy ako."

Tawa lang at tapik sa balikat ang sagot nito. Pero malaki pa rin ang ngising ibinigay nito sa kanya.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now