Chapter 28

63 4 0
                                    

"Mom! Please, palabasin n'yo naman ako dito. Please! Hayaan n'yo naman akong makausap si Dylan." Sigaw ni Meg habang nagpapapalag sa tali n'ya.

Dinig n'ya ang boses ni Dylan mula sa ibaba. Gusto sana n'yang silipin ito pero hindi n'ya magawa dahil nakatali s'ya.

"Mommy! Ma!" Sigaw n'ya habang pinipilit na makawala sa tali.

Nagdudugo na ang mga kamay n'ya habang sinusubukang hilahin ang kamay sa mga taling hindi na basta panyo kundi matibay nang lubid. Sadyang wala talagang balak ang mama n'ya na pakawalan s'ya.

"Ate?" Pumasok si Ken upang silipin kung ano ang isinisigaw ng ate n'ya. Laking gulat nito ng makita ang kalagayan n'ya. "What happened?" Agad s'ya nitong dinaluhan para sana kalagin sa pagkakatali.

"Sige, Ken! Subukan mong pakawalan 'yang ate mo at ng itali din kita d'yan kasama n'ya." Nakapameywang ang mommy n'ya ng pumasok ito sa kwarto n'ya.

"Pero, mom! Tingnan mo oh? Nasasaktan na si ate. Nagdudugo na 'yong kamay n'ya. Maawa ka naman, mom." Protesta ni Ken.

"Ken! Huwag ka ng makialam pa! Mas masasaktan ang ate mo kapag hinayaan ko s'yang magpakatanga ulit kay Dylan. Isa ka sa nakasaksi kung gaanong nasaktan at naghirap ang ate mo ng iwan nalang s'yang basta ni Dylan noon. Maski ikaw ay gustong gantihan ang lalaking 'yon, if you could remember. Mas mabuti pang ikasal ang ate mo sa iba kaysa bumalik na naman s'ya kay Dylan!"

"At ikaw okay lang manakit sa kanya, ma? Hindi mo ba nakikita? Mas masasaktan si ate sakaling ipakasal mo s'ya sa iba! Hindi s'ya magiging masaya habang-buhay. Hayaan nalang natin s'ya, ma!"

Nakakabinging sampal ang isinagot ng mama nila kay Ken. Nakita n'yang napakuyom ito ng kamao.

"Mom! Enough! Ken, iwan mo nalang kami ng mommy dito. Huwag mo na akong alalahanin. I'll be  fine."

Saka palang siya nilingon nito. Kita sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya at ang pagpipigil nito sa galit sa ina.

Napabuntong-hininga ito sana mabilis na tumalilis palabas ng kwarto.

"What do you need this time, Meg? Bakit ka na naman nagsisigaw d'yan?"

"Meg! Maeghan!" Sigaw mula sa ibaba.

Mabilis na tumalilis papunta sa bintana ang mama n'ya.

"Kaya ka pala parang higad kang nagpupumiglas d'yan! Nasa ibaba pala ang hinayupak na Dylan na 'yan! Sandali nga!"

Nagmamadaling lumabas ng kwarto n'ya ang mama n'ya.

"Mom! Hayaan mo na si Dylan! Hayaan mo na po kami!" Sigaw n'ya pero parang walang narinig ang ina.

"Dylan! Dy! Nandito ako! Please help me! Itakas mo ako dito please!" Sigaw n'ya. Nagbabakasakaling marinig s'ya nito mula sa ibaba.

1, 2, 3 mahigit na ilang oras na ang nakaraan pero walang Dylan ang umakyat para irescue s'ya.

Bumukas ang pintuan at ang madilim na mukha ng ina ang bumungad sa kanya.

"Mom? Ano'ng ginawa mo kay Dylan?"

"Wala pa naman, Maeghan. Pero kung ayaw mong may gawin ako sa hayop na 'yon, isusulat mo ang idedekta ko." Nakangising sabi ng mommy n'ya.

"Po? Mom! Spare Dylan! Kahit ako nalang and saktan mo 'wag lang s'ya. Please!"

"Wala ng masasaktan kung susunod ka sa gusto ko, Meg."

Sa nakikita n'yang determinasyon sa mukha ng ina ay sigurado s'yang gagawin nga nito ang sinasabi at doon s'ya natakot. Ayaw n'yang may mangyaring masama kay Dylan.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now